PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sachzna Laparan threatens to sue YouTuber Gorens

Veybillyn to Sachzna: "Kabit ka na nga nuon, kumakabit ka pa ngayon..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 18, 2023
Veybilyn Gorens calls Sachzna Laparan "kabit"
Sachzna Laparan (left) on issue with Jomar Lovena's (center) partner Veybillyn Gorens (right): "Bakit pa need ako idamay? Pwede ba iadmit nyo na lang na naghiwalay kayo dahil sa katoxican nyo?"
PHOTO/S: Veybilyn Gorens/Sachzna Laparan/Jomar Lovena Facebook

"Rektang kaso na lang daw."

Ito ang tila pagbabanta ng vlogger/actress/model na si Sachzna Laparan matapos siyang tawaging "kabit" ng kapwa niya vlogger na si Veybillyn Gorens.

Nitong Huwebes, May 18, 2023, usap-usapan sa social media ang naging sagutan ng dalawa sa Facebook matapos mag-post ni Veybillyn tungkol sa magandang babae na "kumakabit."

Buong post niya (published as is), "Sayang ganda mo bhieee kung kumakabit ka lang huhu."

Nireplayan ito ni Sachzna kalakip ang screenshot ng ipinadalang mensahe sa kanya ni Veybillyn na "Di kayo marunong rumespeto? HAHAHAHA"

Reply sa kanya ni Sachzna: "Puro tahol walang kagat. Basta tinanong ko kung okay lang ba siya."

Buwelta naman ni Veybillyn: "Mhie samin ka ba nangabit or sa asawa ng...HAHAHAHAHA KATAWA KA RESPETO LANG PO HININGI SAYO nung times na di kami okay ni Jomar natamaan ka agad sa post ko."

Dagdag pa niya, "Proud ka pa sa sarili mo na kabit ka na nga nuon, kumakabit ka pa ngayon. Hahaha. Go lang girl, di ka naman tinag tumatahol ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Veybillyn ay partner ngayon ng vlogger ding si Jomar Lovena, na dating ka-love team ni Sachzna sa kanyang vlogs.

Nag-ugat ang kanilang away nang magkasamang nagpunta sina Jomar at Sachzna sa Siargao para sa sa isang charity event.

Nakarating daw kay Veybillyn ang video umano ni Sachnza na sumasayaw sa harap ni Jomar at sa dalawa pang pamilyadong lalaki.

Bilang partner, masakit daw para kay Veybillyn na makita ang mga ganoong tagpo lalo na't wala siyang kamalay-malay sa maaaring gawin ng dalawa habang wala siya.

Respeto lang din daw ang hiningi niya kay Sanchza dahil bilang babae ay umasa siyang maiintindihan siya nito.

Ayon pa sa mahabang post ni Veybillyn na ngayon ay burado na, bago magpunta sina Sachzna at Jomar sa Siargao ay hindi sila ayos ni Jomar.

Hiniling daw niya sa dalawa na kung maaari ay huwag munang magdikit at magsama dahil umiiwas sila sa sasabihin ng ibang tao, lalo na't kaka-break lang ni Sachzna sa aktor na si Jerome Ponce.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Sachzna Laparan and Jerome Ponce unfollow each other on Instagram; did they break up?

Bahagi ng post ni Veybillyn (published as is), "Humingi lang naman ako ng respeto sa inyo pero nireplayan ako ng "okay ka lang" kung kaibigan moko sana inisip mo mararamdaman ko pero rereplayan moko ng okay ka lang?

"Asan yung validation sa feelings ko??? Naikwento ko pa sayo yung post partrum depression ko kung gaano ako kalala madepress at saktan sarili ko.

"Unang araw ni Jomar sa siargao sinabihan ko na si jomar na sabihan kayo na iwas muna sa issue na magkasama kayong dalawa na wag na mag dikit please at sinabi naman nya kay tita yun.

"Kasi HINDI KAMI OKAY alam mo namang hindi okay bilang babae ka rin sana validated feelings ko PERO NIRESPETO NYO BA YON?

"Gusto ko lang naman sana ng respeto kasi hindi ako okay...sa totoo lang masakit din minsan makabasa ng "bakit magkasama yung dalawa? ay may something yung dalawa nako magduda ka na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo ba yun?? Makakaapekto sya sakin kais nag aalaga ako ng anak ko hindi mo alam yon, WALA KANG ANAK.

"Kaya nga ako humingi ng pagrespeto niyo sa akin. Nung ikaw partida trabaho nyo pa yun ni Jerome at wala naman kayong anak pero pinagselosan mo yung girl alam mo naman na yung work nyo nasabi naman sayo yung gagawin tinarayan mo diba?

"Pag ikaw hindi pwede mahurt, pero pag ako pwede? Eh nagugulat na nga lang din ako sa mga nakikita ko na video na sumasayaw ka sa harap ni jomar, tapos meron pang umiinom kayo together sumasayaw ka katabi mo dalawang lalaking may pamilya so mali na ba ako nun?

"Tama ba na gawin yon? Wala lang ako don ganon na yung nangyayare syempre nasasaktan ako dahil akala ko kaibigan kita, sana naisip mo mararamdaman ko kasi kapag content ANDUN AKO, AWARE AKO SA GAGAWIN NYO DAHIL CONTENT LANG YON, pero kung kusa kang sasayaw sa harap ni Jomar ng humingi ako ng respesto sa inyo plus hindi kami okay syempre nakakaoffend na yun nakakabastos na po sya actually."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SACHZNA REACTS

Hindi naman pinalampas ni Sachzna ang paratang sa kanya ni Veybillyn.

Aniya, wala siyang ginagawang masama at lalo na sinisirang pamilya.

Sa sunud-sunod na posts niya sa kanyang Facebook, na ngayon ay burado na rin, sinabi ni Sachzna na hindi niya maintidihan kung bakit galit na galit sa kanya si Veybillyn.

Trabaho raw ang ipinunta nila ni Jomar sa Siargao at wala nang iba pa.

Saad ni Sachzna (published as is), "Bakit pa need ako idamay? Pwede ba iadmit nyo na lang na naghiwalay kayo dahil sa katoxican nyo?"

Nanawagan din siya kay Jomar na kung maaari ay magpakalalaki itong ipaliwanag at aminin na walang namamagitan sa kanilang dalawa

Sabi ni Sachzna sa kanyang post, "Alang-alang sayo, at sa anak mo dahil may pinagsamahan tayo di ko na papatulan .

"Syempre kwento niya yan. perfect siya diyan.

"Pero sabi mo Jomar 'hindi na mauulit.'

"Magpakalalaki ka na lang na harapin mo yan. Again, nagpapasensya ulit ako. Para SAINYO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"PS: wag kayo didikit sakin hanggang may asawa't anak kayo. Ako napapasama sa inyo."

Desidido rin si Sachzna na kasuhan si Veybilyn sa mga naging paratang nito sa kanya.

Aniya sa post, "Pinapadelete na ni mama mo tintin yung patol moments ko.

"Rektang kaso na lang daw. Need ko sundin nanay ko eh, lalo na kung matino nanay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sachzna Laparan (left) on issue with Jomar Lovena's (center) partner Veybillyn Gorens (right): "Bakit pa need ako idamay? Pwede ba iadmit nyo na lang na naghiwalay kayo dahil sa katoxican nyo?"
PHOTO/S: Veybilyn Gorens/Sachzna Laparan/Jomar Lovena Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results