PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xyriel Manabat responds to "may hair yung armpit" comment from basher

Xyriel to basher: "Uhmm coz tao ako? So what about it..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 10, 2023
Xyriel Manabat responds to "may hair yung armpit" comment from basher
Xyriel Manabat hits back at basher who commented about her armpit hair.
PHOTO/S: Xyriel Manabat Instagram

Pinalagan ng aktres na si Xyriel Manabat ang basher na pumuna sa kanyang kili-kili.

Sa Instagram nitong May 6, 2023, nag-upload si Xyriel ng mga litrato niyang kuha sa kanyang photoshoot.

Suot ang brown sleeveless body suit at low-waisted oversized denim jeans, confident na ipinakita ng dating child actress ang kanyang ganda at kaseksihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Xyriel Manabat, mas liberated, open, at real na ngayon

Ngunit kung mayroong mga pumuri sa kanya, may isa ring naligaw na basher na pinuntirya ang buhok niya sa kili-kili.

"May hair yung armpit hahaha," komento ng basher.

Hindi naman ito pinalampas ni Xyriel at agad niyang pinalagan.

Buwelta niya, "Uhmm coz tao ako? So what about it [laughing in tears emoji]."

Xyriel Manabat responds to

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami rin sa fans ni Xyriel ang ipinagtanggol siya.

Anila, normal lang sa isang tao, mapa-lalaki man o babae, ang magkaroon ng buhok sa kili-kili.

Pinayuhan din nila ang basher na kung wala itong magandang sasabihin ay mas mainam na manahimik na lamang ito.

Komento ng isang netizen (published as is), "Inggit ka lang kay xyriel ses kaya ka nambash jan."

Saad pa ng isa, "Body hair is normal. Nakita mo pa yon.? Talas naman ng mata mo, chismosang chismosang basher ang datingan mo."

Sabi pa ng isa, "Wala kang body hair girl? Kababae mong tao grabe ka makalait sa kapwa mo babae [angry emoji]."

Ani pa ng isa, "Sarap din lagyan ng hair bunganga mo. Manahimik na lang sana kung walang magandang sasabihin."

Dagdag pa ng isang fan, "Dapat kapag basher di nag Pa private nang Account hahaha!! Normal ang May buhon sa kili2x dyosmeyo marimar! Saka ka mag puna nang ibang tao tignan mo muna sarili mo sa salamin inday."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Xyriel Manabat flaunts curves in show-stopping prom dress at #StarMagicalProm2023

Samantala, bukod sa fans ni Xyriel, may ilan din sa mga kapwa niya celebrities ang nagkomento at pinuri ang litrato ng Dirty Linen actress.

Kabilang sa mga ito sina Darren Espanto, Barbie Imperial, Ria Atayde, Raven Rigor, at Esnyrr Ranollo.

Xyriel Manabat responds to

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Xyriel Manabat responds to

Hindi ito ang unang beses na atakihin ng bashers si Xyriel.

Noong April 28, 2023, sa YouTube channel ng Star Magic, ibinahagi niya ang hirap na pinagdaanan matapos umani ng matinding reaksiyon ang kanyang ipinost na photos noong 2020.

September 2020 nang mag-post si Xyriel ng kanyang mga larawan: body hugging ang manipis na white T-shirt na suot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malalaswa at below the belt ang comments ng ibang netizens, tulad ng “bold star, sobrang laki ng boobs, kamanyak-manyak.”

Inamin ni Xyriel na ang isyung ito ay nakaapekto sa kanyang mental state at umabot pa sa usaping legal.

Aniya, “Maaapektuhan at maaapektuhan po ako kasi hindi lang po iyon pagko-comment o pagba-bash.

“Binabastos po nila ako and ino-objectify. Sine-sexual assault nila ako in a way. Hindi po yon dapat pinapalagpas."

Read: Xyriel Manabat opens up about going to therapy after "sexual assault" on her photos

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xyriel Manabat hits back at basher who commented about her armpit hair.
PHOTO/S: Xyriel Manabat Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results