Labis-labis ang pasasalamat ni Lakam Chiu sa nakababatang kapatid na si Kim Chiu dahil hindi siya nito iniwan sa gitna ng kanyang laban sa kalusugan.
Sa Instagram ngayong araw, May 11, 2023, nag-post si Kim ng kanyang message of encouragement sa lahat tungkol sa buhay.
Sa kabila ng mga pinagdadaanan niyang pagsubok sa buhay, tinitiyak daw niyang bumangon dahil may pag-asa naman sa tuwina.
Buong caption ni Kim: “Life has knocked me down a few times. It has shown me things I don’t want to see, I have experienced sadness and failures.
“But one thing for sure, I always get up and not lose that smile in me. There is HOPE at the end of the day. #grateful”
View this post on Instagram
Unang nagkomento sa post na ito ni Kim ang panganay na kapatid na si Lakam.
Pinasalamatan ni Lakam si Kim dahil sa hindi nito pag-iwan sa kanyang tabi noong isinugod siya sa ospital.
Dagdag pa niya, tila nadugtungan ang purpose niya sa buhay dahil kay Kim.
Buong mensahe ni Lakam kay Kim: “Thank you for always being there for me… You never LEFT my side…
“I’m able to open my eyes every morning because of you. And I regained my purpose in life the second time around because of you.
“I couldn’t thank you enough for everything you have done! I Love you my #QueenChiu #KimChiu #supergrateful [hearts emojis]”

Sa mismong ika-33 kaarawan ni Kim noong April 19 ay isinugod niya sa ospital si Lakam.
Ito ang dahilan kaya hindi nagkaroon ng selebrasyon ang It's Showtime co-host.
Read: Kim Chiu appeals for prayers for sister Lakam’s recovery
Noong April 23, sinabi ni Kim na nakalabas na sa intensive care unit (ICU) ang kapatid.
Ayon pa sa kanya, hinihintay na lamang nilang muling magkamalay si Lakam mula nang ito ay ma-confine.
Read: Kim Chiu’s sister Lakam now out of ICU; remains unconscious
Noong April 25, sinabi ni Kim na nagkamalay na si Lakam matapos ang limang araw nitong confinement sa isang ospital.
Dagdag pa ng actress-TV host, sinabi raw ng mga doktor na milagro ang nangyari sa kanyang kapatid dahil sa bilis daw nitong naka-recover.
Read: Kim Chiu says miracle helped sister Lakam regain consciousness
Nagbalik naman siya sa It’s Showtime noong nakaraang April 28.
Read: Kim Chiu back to It’s Showtime after sister Lakam's hospitalization
At noong April 29, hinandugan naman siya ng kanyang mga kaanak ng isang birthday surprise.
Read: Kim Chiu says sister Lakam’s improving condition “best birthday gift ever”
