Joey de Leon hinamon ang Eat Bulaga co-hosts na kantahin ang theme song ng It's Showtime

"Tanggal na kayo!" biro ni Joey de Leon sa kanyang co-hosts
by Bong Godinez
May 7, 2023
Eat Bulaga
Joey de Leon added fun to Eat Bulaga's episode on Saturday, May 6, 2023, after he challenged his co-hosts to sing the theme song of rival show, It's Showtime, during the show's 'Da Kads Bar' segment.
PHOTO/S: Eat Bulaga (YouTube)

Naging extra kuwela ang episode ng Eat Bulaga! nitong nakaraang Sabado, May 6, 2023.

Sa segment na "Da Kads Bar" ay muling napagkatuwaan ng hosts ng programa ng mag sing-along sa song requests ng viewers.

Parang bar gig ang atmosphere sa studio dahil complete with live band backup ang set-up at may pakimkim pa na pera galing sa mga nagre-request.

Ilan lamang sa mga kanta na inawit ng Eat Bulaga! hosts at special guest na si Gabbi Garcia ay ang "I Gotta Feeling" ng Black Eyed Peas, "Levitating" ni Dua Lipa, "Sinta" ng Aegis, "Just the Way You Are" ni Bruno Mars, "Dancing Queen" ng ABBA, at "Bakit Ngayon Ka Lang" ni Ogie Alcasid at pinasikat din ng Freestyle.

JOEY ISSUES CHALLENGE

Sa gitna ng kasiyahan ay isang hamon ang binitiwan ng komedyante at longtime mainstay ng programa na si Joey de Leon.

"Limang libo, dagdagan ko pa sampung libo na," alok ni Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit naman ni Jose Manalo, "Kakantahin ko talaga yan!"

Sagot ni Joey, "Theme song ng Showtime."

Ang It's Showtime ang rival noontime show ng Eat Bulaga! at kabilang sa host nito ay sina Vice Ganda, Anne Curtis, at Vhong Navarro.

Game naman na inawit nina Jose, Gabbi, Allan K, at Wally Bayola ang intro ng Showtime theme song.

Dahil dito ay humirit si Joey ng, "Tanggal na kayo!"

Natawa naman ang audience pati ang Eat Bulaga! co-hosts.

Matapos iyon ay nagpatuloy ang kantahan at tawanan ng lahat sa studio.

Patuloy na nahaharap sa kontrobersiya at pagsubok ang Eat Bulaga! sanhi ng management issues matapos na maiulat na hahawakan na ito ng mga anak ng dating congressman na si Romeo Jalosjos.

Co-founder ng programa si Jalosjos na itinatag ang Eat Bulaga! kasama si Tony Tuviera noong 1979.

READ: FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

READ: EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'

READ: EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"

Panoorin ang masayang sing along ng Eat Bulaga! hosts kahapon dito:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey de Leon added fun to Eat Bulaga's episode on Saturday, May 6, 2023, after he challenged his co-hosts to sing the theme song of rival show, It's Showtime, during the show's 'Da Kads Bar' segment.
PHOTO/S: Eat Bulaga (YouTube)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results