Hindi pinalampas ni Chie Filomeno ang isang basher sa TikTok nitong nakaraang lingo.
Pinagsalitaan kasi siya nito na tila masama ang magparetoke.
Sabi ng basher (published as is), “Women empowerment b yan?? ineencourage niyo mga kababaihan na magparetoke buong mukha kesa iembrace ung natural na ganda ng Pinay lol”
Depensa ng 26-year-old TV personality, wala siyang panghihikayat na ginawa ukol sa pagpaparetoke. Wala raw masama rito lalo na kung dulot naman nito ay ligaya sa kanya.
Aniya, “Una sa lahat, wala po tayong ini-encourage at wala po akong sinasabi o wala po tayong sinasabi na ito ang tamang gawin, ito ang dapat gawin.
“At tsaka, wala naman pong masama sa pagpaparetoke or sa pag-i-enhance sa kung anong meron ka.
"Kung ito ang tingin mo magpapasaya sa yo, magbibigay confidence sa yo, why not do it? Wala ka namang natatapakan na tao, wala kang nasasaktan.”
Buwelta pa niya, hindi naman pera ng basher ang kanyang ginamit kaya nagtataka siya kung bakit binungangaan siya nito.
Sabi ni Chie, “At isa pa, pera mo ba ang gamit ko sa pagpaparetoke ko? Di ba, hindi? Pero kung oo, sige bayaran kita.”
Dagdag pa niya, “Ang tanda-tanda na po natin, alam na po natin kung ano ang tama sa mali. At ang ginagawa mo, yan yung mali.
“Parang dini-degrade mo lahat ng taong nagparetoke, parang ang sama-sama naming tao for like doing something that would make us happy nang wala kaming tinatapakang tao.
“I’m not saying this is the right thing to do pero sana mas lawakan pa natin yung understanding natin sa topic na to.”
Caption ni Chie sa kanyang TikTok post: “you’re making it seem like it’s a crime…”
@chiefilomeno Replying to @D? ? original sound - C H I E
Noong 2019, inamin ni Chie na ipinagawa niya ang kanyang ilong. Pero may dahilan siya kung bakit niya ginawa ito.
Lahad niya, “Kasi nung ipinanganak ako, I was born in Japan, gusto ni Mommy normal delivery.
“It took her siguro whole day mag-labor, hindi kaya.
“If 50-50 na kailangan ko na lumbas so emergency CS [caesarean] ako.
“Since emergency, yung doctor, pagkahiwa niya, natamaan yung ilong ko.
“'Tapos sabi nila, mag-regenerate daw kasi baby pa naman daw ako.
“So, okay, sige, sige, sige...
"I was 14, wala... Ganito, ano pa rin siya, hindi pa rin tumubo yung buto.
“Si Mommy ko, Daddy ko lahat matangos ilong, e. So, yung sa akin, tinamaan siya.
“If you can see, there’s a scar here, yan yung tama ng scalpel.”
