Patuloy ang espekulasyon ng netizens kung ano nga ba ang namamagitan kina Jake Cuenca at Chie Filomeno.
Umusbong ang bali-balitang nagkakamabutihan ang dalawa ilang linggo na ang nakararaan, matapos makita ng ilang netizens ang tila flirty comments ni Jake sa ilang Instagram posts in Chie.
Kasabay nito ang kanilang sexy photo shoot para sa Metro Body 2023, na nagdagdag pa sa interes at intriga ng kanilang mga tagasubaybay.
Sa Hot Summer LaHot Sexy 2023 event ng Star Magic na ginanap sa The Island sa Bonifacio Global City, noong May 4, 2023, nakapanayam ng ABS-CBN News si Jake tungkol dito.
Aminado ang aktor na may pagtingin siya kay Chie.
Aniya, "I’m admiring her, I guess I can say that. She knew that I admire her.
"Before anything, like, it’s just, very ano lang… we’ve known each other for a while and we’re enjoying each other’s company."
Nitong May 10, 2023, natanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chie tungkol sa dating rumors nila ni Jake.
Ano ang magiging reaksiyon ni Chie sa posibilidad na manligaw si Jake, na ilang beses na ring nagpahiwatig?
Maiksing sagot niya, "Siguro we'll see."
Ayon kay Chie, nakatuon muna siya sa kanyang karera ngayon. Gayunpaman, hindi ito nagsasalita nang patapos pagdating sa pag-ibig.
Aniya, "Kasi ano, e, parang I think may stance kasi ako na gusto ko talaga unahin yung career ko din.
"Pero hindi naman natin matuturuan yung puso natin. So, yeah, we'll never know."
WORKING WITH JAKE CUENCA
Nagpapasalamat din si Chie sa fans na natuwa sa kinalabasan ng kanyang sexy pictorial kasama si Jake.
Pahayag ni Chie, "I'm happy lang kasi ang daming parang naging masaya doon sa collab namin... Kasi, parang siya yung sa guy part and ako yung girl na fitspiration.
"So I'm really happy na tinangkilik ng mga tao yun."
Dagdag pa Chie, "I'm really happy that I was able to work with him kahit photo shoot lang. Kasi siyempre sino bang hindi gusto makatrabaho si Jake Cuenca?"
READ MORE:
