Halos dalawang taon matapos lisanin ng aktres na si LJ Reyes ang Pilipinas dahil sa sugat na dulot ng paghihiwalay nila ng aktor na si Paolo Contis, ginulat ng aktres ang marami dahil sa magandang balitang hatid niya ngayong Martes, May 30, 2023.
Engaged na si LJ.
Sa pamamagitan ng posts niya sa Instagram at Facebook, ibinahagi ni LJ ang ilang larawan mula sa proposal sa kanya ng non-showbiz fiancé niya.
Base sa pangalang naka-tag sa posts ni LJ, ang lalaking muling nagpatibok sa puso niya ay si Philip Evangelista.
Naka-private ang Instagram account ni Philip kaya wala pang impormasyon tungkol sa kanyang pagkakakilanlan.

Base sa mga larawan, bakas sa mukha ni LJ ang sobrang kaligayahan nang lumuhod sa harap niya si Philip habang ipinapakita at isinusuot ang engagement ring sa kanyang daliri.
Kalakip ang mga larawan na tila kuha sa isang beach, pinili ni LJ ang isang Bible verse bilang caption ng kanyang post: "'For I know the plans I have for you,' says the Lord. 'They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.' — ??Jeremiah? ?29?:?11? ?NLT??."
Sa comments section, bumuhos agad ang mga pagabati mula sa celebrity friends ni LJ kabilang sina Marian Rivera, Iza Calzado, Camille Prats, Andrea Torres, Ryza Cenon, Carla Abellana, Joyce Ching, Sheena Halili, Kaye Abad, Nikki Valdez, Melissa Ricks, at Gary Valenciano.
Ang engagement na ito ni LJ ay isang malaking sorpresa sa marami dahil walang napabalita tungkol sa bagong love life ng aktres mula nang lisanin niya ang Pilipinas.
Lumipad si LJ sa New York noong September 2021 kasama ang kanyang mga anak na sina Aki at Summer matapos ang masalimuot na breakup nila ni Paolo Contis.
Si Aki ay anak ng aktres sa dating karelasyon niyang si Paulo Avelino, at si Summer naman ang anak nila ni Paolo.
Read: LJ Reyes alludes to money issue, third party in breakup with Paolo Contis
