PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

OFW Advised to Pay Extra Baggage Fee to Agent

"Niloloko na ako.”
by Bernie V. Franco
Published May 10, 2023
NAIA airport and tissue
OFW Maryclair Reyes recounts how a check-in agent of an airline in Ninoy Aquino International Airport told her to pay PHP11,000 for her excess baggage. An airline official said that the agent is now under preventive suspension. Insert photo shows the tissue that includes the alleged bank account number of the check-in agent.
PHOTO/S: NAIA via Facebook and Maryclair Reyes

Ibinunyag ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang hindi magandang karanasan niya sa isang check-in agent sa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Tinangka umano siyang singilin ng PHP11,000 dahil sa kanyang excess baggage.

Ang karanasang ito ni Maryclair Reyes, isang teacher sa Thailand, ay idinaan niya sa isang Facebook post noong May 4, 2023.

Nag-viral ang kanyang post at naiulat na sa major news outlets.

Read:

Sumobra ng 12 kilos ang kanyang baggage, samantalang 30 kilos lang ang allowed baggage sa isang pasahero.

Kalakip din ng Facebook post ni Maryclair ay larawan ng tissue na may nakasulat na 11-digit number, ang bank account number kung saan ipinapa-deposit ng check-in agent ang PHP11,000.

tissue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagpatinag ang OFW kahit tinakot pa umano siya ng check-in agent na babawiin ang kanyang boarding pass kapag di nagbayad.

SUSPENDED FLIGHT

Binanggit ni Maryclair sa kanyang Facebook post na nasa NAIA Terminal 2 na siya at nakapila sa check-in area bandang 9:25 a.m. para sa kanyang 2.00 p.m. flight.

Pero ipinaalam sa kanya ng check-in agent na suspended ang kanyang 2:00 p.m. flight.

Inilipat daw ang kanyang flight schedule ng 11:30. Hindi nilinaw ng OFW sa post kung gabi o umaga, pero base sa kanyang interview, 11:30 a.m. ito.

Ibig sabihin, mas napaaga ng ilang oras ang flight ni Maryclair.

“Doon po, nagtaka na ako kasi yung school namin dito [sa Thailand], may agency siya, ini-inform niya kami kung ang flight namin ay madi-delay, kung mabago ang time.

“Lalo kung ma-suspended pa. For sure, i-inform kami,” ani Maryclair sa interview ni Noli de Castro para sa TeleRadyo nitong May 9, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakumpirma raw ito ni Maryclair nang dumating siya sa Thailand. Tinanong daw niya ang ahensiya tungkol sa kanyang naantalang flight.

“Sabi naman niya [agency personnel], wala siyang natatanggap na email from the airline,” ani Maryclair.

THE PHP11,000 excess baggage fee

Ikinuwento ni Maryclair ang istorya sa likod ng tissue kung saan nakasulat ang diumano’y bank account number.

“Inabot sa akin nung nasa check-in area. Inaasikaso niya po yung ano ko, yung boarding pass...

“Then pag-abot niya po ng boarding pass sa akin, kasama yung tissue, nasa ilalim. At binulungan niya ako na, ‘Ma'am, dito na lang po sa account ko.’”

Kuwento ni Maryclair, nang timbangin ang kanyang baggage, nagkaroon ng excess — isang 24-kilogram box at isa pang 9-kilogram box.

Noong una ay PHP1,000 raw ang sinisingil para sa excess baggage. Hindi pa raw kasama rito ang kanyang hand-carry at backpack.

Nagpaalam daw si Maryclair. Pinuntahan niya sa waiting area ang kanyang kapatid at tiyahin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinayuhan siya ng tiyahin na huwag nang iwan sa kanila ang hand-carry at backpack at bayaran na lang ang excess baggage.

Bumalik sa check-in counter si Maryclair para ipaalam sa agent na dadalhin na niya ang kanyang bitbit pang dalawang bagahe.

“Tapos sabi niya sa akin, ‘Sige po, ilagay niyo ang bag niyo.' So inilagay ko na po ang bag ko sa weighing scale. So ano no, nag-over.”

Binanggit sa GMA News na 12 kilograms ang excess baggage ni Maryclair.

Nakita raw ng OFW ang check-in agent na nag-type sa kanyang cellphone at ipinakita iyon kay Maryclair.

“Sabi niya, ‘Ma'am willing po ba kayong magbayad ng ganitong halaga?’” Ang naka-type raw ay PHP11,000.

Inusisa ni Noli si Maryclair kung paano umabot ng PHP11,000 ng kanyang excess baggage.

Hhindi na raw iyon inisip ni Maryclair dahil ang tumatakbo sa kanyang isip ay ang makapasok na sa boarding gate para sa 11:30 am flight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So that time po, past 9:00 [a.m.] na nung nag-check-in po ako," sabi ng OFW.

“Parang doon po sa situation, inilagay nila ako sa sitwasyon na gipitan na, no choice na, kundi magbayad ako ng ganong halaga. Ganon.

“Tapos pinagmamadali niya ako, sabi, ‘Ma'am bilisan niyo ho malapit na po yung boarding niyo.' Ginaganon ako ni staff [check-in agent].

“Tapos nung pinakita niya sa akin yung PHP11,000, sabi ko, ‘Ay, hindi ko kaya iyan.’ So sabi ko, ‘PHP5,000 lang ang kaya ko.’”

Kasunod nito ay iniabot na raw ng agent kay Maryclair ang kanyang boarding pass at kasama na rito ang tissue na may nakasulat ng account number.

“At sinabihan niya ako na, ‘Ma’am, dito na lang po sa account ko. Dito niyo na lang po ilagay sa account ko.’”

Maryclair Reyes and Noli de Castro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Maryclair Reyes habang ini-interview ni Noli de Castro

Habang nasa check-in area pa raw si Maryclair ay lumabas sa kanyang window ang check-in agent.

“Lumabas po siya, tapos sabi ko sa kanya, ‘Magkano yung babayaran ko?’

“Tapos sabi niya, ‘Ma'am bahala na po kayo.’ So doon pa lang po, nag-ano na po ako na niloloko na ako.”

REFUND FOR OFWS

Sinabihan din daw siya ng agent na bilang OFW, makaka-refund si Maryclair ng PHP550.

Itinuro raw kay Maryclair ang waiting area kung saan may iba pang naghihintay.

“Sabi niya, ‘Maghintay na lang po kayo doon, i-o-orient po kayo.’

“Sa tagal-tagal ko na pong OFW, wala po orientation na nagaganap about sa refund na PHP550. May mga refund po ang OFW para sa terminal fee. Iyan po yung nare-refund namin,” sabi ni Maryclair.

Tinanong daw niya ang agent kung puwede na siyang pumasok sa boarding gate. Um-oo naman ang agent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating niya sa boarding gate, iniabot niya ang passport at overseas employment certificate sa security guard.

Na-turn off ulit siya nang sabihan siya ng guard na, “’Ma'am, OFW po pala kayo. May mare-refund po kayo. Dito po muna kayo para may pangkape ako.’”

Samantala, sinundan daw siya ng check-in agent sa boarding gate at binulungan kung “naipasa” na ni Maryclair ang pera sa account dahil tinatanong na siya ng supervisor.

Nakiusap si Maryclair kung puwedeng PHP2,000 ang kanyang ibayad.

Nagsabi raw ang agent na tatawagan nito ang supervisor.

Habang nasa telepono ang agent, narining ito ni Maryclair na nagsabi ng: “Palabasin ko na lang po?”

Pagkatapos, nagsabi raw ang agent na pupuntahan muna niya ang kanyang supervisor.

Hindi na nakabayad ng excess baggage fee si Maryclair dahil hindi dumating ang supervisor until nag-board siya sa plane.

Hindi man naglabas ng pera ang OFW, nagpasya siyang i-post ang karanasan para "maging aware" ang mga pasahero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya pa, "Alamin kung anong mga Karapatan, yung mga proseso paano mo babayaran, hindi lang basta tissue lang.”

PAL REACTS

Samantala, iniimbestigahan na ng Philippine Airlines (PAL) ang insidente.

Isinailalim na rin sa preventive suspension ang itinuturong check-in agent.

Pahayag ni Cielo Villaluna, ang spokersperson ng PAL: “Philippine Airlines is investigating the incident and will take appropriate action in line with due process.

“For now, the concerned check in agent has been placed on preventive suspension.

“Rest assured that we do not tolerate any anomalous activities and will take the necessary actions to protect our customers and safeguard the integrity of all our operations.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
OFW Maryclair Reyes recounts how a check-in agent of an airline in Ninoy Aquino International Airport told her to pay PHP11,000 for her excess baggage. An airline official said that the agent is now under preventive suspension. Insert photo shows the tissue that includes the alleged bank account number of the check-in agent.
PHOTO/S: NAIA via Facebook and Maryclair Reyes
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results