PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia on Career Flow

"Hindi sila nalulungot sa trabaho kasi kasama nila yung partner nila."
by Bong Godinez
Published May 7, 2023
Joshua Garcia with former love team partner and girlfriend Julia Barretto.
May ka-love team man o wala, sabay lang daw si Joshua Garcia sa agos ng kanyang career. Wala naman daw kasi siyang tinatanggihang trabaho. Inset: Joshua with ex-girlfriend and former love team partner Julia Barretto.
PHOTO/S: Screenshot from PEP Live / File

Mainit pa ring pinag-uusapan ang mga sinabi ng aktres na si Liza Soberano tungkol sa love team culture na umiiral sa Philippine showbiz.

Sa panayam kay Liza ng South Korean singers na sina Ashley Choi at Peniel sa Get Real podcast ay naglabas ng hinaing si Liza sa pressure na dala ng pagkakaroon ng love team.

Paliwanag ni Liza, "We're supposed to be a real couple on and off cam, and we only work with each other for our whole career."

Nakatambal ni Liza noon ang fellow Kapamilya actor na si Enrique Gil.

Matagumpay ang tambalan nina Liza at Enrique na tinawag na LizQuen ng kanilang mga tagahanga.

Naging from reel to real din ang relasyon nina Liza at Enrique na ikinatuwa at kinakiligan siyempre ng fans.

Bagama't hindi na aktibo ang LizQuen ay going strong pa rin naman daw ang relasyon ng dalawa.

Ito ay sa kabila ng haka-haka na naghiwalay na ang dalawa dahil focus ni Liza na matupad ang kanyang pangarap na mapasok ang Hollywood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag na kuwento ni Liza, "In love teams, you're expected to just be with that one person throughout your career and in your personal life and, like, people don't wanna see you aside with another male actor or any other male in general."

May mga pumuri at sumang-ayon sa pahayag ni Liza. Napakatapang daw nito na ipahayag ang saloobin at punahin ang matagal nang kultura at formula ng love team sa Philippine showbiz.

Meron din namang nainis at pinaratangan si Liza na walang utang na loob at walang pagpapahalaga sa biyaya na tinamasa nung panahon na sikat na sikat ang LizQuen.

GO WITH THE FLOW

Isa ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa nakinabang sa pagkakaroon ng love team.

Sino ang makakalimot sa matagumpay na tambalan nila ng aktres at ex-girlfriend na si Julia Barretto?

Taong 2019 nang magwakas ang JoshLia love team kasabay ng paglabas ng balita na nagkahiwalay na ang dalawa bilang magkasintahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May last year nang maiulat na magkakaroon ng reunion movie under Black Sheep Productions sina Julia at Joshua.

Kamakailan lang ay nag-guest si Joshua sa PEP Live at bahagyang napag-usapan ang tungkol sa love team culture.

Video: Rommel Llanes (live stream producer), Nikko Tuazon (host).

Detrimental nga ba sa career growth ng isang artista ang pagkakaroon ng constant screen partner?

Sa palagay ni Joshua ay "hindi naman."

Dagdag nito, "Iba-iba naman especially 'pag magkarelasyon sila, di ba? Ano yan parang nakakapag-work sila and they can play din at the same time.

"Hindi sila nalulungkot sa trabaho kasi kasama nila yung partner nila.

"Hindi lang partner sa trabaho, partner pa sa totoong buhay. Sobrang inspired sila magtrabaho nun, ganado yun."

Looking back, never naman daw naging issue kay Joshua ang may kapareha sa mga ginawang proyekto.

"Ako kasi yung tipo ng tao na sasabayan ko lang yung agos ng karera ko," bulalas ni Joshua.

"Simula nung nagsimula ako, wala akong tinanggihan na proyekto. Dire-diretso lang yung agos na yun, sinabayan ko lang, hindi ko sinalubong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Trabaho lang daw nang trabaho si Joshua hanggang dumating sa point na may laya na siyang gumawa ng mga proyekto as a solo actor at hindi nakatali sa love team.

"Sobrang blessed ko na ganun yung nangyari sa akin," pasasalamat ng aktor.

SHOWING HIS VERSATILITY

Masaya naman si Joshua dahil as a solo actor ay lumawak ang kanyang options pagdating sa mga proyekto na gagawin at papel na gagampanan.

Magandang halimbawa ang pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan na kung saan ay ginagampanan ni Joshua ang karakter na si Gilberto “Galo” Manansala.

Horror-suspense ang genre ng pelikula na hango sa mystery novel ng sikat na nobelista na si Bob Ong.

"'Di ba bilang aktor, looking forward ka to portray another person, another character?" tanong ni Joshua.

"Yun na yung pinaka-interesting talaga sa akin, e. Gusto ko bilang aktor, gusto ko mag-portray ng iba’t ibang character.

"Ngayon mas nagiging picky na ako, gusto ko na yung mas malalim na may kuwento, yung kakaibang kuwento naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So nung tinanggap ko itong proyekto na ito gusto ko rin talagang makatrabaho si Direk Chito [Roño], lalo na horror.

"Napanood ko yung Feng Shui [starring Kris Aquino] na, oh my God, ang ganda nun! Nakakatakot yun."

Dagdag ni Joshua na half-serious, half-joking, "Nakakatakot din yung set namin at nakakatakot din si Direk Chito, medyo intimidating siya sa set."

Incidentally ay si Direk Chito rin ang direktor ng huling teleserye ni Joshua na Darna kasama si Jane De Leon.

"Ako masaya lang ako na nakatrabaho ko si Direk Chito, one for the books.

"Yun yung isa sa mga puwede kong iyabang pag beterano na ako—nakatrabaho ko yan si Direk Chito.

"Puwede ko pa iyabang yun pag yung mga actors, actresses magkakausap, 'Sino ba nakatrabaaho mo?' 'Direk Chito!' o di ba? So I'm really happy."

Minsan na rin daw siyang napagalitan ng magaling na direktor nung ginagawa nila ang Darna.

"Parang kailangan ko ma-experience na pagalitan [ni Direk Chito]," nangingiting sambit ni Joshua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman niya ako pinagalitan. More of pinagsabihan, parang kinorek niya lang [ako] kasi nagbu-burger ako sa set habang nagba-block siya."

Paglilinaw ni Joshua, "Okey naman relationship namin.

"Napakagaan niyang katrabaho at napakalambing. Yan lang ang aking masasabi."

Mapapanood Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa May 18, 2023, sa Amazon Prime Video.

Sa May 29 naman ay eere na ang Unbreak My Heart, ang serye na co-produced ng ABS-CBN, GMA Network, and Viu Philippines.

Kasama ni Joshua sa serye sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Gabbi Garcia.

Ipapalabas sa multiple platforms ang Unbreak My Heart, kasama ang TFC, Viu, GMA-7, GTV, at GMA Pinoy TV.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May ka-love team man o wala, sabay lang daw si Joshua Garcia sa agos ng kanyang career. Wala naman daw kasi siyang tinatanggihang trabaho. Inset: Joshua with ex-girlfriend and former love team partner Julia Barretto.
PHOTO/S: Screenshot from PEP Live / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results