PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xyriel Manabat on Therapy After Photo Incident

“Binabastos po nila ako and ino-objectify."
by Bernie V. Franco
Published May 1, 2023
Xyriel Manabat
“And minor po ako nung naranasan ko ito. I was 16 nung naranasan ko ito," says Xyriel Manabat, now 19, about her photos she posted on Instagram in 2020 that were sexualized by her bashers.
PHOTO/S: YouTube (Star Magic) /@xyrielmanabat_ on Instagram

“Binabastos, ino-objectify, sine-sexual assault in a way.”

Ganito inilarawan ni Xyriel Manabat, 19, ang naramdaman niya mula sa bashers dahil sa kanyang photos.

Inalala ng ABS-CBN actress ang hirap na pinagdaanan matapos umani ng matinding reaksiyon ang kanyang ipinost na photos noong 2020.

Minor pa noon si Xyriel sa edad na 16 anyos.

September 2020 nang mag-post si Xyriel ng kanyang mga larawan: body hugging ang manipis na white T-shirt na suot.

Malalaswa at below the belt ang comments ng ibang netizens, tulad ng “bold star, sobrang laki ng boobs, kamanyak-manyak.”

Inamin ni Xyriel na ang isyung ito ay nakaapekto sa kanyang mental state at umabot pa sa usaping legal.

Related article: Xyriel Manabat, 16, calmly responds to “gusto na agad maging boldstar” comment

XYRIEL’S CONTROVERSIAL PHOTOS IN 2020

Binasa at sinagot ni Xyriel ang controversial at toxic comments sa YouTube channel ng Star Magic nitong April 28, 2023.

Sa dulo ng video, tinanong ang Dirty Linen actress tungkol sa komentong labis na nakaapekto sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ginagamit nila yung picture ko. Tapos ie-edit nila na parang nakahawak sila sa private part ko, ganon,” bungad niya.

“And minsan yung mga comment dun parang bina-validate na, ‘E, kasi ganyan naman ang suot, e.’

“E, dyina-justify na, ‘E, kamanyak-manyak naman kasi talaga, e.’”

Hindi raw maiwasan ni Xyriel na maapektuhan kahit na hindi dapat maging balat-sibuyas sa showbiz.

“Maaapektuhan at maaapektuhan po ako kasi hindi lang po iyon pagko-comment o pagba-bash.

“Binabastos po nila ako and ino-objectify. Sine-sexual assault nila ako in a way. Hindi po yon dapat pinapalagpas.

“Na-overcame ko po siya. Gumawa po kami ng legal action and nag-therapy po ako sa mga ganun kong nababasa and nakikita.

“Kasi kailangan kong i-prioritize ang mental health ko, kasi hindi po talaga helpful ang ganong nakikita ko.”

Sabi ni Xyriel, isang buong buwan nagtagal ang isyung ito.

Nakita nila yung pictures ko… nakasuot naman ako ng T-shirt tapos shorts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, yung t-shirt na yon medyo manipis. So ang ginawa ko, nagsuot pa po ako ng sando sa loob.”

Sinigurado raw ni Xyriel na hindi siya makikitaan sa photos na iyon, pero pinansin pa rin ng ilang netizens ang kanyang dibdib.

“Hindi ko po nakikita kung bakit nila dyina-justify na kabastos-bastos,” himutok niya.

Xyriel Manabat sexy photo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At hindi lang daw mga lalake ang pumuna sa kanya sa comments.

“[Bakit] hindi lang nila ikorek na kahit kailan [hindi] magiging tama ang pag-o-objectify ng tao—babae man o lalake, minor man o hindi.

“And minor po ako nung naranasan ko ito. I was 16 nung naranasan ko ito.

“Tapos sobrang na-alter niya yung utak ko, yung thinking ko. Kasi medyo marami-rami po akong napagdaanan dun and marami po akong nakasangga na…

“Kasi ayoko ng nagpapatalo ako kapag ako yung nasa tama.

“Marami po akong binangga na alam kong kailangan kong i-educate, especially yung close-minded persons.”

TOXIC COMMENTS

Sinagot din ni Xyriel ang mean comments tungkol sa kanya sa social media.

Comment: “Sobrang laki naman ng boobs mo! Pabawasan mo yan! Baka bastusin ka!”

Natatawang sagot ni Xyriel: “Parang nabasa ko to somewhere down my comment section.

“Minsan yung iba pong kino-comment-an natin ng ganito, hindi po kasing tibay ng loob ko. Hindi po kasing lakas ng loob ko para lagpasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi kahit ako po minsan pag nakakabasa ng mga ganito, not-so-nice comment na, ‘Puwedeng huwag niyo po akong manduhan sa katawan ko?’

“Kung iyon po ang nakikita ninyo, tignan niyo na lang, scroll niyo na lang.

“Huwag na po kayong mag-comment hangga’t maaari.

“And wag niyo pong i-wish na bastusin [o] tingnan dahil lang sa body type.

“Kasi hindi po talaga doon nababase kung babastusin or ano. Hindi po ang body type ang mag-a-adjust, kundi yung utak po natin.”

Comment: “Di ka naman nagpapa-sexy, e. Nagpapapansin ka lang sa social media.”

Natatawang sagot ni Xyriel: “Kaya nga social media, siyempre, gusto kong mag-clout chasing.

“Yan naman talaga ang point ng social media—magpapansin ako sa tao.

“Po-post ko ba yon kung di ako magpapapansin, e, di sana sinave ko na lang sa camera roll ko.

“Yun po yung goal. Gusto ko pong mag-public expression ng picture ng OOTD, ng make-up look ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko po yan ipo-post kung hindi po yan kapansin-pansin, and wala pong mali don.”

Sinagot din ng aktres ang mga toxic comments tulad ng “mataba” siya at “hipon.”

Sa parehong komento, ipinahayag ni Xyriel na dapat ay positibo ng tao ang tinitingnan at hindi ang kanyang kapintasan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“And minor po ako nung naranasan ko ito. I was 16 nung naranasan ko ito," says Xyriel Manabat, now 19, about her photos she posted on Instagram in 2020 that were sexualized by her bashers.
PHOTO/S: YouTube (Star Magic) /@xyrielmanabat_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results