PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rendon Labador under fire for calling Michael V ""laos""

Rendon to Michael V: "Masakit na katotohanan na laos na kayo..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 10, 2023
Rendon Labador calls Michael V "laos"
Rendon Labador (left) reacts to Kapuso comedian Michael V's viral Facebook post about content creator: "INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.. Manahimik nalang kayo..."
PHOTO/S: Rendon Labador/Michael V Facebook

Usap-usapan ngayon sa social media ang maanghang na pahayag ng content creator-vlogger na si Rendon Labador laban sa veteran Kapuso comedian na si Michael V.

Ito'y matapos buweltahan ni Rendon ang Facebook post ng batikang komedyante patungkol sa mga content creator.

Noong April 29, 2023, nag-post si Michael V a.k.a Bitoy ng tila pasaring sa mga gumagawa ng content online.

Mababasa sa kanyang post (published as is): "The first thing any "content creator" should understand is the meaning of the word: "CONTENT."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi tukoy kung sino ang pinariringgan ni Bitoy dahil wala naman siyang binabanggit na pangalan.

"Masakit na katotohanan na laos na kayo"

Pero tila matindi ang impact nito kay Rendon, bilang isang content creator, kaya direkta niyang binuweltahan si Michael V.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post noong May 8, 2023, sinagot niya ang pasaring ni Bitoy, kasabay sa pagtawag niya sa Kapuso comedian ng "laos."

Saad niya, "Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW."

Ayon pa sa content creator, ang mga kagaya niyang "influencers" ang bagong kinikilalang celebrities ngayon.

Tila binigyan pa ng payo ni Rendon si Bitoy, na kung hindi raw nito kayang makipagsabayan sa influencers na mas bata sa kanya ay mas mainam na manahimik na lamang ito.

Sabi ni Rendon: "INFLUENCERS are the new celebrities!

"Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.. Manahimik nalang kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM."

NETIZENS, CELEBRITY REACTS

Marami sa netizens, partikular ang mga humahanga kay Michael V., ang hindi natuwa at tila nabastusan sa pahayag ni Rendon.

Karamihan sa kanila, kinukuwestiyon si Rendon kung tama nga bang tawagin siyang "influencer."

Komento ng isang netizen, "If it wasn't because of bitoy, i wouldn't know u exist. and the reason is very bad for your so called influence."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa ng isa, "Si Michael V lang ang matalinong comedian na hindi nanlait or nanira ng tao para makapagpatawa. Yung sense of humor and words of wisdom na meron sya sobrang nakaka inspire. Nakakahiya naman sayo."

Banat pa ng isang fan, "There's a huge difference between an influencer and a laughingstock in social media industry. never compare yourself to a veteran and respectable Bitoy, you can never be in his level."

Read: Michael V. on bidding farewell to some Bubble Gang stars: “It’s not easy, but it’s inevitable.”

Maliban sa fans ni Bitoy, ilan din sa kapwa niya celebrity ang dumepensa sa kanya.

Payo ng comedienne-singer na si Kakai Bautista kay Rendon: "Wag masayadong mataas ang lipad kapatid. Sa industriyang ito, hindi na din nagma-matter ang KASIKATAN, and pinakaGoal ay kung sino ang MAGTATAGAL."

Hirit naman ng aktor na si Joross Gamboa: "Kuya Michael V. Daming tinamaan… yung isa nga sa muka eh. but seriously speaking… kapul talaga… deh eto totoo na umiiyak na siya. anyways… Quality > Quantity, Purpose & Responsibility."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang reaksiyon si Michael V. kaugnay ng pasaring sa kanya ni Rendon.

Si Michael V., 53, ay isa sa kinikilalang top comedians sa Pilipinas.

Nagsimula ang kanyang showbiz career noong 1991 kaya lagpas tatlong dekada na siya sa industriya.

Maliban sa pagiging comedian ay isa ring writer at director si Bitoy.

Ang dalawa niyang programa sa GMA-7 sa kasalukuyan ay kabilang sa longest-running shows sa bansa: ang gag show na Bubble Gang (28 years) at ang comedy series na Pepito Manaloto (13 years).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rendon Labador (left) reacts to Kapuso comedian Michael V's viral Facebook post about content creator: "INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.. Manahimik nalang kayo..."
PHOTO/S: Rendon Labador/Michael V Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results