Hindi nakapagpigil ang comedienne-singer na si Ethel Booba na maglabas ng sama ng loob sa isang game show na panay raw ang pag-cancel at pagpapa-reschedule sa kanyang taping.
Sa isang Facebook post noong May 11, 2023, ipinaliwanag ni Ethel ang nagagawang perhuwisyo sa kanya ng di niya pinangalanang game show dahil sa paulit-ulit umano siyang ibinu-book ng mga ito para mag-taping pero palagi namang hindi natutuloy.
Ang hindi pa matanggap ni Ethel, dalawang beses na itong nangyari.
Mababasa sa kanyang Facebook post (published as is), "Pabook kayo ng pabook ng sked ng taping! Tapos ireresked nyo!
"Alam nyong Hindi kami available sa date na gusto nyong taping!!!
"2 beses na Yan ah!!!"
Read: "Binayaran, pasaway"? Ethel Booba reacts to worst criticisms against her
Ilang beses na rin daw sila nakakabili ng plane ticket pabalik ng Maynila dahil kasalukuyan siyang nasa Boracay kasama ang kanyang pamilya.
Read: How Vice Ganda convinces Ethel Booba to announce pregnancy
Ngunit ang nakakalungkot, hindi naman daw nire-refund ng game show ang gastusin nila kung hindi natutuloy ang taping sa kanyang sanang TV guesting.
Saad ni Ethel, "Naka-ilang plane tiket na kMi kabibili ng tiket! Hindi nyo Naman nirerefund!
“NAKAKALOKA kayo! itigil nyo na yang gameshow nyo!
Samantala, dahil walang nabanggit si Ethel kung anong game show ito, kanya-kanyang tuloy hula ngayon ang netizens.
Hinala ng ilan, ang tinutukoy na game show ng komedyana ay ang Family Feud na hinu-host ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Mas luminaw pa ang kanilang suspetsa nang magkomento ang kapatid ni Ethel na si Virnard Gabison sa kanyang post, kung saan binanggit niya ang pangalan ng host ng Family Feud na si Dingdong.
Ani Virnard, "Danyos perwisyo na yan ginagawa nyan game show sa inyo. Mga unprofessional mga staff dyan sa game show ni Dingdong."

Sa ngayon ay wala pang sagot at kumpirmasyon si Ethel tungkol dito.
Samantala, magkakaroon ng season break ang Family Feud sa mga darating na linggo.
