Kinumpirma na ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake ang pagkakakilanlan ng lalaking nagpapatibok sa kanyang puso ngayon.
Ito'y walang iba kundi ang dating PBA player na si Bobby Ray Parks Jr.
Nitong Lunes, May 8, 2023, ipinost ni Zeinab sa kanyang Instagram Stories ang silhouette picture ng rumored boyfriend niyang si Ray habang nasa court at naglalaro ng basketball.

Ngunit bago ito, nauna nang i-flex ni Ray sa Instagram ang espesyal na relasyon nila ni Zeinab.
Sa pamamagitan ng isang IG reels, ibinida ng Filipino-American basketball player ang sweetness nila ng YouTube vlogger.
Makikita sa video na maingat niyang inaayos at sinusuklay ang buhok ni Zeinab habang ito ay nakayuko.
Maririnig ding sinabi ni Ray na nililigawan niya ang kilalang YouTuber.
Aniya sa video, "Buti na lang ako yung nanliligaw no? Ikaw yung walang patience. e."
Kinilig at natawa naman si Zeinab sa sinabi ni Ray.
Kapansin-pansin din sa huling parte ng video ang nagbabadyang paghahalikan ng dalawa ngunit hindi ito natuloy.

Agad naman itong nireplayan ni Zeinab ng black heart emojis at ibinahagi sa kanyang IG Stories.
Mensahe niya rito: "Cutie bebe [face holding back tears emoji, black heart emoji]."

Bago ang pagsasapubliko nila ng namamagitan sa kanila, nauna nang kumalat sa social media ang mga larawan nina Zeinab at Ray habang magkasamang nagbabakasyon sa Japan.
Si Ray ay kasalukuyang naglalaro para sa koponan ng Nagoya Diamond Dolphins sa Japanese Basketball League.
ZEINAB's NEW FOUND LOVE
Noong September 11, 2022, unang kinumpirma ni Zeinab na may bago na siyang karelasyon.
Pagtatapat niya, hindi celebrity ang bago niyang kasintahan.
Mas mabuti raw ito dahil parehas nilang gustong maging pribado ang kanilang relasyon, pero hindi naman nila ito itinatago.
Saad niya, “Okay lang naman na malaman ng kahit na sino, e. Okay lang na private, pero hindi mo itinatago.
“Okay na ako sa ganung set-up, e. Kasi, ang hirap ng lahat nilalantad mo sa media. Ang daming nakikisawsaw, ang daming comments. Ang hindi yun naging okay sa mental health ko before.
"So, natuto na ako ngayon. Low-key but not private po. Okay na ako nun.”
Read: Zeinab Harake, masaya sa kanyang bagong low-key relationship
Sobrang na-trauma raw kasi siya sa nakaraan niyang relasyon, pero ang dami niyang natutunan, at nadadala niya ito sa bago niyang relasyon.
Sabi ni Zeinab, “Hindi na puwedeng all-out na tayo ngayon. Ngayon, mas pinipili ko na dapat, give and take.
"Natutunan ko na yung salitang give and take, kasi ako po yung klase ng tao na madalas na… giver kasi ako, e.
“Sa kaka-give ko nang kaka-give, hindi ko namamalayan na wala na pala akong nare-receive. Ubos na pala ako.”
Read: Zeinab Harake recalls darkest moment after breakup with Skusta Clee
Ang huling nakarelasyon ni Zeinab ay ang rapper na si Skusta Clee. May isa silang anak si Bia, 2.
Read: Did Zeinab Harake take a swipe at ex-partner Skusta Clee?
Read: Zeinab Harake reveals Skusta Clee’s “kabit” caused falling-out with Wilbert Tolentino
Samantala, ang former GirlTrends member na si Maika Rivera naman ang huling nakarelasyon ni Ray.
Read: Maika Rivera denies third-party allegation in Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup
