Watch Now

"Binayaran, pasaway"? Ethel Booba reacts to worst criticisms against her

by Melba R. Llanera
Apr 7, 2022
Ethel Booba
Ethel Booba on being tagged as pasaway during peak of her career: "Parang kusa ko na lang siyang naramdaman, ganun, hindi ako pupuwedeng pasaway... Kasi dati magulo ang buhay ko—love life, jealousy ng family... Ayoko nang mangyari ngayon."
PHOTO/S: @ethelbooba Instagram

Hindi na bago sa comedienne na si Ethel Booba ang mabatikos ng netizens.

Pinaka-offensive daw na kritisismong natanggap niya ay nang akusahan siyang bayad umano ang kanyang social media posts noon.

"Na binayaran daw ako na hindi naman. Wala, wala akong natatanggap.

"Kung binabayaran naman siguro ako, aaminin ko para mainggit lalo sila. 'Milyon ito 'Day,' mga ganun.

"Maaasar pa lalo yung mga nagko-comment," sabi ni Ethel.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ethel pagkatapos ng presscon ng Lakwatsika, na ginanap sa studio ng TV5 sa Reliance St., Mandaluyong City, noong Martes, April 5, 2022.

Matatandaang naugnay noon kay Ethel ang Twitter account na "@IamEthylGabison" na nakilala sa witty tweets tungkol sa mga usaping pulitika.

Itinatwa iyon ni Ethel noong April 2020, at sinabing ginagamit lang daw ang kanyang pangalan para magkalat ng "fake news."

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph noong April 2020, nagpakilala ang tunay na "Admin" ng Twitter account na @IamEthylGabison at sinabing nagsimula ang "@IamEthylGabison" bilang parody account, pero inako raw iyon ni Ethel noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa puntong iyon ay kinontak daw si "Admin" ng dalawang kapatid ni Ethel na nagbigay ng basbas sa kanyang magpanggap bilang ang sexy comedienne.

Ayon pa sa nagpakilalang "Admin," hindi siya kumita ng pera sa Twitter account na iyon dahil lahat umano ng inquiries kay Ethel ay ipinaaabot niya sa mga kapatid ng sexy comedienne.

Pero nahinto na ang mga transaksiyong iyon dahil sa kontrobersiya. Nagbukas din si Ethel ng kanyang official Twitter account na may handle na "@EthelBooba6" noong April 2020.

Sa Twitter account ni Ethel na @EthelBooba6, makikitang makailang-beses lang siyang nag-post na may kaugnayan sa pulitika, at wala rin siyang pinapangalanang personalidad sa mga iyon.

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph kay Ethel, nito ngang April 2022, sinabi nitong nag-iingat siya sa mga ipinu-post niya sa kanyang social media accounts.

Bilang ina, iniiwasan daw niyang pati kanyang anak ay madamay sa mga batikos ng netizens.

"Yes, oo, yun din. Ingat na ako sa bawat salita na sasabihin ko kasi nga siya ang iniisip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi pag na-bash ako, sigurado madadamay ang anak ko, parang ganun. May mga ganun na rin kasing senaryo before."

NO ISSUE WITH COLLEAGUES SUPPORTING DIFFERENT CANDIDATES

Ayon pa kay Ethel, hindi isyu sa kanya kung magkakaiba man sila ng mga nakakatrabahong artista sa mga sinusuportahan nilang kandidato sa eleksyon.

Wala mang diretsahang pag-amin kung sino ang sinusuportahan sa mga tumatakbo bilang pangulo, tila may espekulasyong si Ferdinand Marcos Jr. ang manok ni Ethel.

Very vocal naman ang Lakwatsika co-host niyang si K Brosas na ang sinusuportahan nito sa pagkapangulo ay si Vice President Leni Robredo.

"Hindi. Actually, vocal nga rin si Kuya Randy, di ba? Magkakasama kami sa Sing Galing, minsan nagbibiruan sila," saad ni Ethel.

Si Marcos ang ineendorsong kandidato ni Randy. Ang Sing Galing ay ang game show sa TV5 na hinu-host nina Randy Santiago, K Brosas, at Donita Nose. Isa naman si Ethel sa judges doon.

Patuloy ni Ethel tungkol sa magkaibang preferred candidate nila ni K, "Walang ganun. Although alam niya siguro kung ano yung side ko. Wala, respect lang talaga sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON BEING TAGGED AS "pasaway" IN THE PAST

Noong kasagsagan ng kasikatan ni Ethel bilang TV host, madalas na ibinabatong isyu sa kanya ang pagiging "pasaway," "unprofessional," "sakit sa ulo ng katrabaho."

Ayon kay Ethel, tapos na itong kabanata ng buhay niya.

Lahad niya sa PEP.ph: "Ganun talaga, darating talaga yun. Parang kusa ko na lang siyang naramdaman, ganun, hindi ako pupuwedeng pasaway.

"Kailangang pagbutihin ko na ito, ang tagal bago ako nagkaroon uli ng ano.

"Parang bumalik nga, e, umikot uli ang mundo.

"Dun ako nag-start sa Sing Galing, bumalik siya, umikot.

"Second show ko rin dati was Extra Challenge, tapos umikot uli siya, parang umikot uli siya.

"Tapos heto, ang second show ko [sa TV5] itong Lakwatsika. Sabi ko, parang nakakatuwa na nag-reincarnate siya."

Ang Lakwatsika ay reality travel talk show sa TV5 na magsisimula sa April 18, 2022.

Pinahahalagahan daw ni Ethel ang mga bagong oportunidad na natatanggap niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, dapat maiba naman siya. Kasi dati magulo ang buhay ko—love life, jealousy ng family...

"Ayoko nang mangyari ngayon. Sana maayos na ito.

"Ang tanda ko na rin naman. Alam ko naman siguro yung kakahinatnan ng magiging situation."

Read: Ethel Booba says she discouraged live-in partner from proposing to her

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba on being tagged as pasaway during peak of her career: "Parang kusa ko na lang siyang naramdaman, ganun, hindi ako pupuwedeng pasaway... Kasi dati magulo ang buhay ko—love life, jealousy ng family... Ayoko nang mangyari ngayon."
PHOTO/S: @ethelbooba Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results