Hindi nagpatinag ang Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles sa pagbabanta sa kanya ng isang basher kaugnay ng pagsasama nila ng asawang si John Estrada.
Noong Abril 2023 ay dumaan sa marital problem ang pagsasama nina Priscilla at John, pero ngayon ay unti-unti na nila itong inaayos.
Noong nakaraang linggo, nag-post si Priscilla ng kanyang mga larawan sa Instagram.
“Perfection is overrrated,” caption ng beauty queen-model na kinoronahang Miss Earth 2003.
Sa comments section ay isang basher ang nagbanta sa kanya ng ganito (published as is): “Mlpt kna plitn Kabahan kna [laughing with tears emoji]”
Isang “laughing with tears” emoji rin ang tanging ni-reply ni Priscilla, indikasyong hindi siya nagpadala sa pananakot ng basher.
Nagsunud-sunod din ang pagtatanggol ng supporters ni Priscilla laban sa ‘bastos” na netizen.

Sumagot ang basher: “wow c Janice Nga Pinalitan Aftr How Many Years Sya pa Kaya [laughing emojis] mlpt na Ma Expired”
Malinaw na ang tinutukoy ng basher ay ang ex-wife ni John na si Janice de Belen.
Sumagot si Priscilla. Ipinagdarasal na lang daw niya ang basher.
Sabi niya, “[S]ending Love and prayers your way po. It saddens me that you think that way and you get out of your way to say such things.”
Kalakip nito ang tatlong Bible verses ukol sa hatred at pagmamahal.
Komento ni Priscilla: “Nevertheless I just want to let you know God loves you and I am praying for you. 1 John 4:16 NIV
[16] And so we know and rely on the love God has for us. God is love. Whoever lives in love lives in God, and God in them.
“Proverbs 10:12 NIV
“[12] Hatred stirs up conflict, but love covers over all wrongs.
“1 Peter 4:8 NIV
“[8] Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins.”

PRISCILLA POSTS FAMILY VIDEOS
Samantala, patuloy na inaayos nina John at Priscilla ang kanilang pagsasama.
Nito lamang weekend, nag-post ng maiksing video si Priscilla sa Instagram na nagpapakita ng bonding time nila kasama ang anak na si Anechka, 11.
Nagkaroon sila ng weekend bonding sa isang Japanese restaurant.
Ginamit pa ni Priscilla ang mga salitang “family” at “partners in crime.”
Caption niya: “Bonding with my 2 partners in crime over good Japonese Food. #weekendvibes #family”
Katapusan ng Marso nang magpakawala ng mga makahulugang posts si Priscilla via Instagram, ukol sa mga babaeng nang-aagaw ng may-asawa.
Sa exclusive interview ni Priscilla sa PEP ay kinumpirma niyang may pinagdadaanan nga ang pagsasama nila ni John.
Hindi rin itinanggi ni Priscilla na ukol ito sa mga babaeng pumapatol sa mga may-asawa.
Read: Priscilla Meirelles confirms marital problems with John Estrada: “Napuno na ako.”
Pero makalipas lamang ang isang linggo ay nag-post si John ng sweet photos nila ni Priscilla, indikasyong sinisikap nilang ayusin ang kanilang relasyon.
Read: Priscilla Meirelles says she and John Estrada decide to "fix the light" amid marital issues
