Tahasang sinagot ng Fil-German model na si Kirk Bondad ang pag-uugnay sa kanya kay Miss Universe owner na si Anne Jakapong Jakrajutatip aka Anne JKN.
Si Kirk ay ang kinoronahang Mister World Philippines 2022 at grand winner ng Century Tuna Superbod 2022.
Si Anne ay kasalukuyang nasa Pilipinas para sa grand coronation ng Miss Universe Philippines 2023 pageant.
Coincidentally, pinagpiyestahan noon ang pagiging romantically linked din ni Anne sa nakatatandang kapatid ni Kirk na si Clint Bondad.
Gayunpaman, nilinaw ni Anne na walang romantic involvement na nangyari sa kanila noon ni Clint.
Read: Thai transwoman billionaire posts intimate pictures with Clint Bondad
Nagmistulang history repeats itself dahil iniisyu ngayong may ugnayan sina Kirk at Anne.
Nagkataon pang kinumpirma na ni Kirk na nag-break na sila ng beauty queen niyang girlfriend na si Kathleen Paton.
Read: Kirk Bondad announces breakup with beauty queen Kathleen Paton
KIRK ANSWERS CRITICS AND NETIZENS
Ipinost ni Kirk sa kanyang Instagram ang muling pagkikita nila ni Anne ngayong Huwebes, May 11, 2023.
Caption ni Kirk: “Mentor, Friend, Mommy. Sawadee Krub Thailand, I need to visit you soon.”
Si Kirk ay nakatrabaho ni Anne sa pictorials ng kanyang mga products noon sa Thailand.
Kaka-post pa lang ni Kirk ng larawan nila ni Anne ay dumagsa na ang pang-iintriga ng netizens kung may namamagitan ba sa kanila.
Banat ng isa, si Anne ba ang dahilan ng hiwalayan nina Kirk at Kathleen? Ganoon din daw ang nangyari noon sa paghihiwalay nina Clint at Miss Universe 2018 Catriona Gray.
“give me a break [laughing with tears emoji],” sagot ni Kirk.
Komento naman ng isang supporter ni Kirk, makakahanap at makakahanap ng paraan ang mga tao para gumawa ng chismis.
Sabi ni Kirk (published as is): “people crave too much for drama these days. Too funny.”


Komento ng isa pa, nagkakataon daw na si Anne ang takbuhan ng magkapatid na sina Clint at Kirk sa panahon ng kanilang breakup.
Pagsang-ayon ni Kirk (published as is): “LMAO [laughing my ass off] this is painfully accurate. Jk!”

Mahihinuhang napaghandaan na ni Kirk ang mga sasabihin ng mga tao.
Sabi ng isa pang kritiko, “sugar mommy” ni Kirk si Anne.
Para ipakita ang pag-uugnay sa kanila ng netizens, itinag ni Kirk si Anne: “told you [laughing emoji] too easy.”

Halatang sinabihan na ni Kirk si Anne na pag-uusapan sila sa ipinost niyang mga larawan nila.
Humingi ng paumanhin ang isang supporter sa rude comments ng ibang netizens.
Sagot naman ni Kirk: “nah, they giving me life [popcorn and drink emojis]”
May iba pang netizens na nangungutya na sinagot din ng pang-aasar ni Kirk.

KIRK ON NAYSAYERS
May isa pang naunang IG Story na ipinost ni Kirk na halatang patutsada sa mga may hindi magandang sinasabi sa kanya.
Gayunpaman, hindi raw dapat magpaapekto sa pagiging bitter ng ibang tao.
Post ni Kirk: “As long as you’re alive, people will have an opinion about you.
“They will talk good, bad, and ugly about you.
“They talk as if they know your life, your story, and intentions.
“You can taste the bitterness in the air. So much noise…
“Act with high values, genuine intentions, and with love in your heart.
“Everything else can (respectfully) f*ck off.”

