Halatang masaya ang Kapuso actor-host na si Andre Paras sa bago niyang natagpuang pag-ibig.
Nitong Linggo, May 14, 2023, tuluyan nang isinapubliko ni Andre ang pagkakakilanlan ng non-showbiz girlfriend niyang si Honey May Escarez.
Ipinost ni Andre ang litrato nila ni Honey na kuha nang magbakasyon sila sa Boracay.
Halatang masaya ang couple sa piling ng isa't isa habang ine-enjoy ang kanilang Boracay getaway.
Kalakip ng post niya ang caption na hango sa lyrics ng kantang "Fly Love" ng American singer-songwriter na si Jamie Foxx.
Saad ni Andre sa caption (published as is), "I know I'm feeling so much more than ever before and so I'm giving more to you than I thought I could do [musical notes emoji]."
Maging ang kanyang non-showbiz girlfriend, proud ding ibinahagi sa Instagram ang sweetness nila ni Andre.
"Happier," simpleng caption ni Honey sa mga litrato nila ng nobyo.
Agad naman itong nireplayan ni Andre ng "I love you so much."

Ito ang unang pagkakataong isinapubliko ni Andre ang kanyang karelasyon sa tagal na panahon na siya'y single.
Sa panayam ni Andre noong April 2018 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi niyang bago siya pumasok sa showbiz noong 2013 ay natapos na ang huli niyang relasyon.
Ilang celebrities na rin ang na-link sa kanya katulad nina Mikee Quintos at Klea Pineda ngunit hindi ito natuloy sa totoong pag-iibigan.
Read: Andre Paras sees the possibility of falling for Mikee Quintos
Samantala, sa comments section ng post ni Andre ay bumuhos ang pagbati ng kanyang mga kaibigan, co-celebrities, at fans.
Kabilang sa mga nag-iwan ng komento sina Valeen Montenegro, Jerald Napoles, Carla Abellana, Jeff Moses, at ang ina ni Andre na si Jackie Foster.


Si Andre ang panganay sa dalawang anak ni Benjie Paras sa dating asawang si Jackie. Ang bunso ay si Kobe Paras.
Read: Why Jackie Forster gets extra sentimental each birthday of son Andre Paras
Read: Andre Paras tells younger bro Kobe Paras: "Sa iyo na yung basketball...dun na ako sa showbiz."
