Pinuna ng netizens ang maagang pagkakamali ni Alden Richards sa pag-anunisyo ng special awards sa ongoing Miss Universe Philippines 2023 coronation night ngayong Sabado, May 13, 2023.
Read: Miss Universe Philippines 2023 Top 18 candidates
Inanunsiyo kasi niya ang kandidata mula Agusan del Norte na si Jannarie Zarzoso bilang winner sa Miss Friendship.
Ngunit matapos igawad ang award nito ay kaagad namang binawi ni Alden ang kanyang nasabi dahil nagkamali siya ng binasang pangalan.
Ang nagwagi pala sa nasabing award ay ang kandidata mula sa Capiz na si Shayne Glenmae Maquiran.
Mabuti na lamang at wagi pa din si Miss Agusan del Norte ng Face of Social Media Award kaya sabay na rin silang pumunta sa centerstage ni Miss Capiz.
Ang "Steve Harvey" moments na tinutukoy ng netizens ay ang pagkakamali ng host na si Steve Harvey sa pag-anunsiyo ng pangalan ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez bilang Miss Universe 2015 sa halip na si Pia Wurtzbach ng Pilipinas.
Read: Funniest Miss Universe moments; Steve Harvey jokingly asks Ms Colombia: "Is that a death threat?"
Ongoing ang kumpetisyon ng Miss Universe Philippines 2023 sa Mall of Asia Arena.
