Pinag-uusapan pa rin sa social media hanggang ngayon ang panayam kay Dra. Vicki Belo tungkol sa sex organ ng lalaki.
Tatlong linggo na ang interview ni Isko Moreno kay Dra. Belo sa YouTube vlog ng dating alkalde ng Maynila, pero lumilikha pa rin ito ng ingay sa netizens.
Sa isang bahagi ng panayam, napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa size ng ari ng lalaki.
Nag-ugat ito sa katanungan ni Isko kung meron na bang teknolohiya ngayon para mapatayo ang sex organ ng mga lalaking hindi na tinatayuan.
Ayon kay Dra. Belo, mayroon na, at baka sa loob ng anim na buwan ay ma-offer na nila sa publiko ang bagong produkto ng kumpanyang pinamumunuan nila ng asawang si Hayden Kho.
Banggit pa ni Isko, “Hindi lang naman ang hinahanap nila ang pampagising. E, yung pampahaba rin, hinahanap ng mga lalaki.”
Paglilinaw ni Dra. Belo, “Can I just say something? Okay, Isko. Can I just tell every guy out there, mali kayo.
“Ayaw namin ng mahaba. Ayaw namin ng mahaba, gusto namin mataba.”
Paliwanag pa niya, sabay muwestra ng halos isang dangkal na haba, “Kasi ganito lang naman kaiksi ang vagina, masakit actually pag mahaba, e.
“Ayaw namin, kayo ang naha-hang up diyan sa mahaba. Ayaw namin ng mahaba, pero gusto namin mataba. Kahit maiksi pero mataba.”
Sabat ni Isko, na tumutukoy sa isang lata ng luncheon meat na mataba ngunit maiksi lamang, “Ano, MaLing?”
Biro pa muli ni Isko, “Otso bilog, dos haba? Ulo na ng bata yun, e.”
Ang bahaging ito ng panayam ni Isko kay Dra. Belo ay in-upload ng isang netizen sa TikTok.
@iskoverynight Ahhhh… okay… take note mga repa nating Iskovery Nighties! #IskoveryNight #IskoveryBelo #VickiBelo #ISKOnversation #CitizenIsko #SeasonFinale #Season1 #fyp #foryoupage #foryou #trending ? original sound - Iskovery Night
Sa comments section, marami ang umayon sa opinyon ng doktora na mas maigi ang maiksi ngunit mataba.





