Nilinaw ng singer na si Gigi de Lana na hindi naman talaga siya hinimatay sa stage sa "Himala Sa Buhangin” event sa Paoay, Ilocos Norte, noong nakaraang Linggo, May 14, 2023.
Labis lamang daw siyang nahilo dahil sa kinasangkutan nilang car accident ilang oras bago ang kanilang show.
Read: Singer Gigi de Lana faints during performance in Ilocos Norte
Kuwento ni Gigi sa interview sa kanya nina Julius Babao at Christine Bersola-Babao sa Julius and Tintin sa One PH kahapon, May 16, “Ano po kasi, di ba po, pag after ng accident hindi mo naman mararamdaman agad lahat, e. Parang… response nung katawan mo.
“So, nandun po ako sa stage, siyempre yung ilaw, kagagaling lang sa accident, so alam niyo po yung para kang magba-blackout.
“Hindi naman po ako totally nahimatay, talaga pong nahilo na naramdaman ko lahat ng sakit.
"Tapos hindi ko po ma-control yung boses ko. Tapos nahilo na talaga ako, hindi ko na kaya.”
Bukod sa hilo, nakaramdam din daw siya ng heartburn at mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Kumusta siya ngayon pagkatapos ng dalawang magkasunod na insidenteng kinasangkutan?
Pagbabahagi ni Gigi “Marami pong bruises, more on the left side yung bruises ko. Ano naman po, safe naman po lahat ng X-ray at saka po yung CT scan. Safe naman po, wala naman pong na-detect na anything.”
Ngayon ay nararamdaman na raw ni Gigi ang sakit dulot ng pagtilapon niya sa loob ng sasakyan dahil sa aksidente habang bumibiyahe sila ng kanyang mga kabanda patungong Ilocos Norte mula Baler, Aurora.
Read: Gigi de Lana and band members sustain minor injuries after car accident
Aniya, “Yung buong left side po ng body ko, masakit po talaga. Sobrang bugbog po siya.
"Tsaka po nakahiga po ako nung nangyari yung accident, as in tumilapon po ako sa upuan ng driver’s seat.”
Hindi raw siya naka-seatbelt nang mangyari ang aksidente dahil siya ay nakahiga at natutulog.
Sabi pa ng singer, “Na-shock po ako. Ang pinakamasakit po sa akin yung braso tsaka yung ulo, sa left side.
"Lahat po kami, naituloy yung event, kasi for the people. Kasi, passion din naman kasi naming mag-perform and to be professional po. At commitment siya, e.”
Sa ngayon ay tuloy na ang dalawang buwang pagpapahinga niya dahil nakitaan din siya ng nodules sa lalamunan.
Read: Gigi de Lana on having throat nodules: "I don't know if my voice will remain like this forever."
Mensahe pa ni Gigi sa kanyang mga tagahanga, “Gusto ko lang siyempre mag-thank you sa kanila kasi marami rin pong concerned sa health ko lalo na sa voice.
“Maraming-maraming salamat po sa inyo, sa suporta, and hintayin niyo lang ako. Magpapagaling ako. Babalik ako nang mas malakas and mas healthy. God bless you.”
