PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sachzna & Jerome unfollow on IG

Sachzna: "Kailangan kong ipakita sa mga tao na I'm okay..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 7, 2023
Did Jerome Ponce and vlogger Sachzna Laparan break up?
Sachzna Laparan hints at breakup with boyfriend Jerome Ponce: "Yung heart ko kahit na ilang beses ka masaktan ng ibang tao, lagi mong piliin na magpatawad at maging mabait pa rin, maging mabuting tao. Kasi hindi na ikaw yung gagawa non para ma-feel nila at ma -realize nila kung ano yung mga maling ginawa nila sa iyo."
PHOTO/S: Jerome Ponce Twitter

Hiwalay na ba ang aktor na si Jerome Ponce, at ang girlfriend nitong vlogger/actress/model na si Sachzna Laparan?

Ito ang tanong ng ilang netizens matapos maglabas ng vlog sa YouTube si Sachzna tungkol sa kanyang mapait at masakit na pinagdaraanan.

Nitong Miyerkules, April 5, 2023, nag-post ng vlog si Sachzna na may titulong "Docuweek" na naglalaman ng mga kaganapan sa buo niyang linggo habang siya'y "in pain and struggle."

Sa simula ng video, mapapanood na nakaupo sa sofa si Sachzna at tila iniinterbyu.

"Kumusta ka Sachnza?" maririnig na tanong sa kanya.

Dito nagsimulang i-rewind kung anu-ano ang mga ginawa niya sa buong linggo, kabilang na rito ang pagdalo niya sa Team Payaman fest.

Sabi niya, "Actually, yung week na ipinakita ko sa inyo, parang mga nasa twenty or thirty percent pa lang yan.

"Ang dami kong ginawa while in pain and struggle.

"Na-realize ko nitong week na ito, hindi lahat ng tao na nandiyan ngayon sa yo ay mananatiling nandiyan sa yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan mong maging ready sa lahat.

"Ako, inaamin ko na hindi ako ready sa lahat."

Sa sumunod na clip, makikitang nasa isang madilim na kuwarto ang vlogger-actress habang humahagulgol sa iyak at itinatanong sa kanyang ina kung saan siya nagkulang.

Ani Sachzna: "Ang sakit-sakit na. Ang sakit-sakit.

"Anong ginawa ko? Anong kulang sa akin?

"Anong kulang? Anong kulang?"

Jerome Ponce and Sachzna Laparan break up

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita ring pinapakalma siya ng kanyang ina habang sinasambit na: "Wala kang ginawa anak. Nagmahal ka, minahal mo nang totoo. Yun lang yon."

Ayon pa sa vlogger/actress/model, hindi niya mailabas sa publiko ang kanyang tunay na pinagdaraanan kung kaya't ninais na lamang niyang magpaka-busy at magpakasubsob sa trabaho.

"Hindi ko mailabas through social media na dini-deal ko sa sarili ko while doing my own things like work.

"Pero mas strong siguro na Sachzna yung ngayon, yung makikita niyo.

"Makikita niyo na mas focus ako sa sarili ko."

Sachzna HANDLING THE PAIN

Ginugol daw ni Sachzna ang kanyang oras sa ballet at painting upang makalimot sa sakit na kanyang nararamdaman.

Sabi niya, "Ang hirap nitong week na ito kasi doon ako pinaka nahirapan, nag-struggle.

"[Kasi] kailangan kong ipakita sa mga tao na I'm okay.

"Kailangan kong ipakita sa mga clients na I'm doing my work professionally. Hindi ma-late kahit na magang-maga yung mata mo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Maging maganda ka pa rin kasi sobrang sakit na dito [sa dibdib]."

Itinuturing din niya itong isa sa pinakamalalang pinagdaanan niya.

"Uuwi ka sa gabi o sa madaling-araw na feeling mo you're empty.

"Gusto mo na lang na mapagod nang mapagod para bago ka matulog, wala ka nang iniisip kundi magpahinga na lang."

Kahit na nasasaktan, alam daw ni Sachzna sa kanyang sarili na mas matatag at matapang na siya ngayon.

Ipinagpapasa-Diyos na lang din niya ang taong nakagawa sa kanya ng masama.

Aniya, "Alam ko sa sarili ko na mas matatag [ako], mas bold.

"Pero yung heart ko kahit na ilang beses ka masaktan ng ibang tao, lagi mong piliin na magpatawad at maging mabait pa rin, maging mabuting tao.

"Kasi hindi na ikaw yung gagawa non para ma-feel nila at ma-realize nila kung ano yung mga maling ginawa nila sa iyo.

"Ibibigay ko na lang siguro yon kay God. Pero ako magpo-focus na lang ako sa sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sachzna'S REALIZATION

Sa lahat ng kanyang pinagdaanan, may isang leksiyon daw na natutunan si Sachzna.

"Magtira ka palagi sa sarili mo. Kasi at the end of the day, sarili mo lang yung nandiyan para sa yo at siyempre family mo.

"Naniniwala ako, step by step, magiging okay ka rin soon.

"Not now, but soon, magiging okay ka rin.

"Sobrang positive ako ngayon. Naniniwala ako na I'll be okay again soon.

"Hindi habang buhay ganito ako."

JEROME, SACHZNA UNFOLLOw EACH OTHER ON INSTAGRAM

Bukod sa inilabas na vlog ni Sachzna, isa rin sa nagpatibay sa suspetsa ng netizens na break na sila ni Jerome ay nang i-unfollow nila ang isa't isa sa Instagram.

Did Jerome Ponce and vlogger Sachzna Laparan break up?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Did Jerome Ponce and vlogger Sachzna Laparan break up?

Burado na rin ang mga litrato nilang magkasama sa kanya-kanyang Instagram nila.

JEROME-SACHZNA RELATIONSHIP

Noong May 2021 unang napansin ng netizens na may namamagitan sa dalawa dahil sa makahulugang post ni Jerome para sa ika-23 kaarawan ni Sachzna

Sabi ni Jerome noon, “Happy birthday nassib”

Nilakipan niya ito ng larawan na magkasama sila sa sasakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pang naghinala ang netizens na may namamagitan nga sa kanila dahil sa salitang “nassib.”

Ayon sa ilang websites sa Internet, “naseeb (also spelled Nesib, Nasib or Nasip) (Arabic) is an Arabic term used in many languages including Indonesian, Malay, Persian, Turkish, Pashto, Sindhi, Somali, Urdu, Hindi, Gujarati, Bengali and Punjabi it means destiny or fate.”

Read: Are Jerome Ponce and vlogger Sachzna Laparan in a relationship?

June 5, 2021, nakumpirma ng Philippine Entertainment Portal (PEP ph) na magkarelasyon nga sina Jerome at Sachzna.

Bago pa ito, June 4, 2021, isang sorpresang birthday celebration ang inihanda ng fans nina Jerome at Sachzna para sa aktor.

Ginanap ang birthday surprise ng fans sa bahay mismo ni Sachzna sa Antipolo.

Dito binati rin ng dalaga ang Kapamilya actor.

Tinawag pa niya ang boyfriend na soulmate.

Pagbati niya, “Happy birthday mon âme sœur”

Ayon pa sa source ng PEP.ph, wala pa raw isang buwan ang relasyon ng dalawa noong panahong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jerome Ponce, vlogger Sachzna Laparan now officially a couple

Simula nito, naging bukas na sila sa publiko sa pamamagitan ng madalas na paglabas ni Jerome sa vlog ni Sachzna.

Hanggang noong May 16, 2022, nagdiwang ang dalawa ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan na naging opisyal noong May 11, 2021.

Ipinost pa ni Jerome sa kanyang Instagram ang naging celebration nila.

Sabi ni Jerome sa caption: “I love you mahal, Happy Anniversary [heart emoji] otoke otoke."

Read: Jerome Ponce and vlogger Sachzna Laparan celebrate first anniversary as a couple

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sachzna Laparan hints at breakup with boyfriend Jerome Ponce: "Yung heart ko kahit na ilang beses ka masaktan ng ibang tao, lagi mong piliin na magpatawad at maging mabait pa rin, maging mabuting tao. Kasi hindi na ikaw yung gagawa non para ma-feel nila at ma -realize nila kung ano yung mga maling ginawa nila sa iyo."
PHOTO/S: Jerome Ponce Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results