PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Producer Denies Garth Garcia's Claims

Concert producer Amor Yu, nag-issue ng statement
by Jerry Olea
Published May 7, 2023
garth garcia vice ganda concert
Pinabulaanan ng US-based concert producer na si Amor Yu ang mga paratang ng Fil-Am singer na si Garth Garcia na diumano ay minaltrato siya ng assistant ni Vice Ganda noong nag-guest siya sa VGful concert ni Vice sa Yaamava Resort & Casino, Highland, California noong April 23, 2023.

Nalathala noong Abril 26 dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hinaing ng Fil-Am singer na si Garth Garcia, na panauhin sa VGful concert ni Vice Ganda noong Abril 23, 2023, sa Yaamava Resort & Casino, Highland, California, USA.

READ: Fil-Am singer na guest sa U.S. concert ni Vice Ganda, nakaranas umano ng pangmamaltrato mula sa assistant ng comedian-TV host

Himutok ni Garth, minaltrato umano siya ng isang assistant ni Vice Ganda.

Garth Garcia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-message via Messenger ang Hollywood correspondent na si Oliver Carnay ngayong Mayo 7, Linggo ng umaga (Manila time) upang ilahad ang panig ng producer ng naturang US concert.

Sabi ni Oliver, “Medyo natagalan lang ang response ng producer dahil busy siya sa mga ibang upcoming shows na inihahanda niya.

“I interviewed her kahapon lang. Siya rin ang producer ng SB19 sa July 29 dito sa L.A.”

In-email ni Oliver sa PEP.ph ang artikulong ilalathala niya sa kanyang website.

“I have added the pic of Garth Garcia with Vice Ganda nang mag-pa-picture siya during Meet & Greet.

“Pagkatapos ito ng sinasabi niyang altercation with Vice's assistant, na siya ring namamahala ng Meet & Greet,” sabi ni Oliver.

Narito ang kabuuan ng artikulo ni Oliver Carnay:

Producer ng last leg VGFul Concert ni Vice Ganda sa Yaamava Resort & Casino, pinabulaanan ang alegasyon ng local artist na si Garth Garcia!

“Nagsalita na ang producer na si Amor Yu ng Amor Yu Productions kaugnay ng mga tinuran ng Los Angeles local artist na si Garth Garcia sa pambabastos umano ng assistant ni Vice Ganda sa backstage pagkatapos ng successful concert ng Unkabogable Star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito ang last leg na ginanap sa Yaamava Resort & Casino kung saan ayon sa ‘L.A.'s Prince of Pop’ ay sinigawan daw sila backstage at itinaboy na parang mga langaw. Nilinaw ng producer na si Amor Yu na walang instructions sa kanila (local artists) na bumalik ng backstage para makipag-celebrate sa main artists. Pagkatapos manood ng local artists from their seats, diretso dapat sila sa lobby for Meet & Greet. Wala din daw abiso from Starmedia Entertainment (promoter ng buong tour ni Vice Ganda) na pumunta sila sa likuran (main artists holding area) kung saan bumalik sina Vice Ganda, MC & Lassy, at ang special Guest Artist ni Vice sa buong tour na si Darren Espanto, para mag-freshen up for the Meet & Greet.

“Pagkabalik sa dressing room nila Vice (which is just adjacent to the stage) pagkatapos ng show, nagkakasiyahan daw ang grupo ni Vice na inaawitan pa ng ‘Happy Birthday’ ang kanyang assistant at pagkatapos ay sinabihan lamang nito ng malumanay ang mga nasa hallway na nakatanghod sa labas ng kwarto ni Vice ng ‘Excuse me po, magbibihis lang po si Vice para sa Meet & Greet!’ Wala naman daw dahilan ang assistant para sumigaw at mag-attitude pagkatapos ng kasiyahan na iyon. In fact, may witness daw na isa sa mga front acts din na nagngangalang John Cueto ang nakarinig ng tinuran ng assistant ni Vice.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Vice Ganda VGful concert Meet and Greet

“Nilinaw ni Amor Yu na hindi Guest Artist ang title ni Garth Garcia sa concert ni Vice dahil si Darren Espanto ang ‘Special Guest Artist’ ni Vice Ganda sa buong US-Canada VGFul Concert nito.

“According to Amor Yu, the local artists (front acts) only get 10% percent from the gross ticket sales at nakabenta naman si Garth ng sampung tickets, which totaled to $2,2800.00 ($228 SVIP) minus his 10% commission. Never niya binayaran si Garth sa lahat ng mga shows na prinodyus nito na kasama si Garth at wala siyang talent fee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa issue raw na walang dressing rooms ang mga local artist: ‘Mayroon silang rooms sa Yaamava but it is on the second property, adjacent to the main hotel kung saan malapit sa theatre ng Yaamava. Kung mag-che-check-in sila sa hotel, they will be instructed and escorted by a shuttle to the second property, ng Yaamava. There is a shuttle that picks up people and it only takes a few minutes to get there. The VGFul band members nga duon din ang dressing rooms habang naghihintay. Isa sa mga challenge sa Yaamava ay limited lang pala ang holding area ng main artist sa backstage at tatatlo lang ang small dressing rooms. At ang green room nila kung saan may mga pagkain na sineserve ay napakaliit. Kaya wala talagang lugar sa napakaraming tao sa backstage,’ ang pasakalye ng prodyuser.

"Ang call time nina Garth is 12:30 p.m. so they are ready to do the sound check at 1pm. Ang sabi ni Garth, hindi na raw siya magsa-sound check. Dumating siya ng 4 pm, eh ang start ng show ay 5 pm kaya he didn't have time to do anything dahil sasalang na sila. So sila ang nag-decide na hindi na mag-check-in sa room nila. Dumiretso na siya sa backstage for the start of the show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang foods for local artist ay nasa "green room" which is only available for them from 1 pm to 4 pm habang nag-sa-sound check ang mga artista. Si Vice Ganda ay nag-sound check ng 3 pm. Yung dinner na inihanda sa "green room" after the show ay para lamang sa main artists (Vice Ganda, MC & Lassy, G-Force Twins, Darren Espanto, band members at entourage ni Vice)."

“Hindi na daw dapat kasama ang mga local artists sa dinner dahil pagkatapos nila manood ng show ang mga front acts from their seats, ay sa Meet & Greet na dapat ang diretso nila for picture taking. ‘Nakita ko pa sila at inuna silang magpapicture kay Vice sa Meet & Greet. Kung may issue pala sila sa assistant ni Vice na siyang nag-a-assist sa Meet & Greet, bakit hindi nila sinabi man lang sa amin eh nandoon din kaharap nila yung tao sa Meet & Greet?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nang mabasa ko yung lumabas sa PEP, nagulat ako dahil nag-usap pa kami ni Garth habang nagda-drive sila pauwi after the show at sinabi ni Garth na hindi nila nagamit yung kuwarto nila. Sinabi ko pa na sayang dahil nagamit sana nung mga tao na alam kong malayo ang uuwian para sila na lang ang natulog doon," pagtatapos ni Amor Yu.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinabulaanan ng US-based concert producer na si Amor Yu ang mga paratang ng Fil-Am singer na si Garth Garcia na diumano ay minaltrato siya ng assistant ni Vice Ganda noong nag-guest siya sa VGful concert ni Vice sa Yaamava Resort & Casino, Highland, California noong April 23, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results