LJ Reyes alludes to money issue, third party in breakup with Paolo Contis

by Rachelle Siazon
Sep 1, 2021
LJ Reyes on final straw that led to her split with Paolo Contis: "As much as I really want a complete family, yung mga nangyari, di ko po kakayanin na maging malapit siya sa mga anak ko. Ganun kasakit yung nangyari. Ganun kahirap. Hindi ko lang masabi on air kung ano yung mga yun. Pero di po kakayanin ng pusong nanay ko na ibalik siya."
PHOTO/S: The Boy Abunda Talk Channel / LJ Reyes YouTube

Puno ng hinagpis na ipinagtapat ni LJ Reyes na naghiwalay sila ni Paolo Contis nito lamang Agosto.

Masalimuot ang dahilan ng kanilang hiwalayan, pero malinaw na hindi ito matatawag na "mutual decision."

Lahad ni LJ: "No, hindi siya mutual. Naniniwala ako kapag mutual isang decision, pareho kayong sumasang-ayon na hindi na nagwo-work yung relationship.

"Hindi po, e. Ramdam na ramdam ko naman po na ibang-iba na.

"Matagal ko na nararamdaman na nakahiwalay na siya sa amin. Ramdam na ramdam ko po yun."

Inamin ni LJ na, sa una nilang pag-uusap, siya ang nag-initiate na mag-break sila.

Pero makalipas ang ilang araw, sa pangalawang masinsinan nilang pag-uusap noong Agosto, si Paolo ang umayaw na.

"Pero honestly, ako yung nagsabi na parang nasa ibang mundo na po siya, at parang pakiramdam ko na hinihintay lang niya na manggaling sa akin.

"Umabot sa point na nag-break na kami. Pero after a few days, na-realize ko na hindi puwedeng ganito, may mga bata.

Continue reading below ↓

"Nagbaba na lang ako ng pride kahit ako yung nasasaktan. Titiisin ko po yun para sa mga bata. Kasi inisip ko, baka kailangan nila ng complete family.

"Tinanong ko siya, if he wants to take us back. Pero hindi na daw."

Ito ang pag-amin ni LJ sa mahigit isang oras na pag-uusap nila ng TV host na si Boy Abunda noong August 31 (Philippine time), at inere sa YouTube nitong September 1.

Virtual ang kanilang video interview dahil nasa New York na si LJ kasama ng dalawang anak. LJ'S "SECRET BURDEN" FOR THE PAST MONTHS

Ipinaliwanag ni LJ na sa loob ng anim taon nilang relasyon, minahal niya si Paolo dahil nakita niyang sinsero ito sa pagmamahal sa kanya at sa anak niyang si Aki.

Si Aki ang 11-year-old son ni LJ sa ex-boyfriend na si Paulo Avelino.

Aminado si LJ na tumayong mabuting ama si Paolo kay Aki noong sila pa lang tatlo, at lalo pa itong naging hands-on father kay Summer.

Continue reading below ↓

Si Summer ang two-year-old daughter nila LJ at Paolo Contis.

"Alam naman ng public na di siya goody-goody image, di ba? Siyempre nung nanliligaw siya, sinabi ko sa kanya kung ano yung mga ayoko.

"Pinakita niya sa akin na nagbago siya. At sino naman ako na di magbigay ng chance?

"Ang point ko noon, 'Sino pa magbibigay sa kanya ng chance at maniniwala sa kanya?' Nung time na yun, maganda ipinakita niya sa akin, sa pamilya ko, sa anak ko.

"Ang nakilala kong Paolo—yung maalaga, yung kahit na tigasin siya, deep inside generous siya. Kapag mahal niya ang isang tao, mahal niya. Yun ang nakita ko. Minsan lang, di siya marunong mag-express."

Homebody din daw si Paolo.

Ngunit ayon kay LJ, "late last year" nang simula niyang mapansin ang mga pagbabago sa ugali ni Paolo.

Sabi niya tungkol sa mga katangiang minahal niya kay Paolo: "Nawala yun, e."

Lumuluhang inamin ni LJ na inilihim niya sa publiko at maging sa mga taong malapit sa kanya ang dala-dala niyang problema sa relasyon nila ng longtime live-in partner.

Continue reading below ↓

Malungkot na lahad niya: "It's been so hard. The past several months. But sinubukan ko wag maramdaman ng mga anak ko, wag maramdaman ng public.

"I never talked... kasi gusto ko kung ano yung pagdaanan namin bilang pamilya or pagdaanan ko sa private life, gusto ko sana yung Panginoon lang ang kausap ko at kung sino yung involved.

"Pero it's been really difficult. The past several months...the past two months, parang revelation after revelation.

"And sa gabi, ang nagpapatulog lang sa akin is praise and worship songs.

"Minsan binabangungot ako kasi di ko alam paano nangyari yung mga bagay na nangyari.

"Hindi ko na mahiwalay yung reality, yung mga bagong nalaman ko na revelation, information [mula] sa mga tao sa paligid ko..."

Ilang buwan bago ang mitsa ng kanilang hiwalayan, hindi raw siya nagkulang na subukang kausapin si Paolo sa nararamdaman niyang pagbabago sa kanilang relasyon.

"Yes, po. A lot of times."

Continue reading below ↓

Tanong ni LJ kay Paolo: "Are we okay? Parang iba ka. Hindi ko na napi-feel yung dating ikaw or yung treatment mo sa amin."

Ang sagot ni Paolo: "Akala mo lang yun. Ganun pa rin naman."

Dagdag ni LJ sa asal ni Paolo: "Idi-dimiss lang yung conversation.

"Yung di ko kilalang Paolo, pag kausap ko siya the past months, parang lumulusot lang.

"Sinabi ko rin sa kanya, 'I feel so alone already. Hindi ko naiintindihan kung ano nangyayari.' Yun ang pakiramdam ko."

FINAL STRAW INVOLVING KIDS; WAS THERE A MONEY ISSUE?

Hirap si LJ sa pagdetalye ng mitsa ng breakup nila ni Paolo.

Pero kapansin-pansing sa dulo ng panayam ni Boy, nang tinanong niya si LJ kung may kinalaman sa pera ang breakup nila ni Paolo, hindi agad nakasagot ang aktres.

May labimpitong segundo na biglang natahimik si LJ, at mugto pa rin ng luha ang mga mata.

"Basta ang priority ko po ay mga welfare ng mga bata," paiwas na saad ni LJ.

Continue reading below ↓

Ang malinaw ay consistent si LJ sa pagsabing, higit sa usap-usapan ng pambababae na nauugnay kay Paolo, ang hindi niya kinaya ay nang maapektuhan na ang mga anak nila.

Dire-diretsong lahad ni LJ: "It was so difficult. It was so painful.

"Siguro kung hindi malakas yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.

"Kung hindi matibay ang pagmamahal ko sa mga anak ko para maging motivation siya sa akin to stand up and wake up every day...

"Sa totoo lang, kung anuman yung third party na sinasabi nila, it's actually the least of my concerns.

"Kaya nga po ako nag-decide to speak up is because pag anak niyo na po yung nagagawan ng mali, I think kailangan mo sabihin na hanggang dito lang.

"Somehow, kailangan ko ilayo yung mga bata kasi kailangan maprotekahan sila.

"Kailangan magkaroon kami ng healthy at safe environment. Para sa mga bata yun, not just for me.

Continue reading below ↓

"Kaya ko po kung anu-ano marinig ko diyan. Pero pag mga bata na, kailangan ko ilayo..."

Tumanggi si LJ na tumbukin kung ano ang ibig niyang sabihing apektado na ang kanyang mga anak.

"Kahit nandito ako [nagpa-interview], I will never go into particular details because ayoko may masabing di maganda.

"Ang gusto ko lang, e, wag magamit ang mga anak ko. Gusto ko lang maintindihan ng publiko bakit ako umalis at huwag na gumawa ng iba-ibang kuwento na 'mutual,' na eto, 'Okay ang mga nangyayari.'

"Hindi po, e."

Ang tanging nilinaw ni LJ ay walang kinalaman sa pisikal na pananakit ang sinasabi niyang bagay na ginawa ni Paolo na nakaapekto sa kanilang mga anak.

"Physically po, hindi. Ayokong isipan nila na ganun si Pao. Physically, not," diin ni LJ.

Tungkol sa pangyayaring may kinalaman ang mga bata, sabi ni LJ: "Kung ano man nangyari, di po yun madali.

"Hanggang ngayon pinagdadasal ko kung paano ko ibabangon uli at mare-rebuild uli yung anak ko."

Sinabi ni LJ na sinira ni Paolo ang tiwala niya rito.

Continue reading below ↓

"Kasi, pag nagmahal tayo, nagtitiwala tayo, di ba? Yung buong pagtitiwala, binigay ko.

"Di ko lubos-akalain na masasaktan ako at ang mga bata nang ganun.

"Gusto mo na lang talagang tanggalin sila sa sitwasyon. Kung kaya ko baguhin lahat, gusto ko mawala sila sa sitwasyon na yun."

Ito raw ang dahilan ng desisyon ni LJ na magtungo sa New York kasama ng mga anak.

Aniya, "Sa totoo lang, we left because I felt, like, I really need—me, myself and my kids—to get out of the situation physically, para kahit papaano matulungan din kami emotionally and mentally to recover and rebuild as a small family."

Kung anuman ang pangyayaring hindi maipaliwanag ni LJ, lumalabas na ikinaguho ito ng tibay ng paniniwala ni LJ kay Paolo.

"Ang sakit lang isipin that you allowed things to happen. Kasi di mo alam kung saan ka ilulugar.

"Mahirap kasi ipaliwanag kung hindi ako mag-go into details, pero ayoko gawin yun.

Continue reading below ↓

"I'm still protecting the kids."

Sabi pa ni LJ, "Lagi ko sinasabi, first and foremost, I am a mother of two beautiful kids.

"Kapag sila na ang apektado, kahit sinong nanay will step up and defend ang mga anak nila at pamilya."

HOT STORIES

WAS THERE A THIRD PARTY?

Sa kabilang banda, diretsahang tinanong din ni Boy si LJ kung may third party ba sa relasyon nila ni Paolo.

Labinlimang segundong natahimik si LJ.

Sabay malaman niyang pahayag: "I think marami po makakasagot niyan. Kahit hindi ako ang sumagot."

Hindi na nagdetalye si LJ.

Pero sa ibang bahagi ng panayam, may pahiwatig siyang may mga nakarating sa kanyang "sightings" ni Paolo.

"May mga tao who would message me about events, sightings... Pero I would ask him. Siyempre, laging walang confirmation."

Ang sagot daw ni Paolo sa kanya, "Na pandemic, paano siya makikilala, naka-mask. naka-shield."

Pero hindi kumbinsido si LJ.

Bilang taong nagmamahal ay may kutob daw siya.

Continue reading below ↓

Patuloy ni LJ, "Ganun po. May mga ganun siyang reason. Sasabihin niya na, 'Alam mo naman kung nasaan ako.'

"It came to a point, a friend of a friend—di lang basta friend, close friend...

"Tsaka pag babae ka, alam mo ata talaga.

"Or kahit sinong nagmamahal na tao—di lang babae, kahit anong gender—kapag nagmamahal ka, alam mo.

"Kapag kilala mo ang tao, alam mo."

LJ DOESN'T WANT TO TALK TO PAOLO ANYMORE

Sariwa pa kay LJ ang sakit na dulot ng breakup nila ni Paolo, at desidido siyang mas mabuting huwag na itong kausapin.

Lahad pa rin ni LJ: "Ayoko siya makausap. Ni-cut ko yung line. Di ko na siya kinausap.

"Parang natatakot ako kausapin siya. Kasi parang pakiramdam ko, totoo yung sinasabi niya sa akin. Pero marami kasi ako nalaman na di totoo.

"Natatakot ako na—I'm sorry if I'm gonna use this word—natatakot ako na ma-manipulate yung alam ko ngayon na facts.

Continue reading below ↓

"Yung mga revelation at information na dumating sa akin the past two to three months, di po madaling i-digest."

Inusisa ni Boy na baka mas mabuting makausap niya si Paolo para maliwanagan ang mga bagay na nalaman niya ukol dito.

Pero sabi ni LJ, malakas ang paniniwala niyang nagsisinungaling sa kanya si Paolo.

"Yes, alam ko in my heart... I can't be wrong. Siguradong-sigurado ako na totoo.

"Ang dami ko na nakausap na nagpakita sa akin ng katotohanan kung paano siya kapag nakatalikod ako.

"Kaya ang hirap sa akin, kasi ito nakita ko, at meron siyang ibang katauhan, o iba sinasabi pag nakatalikod ako."

Malamang dagdag pa ni LJ: "Yung mga ibang bagay, meron akong proof.

"Nung kinakausap ko siya, alam mo naman kung kailan nagsasabi sa 'yo ng totoo ang isang tao o hindi.

"Umabot sa point na, 'Sino yung kilala ko?' Hindi ko alam kung maiintindihan ng tao, pero, 'Sino itong tao na nakikita ko ngayon?'

Continue reading below ↓

"At ang hirap kasi naging close siya sa pamilya ko, hindi lang basta sa mga anak ko. Nakikita ko na nasasaktan sila para sa akin at para sa kanila din."

ON HOLDING ON, GIVING UP, AND PRAYING HARD

Sa New York nakatira ang ina at kapatid ni LJ.

May pag-aari raw doon na maliit na cafe ang kanyang ina, kapatid, at brother-in law. May mga kanya-kanya ring day jobs doon ang mga ito.

Ang mga ito ang naisip ni LJ na kanlungan habang wala pa siyang plano sa kung ano na ang mangyayari sa kanila ng dalawa niyang anak.

Alam daw ni Paolo ang tungkol sa pagpunta nina LJ, Aki, at Summer sa New York.

Sabi ni LJ, "Nasabi ko naman sa kanya na aalis kami. Sinabi ko na di kayang mag-rebuild ng pamilya ko.

"Pag sinabi kong pamilya ko, ako lang yun at mga bata. Hindi ko kayang nasa Pilipinas kami after everything."

Continue reading below ↓

Kung anu't ano man, idiniin ni LJ na pinilit niyang isalba ang relasyon nila ni Paolo.

Iyak nang iyak na sabi pa rin ni LJ: "Grabe yung kapit ko the past several months. Minsan tinatanong ko sarili ko, 'Kung ito pa ba tama para sa mga anak ko?'

"Pero humingi ako ng wisdom sa Panginoon na, 'Tama pa ba ginagawa ko?'

"I was holding it together. Nakakalbo [na] kilay ko. Kasi yung mga kapatid ko di alam.

"Bigla na lang ako nag-breakdown isang beses dahil sobrang sakit na. Sobrang hirap na po.

"Pero kumapit ako para sa mga anak ko. Kung walang batang involved, okay lang, di ko ipipilit yung sarili ko.

"Ang sa akin lang, kung ayaw mo na, basta sana okey yung mga bata."

Kung sa huling pag-uusap nila ay sinubukan ni LJ na makipagbalikan kay Paolo, ngayon ay malinaw sa kanyang hindi niya basta makakalimutan ang nagawa ng dating partner.

Continue reading below ↓

"As much as I really want a complete family, yung mga nangyari, di ko po kakayanin na maging malapit siya sa mga anak ko.

"Ganun kasakit yung nangyari. Ganun kahirap.

"Hindi ko lang masabi on air kung ano yung mga yun. Pero di po kakayanin ng pusong nanay ko na ibalik siya."

Tanging ang pananampalataya raw niya ang sandata niya ngayon.

"Para akong lumulutang. Para akong naka-autopilot. Hindi ako puwede tumigil. Hindi ako puwede magmukmok...

"Hindi ako pinaka-religious na tao. Pero sa gitna ng pangyayari na ito, dun lang ako kumapit. I am in God's loving hands."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LJ Reyes on final straw that led to her split with Paolo Contis: "As much as I really want a complete family, yung mga nangyari, di ko po kakayanin na maging malapit siya sa mga anak ko. Ganun kasakit yung nangyari. Ganun kahirap. Hindi ko lang masabi on air kung ano yung mga yun. Pero di po kakayanin ng pusong nanay ko na ibalik siya."
PHOTO/S: The Boy Abunda Talk Channel / LJ Reyes YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results