Nagkaayos na ang actress-vlogger na si Sachzna Laparan at kapwa YouTuber na si Veybillyn Gorens matapos ang kontrobersiyal nilang sagutan sa social media.
Noong May 18, 2023, naging usap-usapan sa social media ang sagutan ng dalawa sa Facebook nang akusahan ni Veybillyn si Sachzna na "kabit" sa relasyon nila ng partner niyang si Jomar Lovena.
Si Jomar ay isa ring vlogger, na dating ka-love team ni Sachzna sa kanyang vlogs.
Nag-ugat ang kanilang away nang magkasamang nagpunta sina Jomar at Sachzna sa Siargao para sa isang charity event.
Nakarating daw kay Veybillyn ang video umano ni Sachnza na sumasayaw sa harap ni Jomar at sa dalawa pang pamilyadong lalaki.
Bilang partner, masakit daw para kay Veybillyn na makita ang mga ganoong tagpo lalo na't wala siyang kamalay-malay sa maaaring gawin ng dalawa habang wala siya.
Kung kaya't inakusahan at tinawag niyang "kabit" ang vlogger/actress/model na si Sachzna.
Read: Sachzna Laparan threatens to sue YouTuber Veybillyn Gorens for calling her "kabit"
Ngunit nitong Linggo, May 21, 2023, biglang nagbago ang ihip ng hangin nang bawiin ni Veybillyn ang nauna niyang akusasyon kay Sachzna.
Sa kanyang Facebook post, nakiusap si Veybillyn sa publiko na tigilan na ang pamba-bash dahil naayos na raw nila ni Sachzna ang gusot nilang dalawa—na kung tutuusin ay sila rin ang nagsapubliko sa pamamagitan ng mga post nila sa socila media.
Aminado raw ang dalawa na pareho silang nadala ng galit kaya't nakapagbitaw sila ng masasakit na salita laban sa isa't isa.
Mababasa sa post ni Veybillyn (published as is), "Sana po wala na po pang babash ang mang yare, kay Jomar at kay Sachzna.
"Maayos na po napag usapan personal lahat, aminado kaming pare parehas kaming nagkamali.. maraming miss understandings sa lahat mas umiral samin parehas ang galit pero ang mahalaga ngayon napag usapan na sya ng maayos personal dahil mas mahalaga saamin ang pagkakaibigan.
"Nakapag patawad at let go na po kami sa lahat kaya sana kayo rin po."
Nagpasalamat din si Veybillyn sa ina ni Sachzna na naging daan daw para mapagbati sila.
Aniya, "Gusto ko na lang din mag pasalamat kay tita Christine Laparan Policarpio kasi mas pinili nyang maging pantay saamin at hindi naging bias kahit masasakit yung mga nangyare eh mas pinili nya po na maging maayos kaming lahat."
SORTING OUT THEIR ISSUES
Hindi rin itinanggi ni Sachzna ang pagkakaayos nila ni Veybillyn.
Sa kanyang Facebook post nitong Linggo, May 21, tila pabiro niyang kinumpirma na nagkabati na sila ng kapwa niya vlogger.
Kalakip nito ang litrato nila ni Veybillyn na-black and white.
Saad niya sa caption (published as is), "Di pa kami patay, nag away lang.
"Hehe ok na both sides pasensya na sa tatlong araw nyong walang tulog. Daming lesson learned lalo na sa sarili ko.
"Love you Veybillyn ako na lang tatay ni Sety. Charot."
Nag-upload din siya ng video sa TikTok nitong Lunes, May 22, para ipaliwanag ang kinasagkutan niyang isyu.
Sabi ni Sachzna sa video, "Grabe sobrang dami ko ng issue. Parang nasa twenty plus na at nandito pa rin tayo still alive and kicking."
Ipinakita rin niya ang sinasabing video ni Veybillyn na sumasayaw siya sa harap ni Jomar at sa dalawa pang pamilyadong lalaki. Ito umano ang pinag-ugatan ng kanilang away.
Aniya, "Kasi naman e, bakit niyo pa sinesend kay Veybillyn yon, binibigyan niyo ng malisya, nag-away tuloy kami.
"Sabi ko nga kay Veybillyn, 'bakit mo pa sinama yon?'
"Sabi naman niya, 'e, kasi yung mga nagsesend sa akin. Siyempre hindi kami okay noong mga panahon na yon, kaya nakapag-isip ko ng iba.'"
Inamin din ni Sachzna na may pagkakamali siya at bilang kaibigan ni Veybillyn ay naiintindihan daw niya ito.
Saad niya, "Tama naman siya, may saltik lang talaga ako promise.
"At siyempre as palapatol, hindi lang sa may jowa, palapatol talaga ako in real life, mabilis talaga akong magalit, pero mabilis din naman akong magpatawad.
"At opo, maldita talaga ako. Hindi na ako magpapaka-plastic sa inyo, maldita talaga ako.
"Maldita talaga ako pero hindi ako masamang tao. Pero may red flag ako, hindi ko nailalagay yung sarili ko sa situation nang isang tao.
"Kumbaga mas iniisip ko yung nararamdaman ko nung moment na yon.
"Which is lesson learned na yan. Pero ewan ko napuno talaga ako, before-before kasi parang lagi ko na lang iniisip yung mga sasabihin ng ibang tao, yung nararamdaman nila.
"Hindi ko na naiisip yung sarili ko kaya ngayon parang nasobrahan ganon."
Wala rin daw mali sa naramdamang selos noon ni Veybillyn. Bilang partner ni Jomar, naiintindihan daw niya kung bakit siya naparatangang kabit.
Ani Sachzna, "Yung naramdaman ni Veybillyn, tamang-tama naman siya. Shunga talaga ako,hindi ko naisip.
"Alam niyo yon, may pitik talaga ako e. Ewan ko sobrang tropa talaga kami ni Jomar, parang away bati kasi yan e, so, hindi ko alam na sobrang lalim na pala nung pinagdaraanan nila.
"Wala lang siguro akong nasagap na balita na kailangan kong dumistansya kasi hindi ko alam na nag-aaway na pala sila [dahil sa akin] or what, kasi close naman talaga kaming tatlo.
"Kumbaga, ako may pitik, si Veybillyn din may pinagdaraanan na.
"Pero ngayon super okay na kami, nagkalinawan na, at nagka-peace of mind na kaming tatlo."
Sa lahat ng nangyari, may mga bagay raw na napagtanto si Sachzna.
Sabi niya, "Alam niyo napapansin ko rito kapag nagkakaroon ka ng isyu nang isang beses, lahat na ng isyu mo hahalungkatin nila.
"Pero ako kasi hindi na ako ganon ka-affected, kasi nakapag move on na ko sa mga past na nangyari...Tapos alam ko naman na lahat ng nangyayari ngayon is lilipas.
"Hindi ako affected sa mga comments [ng bashers] pero siguro kapag yung mga kaibigan ko na, ayan kami ni Veybillyn doon ako pumipitik na parang 'bakit e, magkakaibigan tayo?'
"Sa sampung tamang ginawa mo ang makikita lang nila yung isang pagkakamali mo.
"Pero that's normal, you need to prove yourself na lang talaga hindi lang sa kanila, kundi sa sarili mo rin.
"Sana rin nagkakaroon tayo ng mga lesson learned lalo na siyempre sa sarili ko, kasi I'm not perfect."
JOMAR LOVENA'S SIDE
Samantala, tinupad din ni Jomar ang hiling ni Sachzna noong kasagsagan ng away nila ni Veybillyn na magpakalalaki itong harapin at ipaliwanag ang mga nangyari.
Sa Facebook post ni Jomar, humingi siya ng tawad sa mga nadawit at nasaktan sa kanilang isyu.
Dito rin niya nilinaw na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna. Magkaibigan lang daw ang turing nila sa isa't isa.
Narito ang kanyang pahayag:
"Alam kong madaming nainis at naasar sa nangyari samin. gusto ko lang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan at nagalit naiintindihan ko kayo lahat.
"Simulan po natin kung san nag simula yung issue na to.
"Nag punta po ako ng siargao ng hindi ako nag paparamdam kay veybillyn dahil hindi kami ayos nung panahon na yun nagulat nalang siya nasa siargao na ako.
"Hindi ko siya masisisi kung ano man yung maramdaman niya na galit dahil kasalanan ko naman talaga yun at dagdag pa ng mga nag labasang video namin sa Siagao.
"Gusto ko lang po iklaro sa mga tao na walang namagitan samin ni SACHZNA sa siargao at walang pong " KABET " or landian na nangyari sa siargao and sige sasabihin ko nadin po na wala po talagang namagitan samin ni SACHZNA.
"Kahit dati pa na mag kaloveteam kaming dalawa lahat ng ginawa namin is para lang sa work at mapasaya namin yung mga sumusuporta samin at isa lang po ang pinunta namin dun kundi mag charity sa mga nasalanta at work na kailngan namin gawin sa siargao.
"Kaya iiwanan ko ang salitang to na walang ganung nangyari.. at gusto ko po sabihin na inayos na namin to ng PRIVATE and okay na both side."
Humingi rin ng kapatawaran si Jomar sa partner niyang si Veybillyn at sa anak niyang si Setty na lubos daw niyang nasaktan.
"TO VEYBILLYN : Gusto ko humingi ng tawad sayo sa lahat lahat ng mga nagawa ko at pag kukulang ko.. ako lahat ang may kasalanan kung bakit humantong sa ganito yung relasyon na binuo natin.
"Sorry kung hindi ako naging mabuting partner sayo.. Sorry kung hindi ko naibigay yung mga dapat deserve mo dito sa mundo.. sorry sa lahat ng sakit na naramdaman mo sa pagiging walang kwentang tao ko.
"Minahal mo lang ako ng sobra sobra at hindi ko naibalik yung pag mamahal na deserve mo sorry.
"Kasalanan ko lahat to at walang dapat sisihin kundi ako wala na pong iba.. Salamat sa pag mamahal na binigay mo sakin VEYBILLYN SOBRA AKONG NAG PAPASALAMAT AT NAGSISISI SA LAHAT SORRY.
"Gusto ko din humingi ng tawad Sa anak ko.. BABY SETY sorry sa nangyari sa family natin.. kung nasira ni papa.
"Pangako anak mas magiging better si papa para sayo at sa future na tatahakin mo andito lang ako lagi at ang mama mo laging nakatingin sa mga dadaanan mo at laging aalalay sayo sa lahat MAHAL NA MAHAL KITA.
"Ikaw ang dahilan ng kasiyahan na meron ako dito sa mundo Anak.. pag naging maayos na lahat pangako sa pagkakataon na yun mas mapaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal Lagi kong isisigaw sa mundo kung gaano ako kaswerte simula nung Binigay ka samin ni Lord."
Sa huli, hiling ni Jomar na matapos na ang gulong kinasangkutan nila.
Aniya, "SA LAHAT NG NAGAWA KO AT SA MGA TAONG NADAMAY SORRY PO SAINYONG LAHAT.
"Wala po kayo dapat sisihin kundi ako lang at lahat ng bash malaya po kayo sabihin lahat ng gusto niyo sabihin sakin at hinanaing pero last wish sa mga tao.
"Patahimikin na po natin yung ibang tao na nadawit sa gulo na to at lalo na yung pamilya ko Kay Veybillyn at kay Sety sakin niyo nalang po lahat ibato maraming salamat po."
