#EatBulagaWar
Laman ngayon ng balita ang longest-running noontime show na Eat Bulaga!, pati na ang main hosts nitong sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na kilala sa tawag na TVJ.
Kasunod ito ng power struggle diumano sa loob ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga!
Sa kanyang Instagram ngayong araw, March 3, 2023, ibinahagi ni Joey ang screenshot ng balita ng isang broadsheet tungkol sa TVJ.
Ayon sa balita, trending topic ang Eat Bulaga! sa Twitter dahil sa napipintong rebranding ng noontime show.
Caption ni Joey ukol sa isyu, “Actually, natatawa at natutuwa ako sa mga pangyayari kasi pinag-uusapan pa rin kami hanggang ngayon! Thanks!"
Tinag din ni Joey ang IG accounts nina Tito Sotto at Pauleen Sotto, misis ni Vic Sotto.
View this post on Instagram
Ayon sa nakalap ng Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakipagpulong na ang mga anak ni former Congressman Romeo Jalosjos sa management ng GMA Network Inc. kahapon, March 2, 2023.
Ipinaalam nila sa istasyon na sila na ang namamahala ng Television and Productions Exponents (TAPE) Inc., ang producer ng Eat Bulaga!
Kasama sa naganap na pagpupulong si Tony Tuviera, isa sa mga executives ng TAPE na matagal nang nagretiro pero patuloy na namamahala sa noontime show.
Sina Jalosjos at Tuviera ang mga nagmamay-ari sa TAPE Inc., pero mas malaki ang parte ng dating kongresista.
Ipinauubaya na ni Jalosjos sa kanyang tatlong anak na sina Bullet, John, at Soraya ang pamamalakad sa noontime show na 43 years nang napapanood sa telebisyon.
Read: Mga anak ni Romy Jalosjos, nakipagpulong sa GMA-7 executives tungkol sa TAPE Inc.
Ayon sa hiwalay na ulat ng Bilyonaryo.com, gusto raw kontrolin ni Jalosjos ang pamamahala ng TAPE Inc. at gusto raw nitong mapatalsik si Tuviera bilang producer.
Halos ganito rin ang sinabi ni Cristy Fermin sa kanyang programa na Cristy FerMinute kahapon, March 2.
Tingin ni Cristy, kapag matuloy ang pagpapaalis sa isang ehekutibo ng show, tiyak daw na sasama rito ang mga original hosts ng Eat Bulaga!
Sa gitna ng bali-balitang ito, una nang nag-react si Tito Sotto.
Kung anuman ang internal issue sa management ng Eat Bulaga, tila nagpahiwatig si Tito na nasa panig siya ni Tony Tuviera nang mag-post siya sa Instagram ng litrato nilang dalawa.
Read: Tito Sotto reacts to rumored goings-on in Eat Bulaga!: "Who says we’re splitting?"
