PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julian Martir's Admissions Claims

His alma mater Negros Occidental High School is worried about his mental health.
by Bernie V. Franco
Published May 22, 2023
Julian Martir and Negros Occidental High School logo
Negros Occidental High School Assistant Principal Donna Belle Atosaga reveals declining Julian Martir's request to post congratulatory message for the latter's alleged admissions and scholarship offers: “Sinabi namin sa kanya na, ‘Julian, I'm sorry but hindi namin ma-grant yung request mo kasi wala kaming papel, wala kaming first-hand information sa mga claims mo.’"
PHOTO/S: Facebook

Ang kalagayan ni Julian Martir, 20, ang inaalala ngayon ng Negros Occidental High School (NOHS).

Ito ang ibinigay na pahayag ni Assistant Principal Donna Bella Atosaga ng NOHS ukol sa dati nilang estudyanteng si Julian.

“Ang concern namin ngayon yung mental health at emotional health niya, pero hindi pa kami nakapag-communicate sa kanya.

“Ngayon pa lang iniisip namin yung gagawin kung paano siya matulungan,” sabi ni Atosaga.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atosaga via call ngayong Lunes, May 22, 2023.

Related article: (UPDATED) Kinukuwestiyon: anak ng tricycle driver at tindera with PHP104M scholarships from US, UK schools

JULIAN EARNED ADMISSIONS AND SCHOLARSHIPS

Sa updated report ni Ratziel San Juan ng PhilSTAR Life noong May 21, Linggo, walo sa 30 universities na binanggit ni Julian ang nagkumpirmang may admission letter na ipinadala sa binata.

Ito ay ang mga sumusunod: Ohio Wesleyan University, Alfred University, Woodbury University, Webster University, Ball State University, University of Massachusetts Dartmouth, Michigan Technological University, and the University of Massachusetts Boston.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apat na universities ang nagkumpirmang may scholarship offer sila kay Julian.

Dalawa sa na-email na universities ay tumangging magbigay ng detalye para sa privacy ni Julian.

Nag-reach out din ang 8List.ph sa 30 universities na binanggit ni Julian, at karamihan daw ay tumangging mag-disclose ng impormasyon hinggil sa "privacy policies." Tanging ang Alfred University sa New York ang nagkumpirma sa claim ni Alfred.

Naging viral si Julian nang i-post niyang nakakuha umano siya ng admission at scholarship offers mula sa 30 U.S. at U.K. universities.

Post pa ni Julian, umabot sa $1.9 million o PHP104 milyon ang scholarship offers.

Iniulat ang “success story” ni Julian ng major TV news programs at digital media.

Pero ang claim ni Julian ay kinuwestiyon ng netizens, kabilang na ang kanyang alma mater na NOHS.

Si Julian ay nagtapos ng senior high sa NOHS noong nakaraang taon.

Matinding batikos mula sa netizens ang inabot hindi lang ni Julian kundi pati na rin ang local media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuna ang media dahil hindi raw sila nag-verify kaya naging biktima sila ng fake news, gaya ng post ni Julian.

Naging matapang ang online critics kahit na sila mismo ay walang katibayang peke ang claims ni Julian.

Samantala, maging si Assistant Principal Atosaga, tuwirang sinabi na wala rin silang katibayan kung totoo o hindi ang post ni Julian.

NEGROS OCCIDENTAL HIGH SCHOOL UPDATE

Samantala, sinabi ni Atosaga sa latest interview ng PEP.ph na wala pa silang replies na nakukuha mula sa universities na pinagtanungan nila.

“Hanggang ngayon, wala pa rin kami natatanggap na reply sa mga pinadalhan namin ng email to confirm ang mga claims ni Julian. So we are still waiting.

“As of now, yung iniisip namin is paano tulungan ang bata. Siyempre naman ayaw namin na may di magandang mangyari sa kanya, especially may bashing na nangyayari sa Facebook.

“So yung iniisip namin ngayon is yung kanyang mental state at emotional state. So parang yun iniisip namin... to undergo siya sa counselling.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinonsulta ni Atosaga ang Grade 12 adviser ni Julian na si Adrian Nemes na mag-extend ng counselling service sa kanilang dating estudyante.

“Sabi ng adviser namin mas maganda yung willingness galing sa kanya [Julian].

“So i-try kong i-message yung guidance designate namin kung makaka-communicate siya kay Julian at kung gusto niya na mapakinggan siya,” sabi ng assistant principal.

JULIAN REACHED OUT

Inusisa namin kung hindi ba nag-reach out ang paaralan kay Julian bago pa man naging kontrobersiyal ang isyu.

Sagot ni Atosaga, nakipag-ugnayan sila kay Julian matapos siyang ma-interview ng local media ng Bacolod ukol sa kanyang post.

“Tapos he was requesting us in school na i-post ang congratulatory message niya na siya yung may gawa. Siya yung may gawa,” diin ni Atosaga.

“And then pinatawag namin siya para ipaalam sa kanya kung ano ang decision ng school dun sa hinihingi niya na i-post yung message sa Facebook page ng school.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumanggi raw ang school admin sa hiling ni Julian, na hindi nagpakita ng anumang admission letter sa school.

“Sinabi namin sa kanya na, ‘Julian, I'm sorry but hindi namin ma-grant yung request mo kasi wala kaming papel, wala kaming first-hand information sa mga claims mo.’

“At sabi namin, ‘Paano kung hindi totoo yung iba or ano… mababalikan ang paaralan,’ sabi ko sa kanya.”

Sumagot daw si Julian na nauunawaan niya ang reaksiyon ng assistant principal.

Nakarating na rin daw kay Atosaga ang lumabas na report ukol sa mga nag-confirm na universities na may admission si Julian.

“Sa aming part, the last time na ako may update was, that was Saturday [May 20] or Friday [May 19]. Wala kami natatanggap na nag-reply,” ani Atosaga.

Idiniin din ni Atosaga na importanteng malaman kung admission o scholarship ang offers kay Julian.

MESSAGE TO PUBLIC

Sa ngayon, ang reaksiyon daw ng paaralan ay, “Kung totoo yung claim si Julian at makamit ang pangarap niya, the school will be very happy about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But as for now, wala kaming first-hand information. So wala kami i-confirm regarding sa mga claims niya.

“But in fairness to him, nung siya estudyante pa lang dito sa school, wala kami problema.

“And as for his academic performance, okay naman. May mga honors siya natatanggap.”

Ang nais daw nilang pagtuunan ngayon ay ang counselling para kay Julian.

“Kasi ayaw naman namin i-force yung isang bagay. Baka hindi rin siya comfortable.

“We'll try to reach out sa kanya at mag-a-offer kami ng counseling just to check naman yung kanyang emotional and mental status.”

Ang hiling pa ng assistant principal ay huwag nang palakihin pa ang isyu at sana ang lumabas na reports ay ma-verify muna.

Simula noong kinuwestiyon ang achievement ni Julian, hindi na ito ma-contact ng mga media outlets na nag-interview sa kanya.

Samantala, ang isyu ng binata ay isang patunay na bukod sa fake news, ang isa pang concern ay ang pagbibigay ng uncensored comments sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman kabawasan sa pagkatao kung magiging maingat sa mga salitang binibitawan, lalo na kung makakaapekto ito sa mental health.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Negros Occidental High School Assistant Principal Donna Belle Atosaga reveals declining Julian Martir's request to post congratulatory message for the latter's alleged admissions and scholarship offers: “Sinabi namin sa kanya na, ‘Julian, I'm sorry but hindi namin ma-grant yung request mo kasi wala kaming papel, wala kaming first-hand information sa mga claims mo.’"
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results