Naglabas ng "resibo" ang songwriter na si Lolito Go kaugnay ng kanyang alegasyong ghostwriting laban sa singer-songwriter na si Moira dela Torre.
Ginawa ito ni Lolito ilang oras matapos maglabas ng opisyal na pahayag si Moira ngayong Martes, May 30, 2023.
Sa kanyang official statement, mariing pinabulaanan ni Moira ang kuwento ni Lolito na inalok niya itong maging “ghostwriter” noong maayos pa ang kanilang pagkakaibigan.
Marami raw siyang collaborations sa ilang "talented artists."
Pahayag ni Moira: “I want to set things straight once and for all. Let me be clear: I have never employed a ghostwriter.
"Throughout my career, I have been fortunate enough to collaborate with immensely talented artists who treat each other with respect and acknowledge the contributions we all bring to the table.
“Every song I have created is a true reflection of my deepest emotions and experiences.
"I am fully prepared to provide evidence that supports this truth, including screenshots of conversations and recordings of my songs, which will undoubtedly validate and disprove the harmful accusations made against me.”
Read: Moira dela Torre denies ghostwriting, cheating allegations
Sabi naman ni Lolito sa kanyang Facebook post, burado na ang personal account ni Moira na gamit niya sa usapan nila noon.
Pero, “truth can never be deactivated.”
Never daw niya sinabing hinire siya bilang “ghostwriter” kundi inalok lamang siya ni Moira.
Saad ni Lolito: “Deactivated na ang account. Wala na yung name. But the truth can never be deactivated.
“P.S. Nowhere in my post did I say a ghostwriter was 'employed.' The operative term I used was 'offered.' Inalok.
“Kasi kung employed ako, may NDA--di ko na sana madidisclose ito.
“Masaya ako sa chat na yan, kasi iniisip ko, kahit di na ako marecognize at least bayad ako.
“More resibos to follow.”
Mababasa sa screenshot ang diumano'y usapan nila ni Moira noong "May 3, 2022":
“sure kuya! Can I get you as ghostwriter for my new album il pay u monthly for 2mos [praying hands emojis]
“Thank you so much! [praying hands emojis]”
MOIRA’S MOTHER RAQUEL ANSWERS LOLITO
Sa post na ito ni Lolito ay nagkomento ang ina ni Moira na si Raquel dela Torre.
Labis daw itong nasaktan sa mga paratang ni Lolito.
Ayon sa ina ni Moira, si Lolito umano ang nangulit para maging “ghostwriter” dahil nangungutang daw ito ng pera sa kanyang anak.
Hinamon din niya si Lolito na ilabas na nito lahat ang kanyang screenshots ngunit siguraduhin lamang daw nitong hindi ito edited.
Buong komento ni Raquel: “Hi Lolito. Tita Rocky here. Moira's Mom. This breaks my heart because you know that my daughter WAS JUST BEING NICE.
"Ikaw ang kumukulit sa GHOSTWRITER na yan. I-Release mo lahat ng screenshots. I challenge you. Are we sure it’s not edited?
"Because You have been borrowing MONEY from her. Lagi ka nangungutang sakanya. And fact remains, MY DAUGHTER never hired a GHOSTWRITER.
"You are borrowing money, and you are insisting na mag GHOSTWRITER ka. We have the truth. Maawain lang anak ko.”

LOLITO ANSWERS MOIRA'S MOTHER
Sumagot si Lolito sa naging komento ni Raquel.
Nilinaw niyang hindi niya iginiit kundi posibleng nagmungkahi siyang maging ghostwriter ni Moira dahil hindi umano siya nababayaran at kini-credit ng singer.
Pero kalaunan daw ay si Moira na ang nag-alok sa kanyang maging ghostwriter.
Saad ni Lolito, "Hindi po insisting. Suggesting. There had been prior talks and I "might have" initiated the idea of ghostwriting. Kasi nga po, hindi nya na ako nababayaran, hindi pa nakecredit. I only suggested that once. Then after a while, sya na itong nag-alok. Wala sya idea magkano iaalok sa akin. May tawarang naganap.”
Mahaba naman ang paliwanag ni Lolito tungkol sa “pangungutang” niya kay Moira.
Masakit daw sa kanyang pag-usapan ito. Totoong ilang beses siyang nangutang noon kay Moira, pero ilang beses din daw siyang hindi pinagbigyan nito.
Hindi rin daw siya binayaran ni Moira sa isang kanta na kanyang naisulat noon na ginamit sa isang tour at mga konsiyerto ng singer sa ibang bansa.
Ang ikinasama pa raw ng loob ni Lolito ay nang lumapit siya kay Moira noong nakaratay ang kanyang tatay sa ospital, pero dinedma lamang daw siya ng singer.
Kahit noong pumanaw raw ang kanyang ama ay hindi umano nag-abot ng tulong ang singer-composer.
Sabi ni Lolito, “It breaks my heart na kelangan ko pa humiram sa kanya. Multiple times. Multiple times ding denied. There was only one instance na nagrant nya. When I was about to pay, she insisted na wag ko na bayaran.
“Tita Raquel, hindi nya po ako nabayaran sa song na Pahinga. She used that song sa Braver tour. Pati sa concerts abroad. Malaki kinita ng Patawad Album. Pero wala man lang binigay sa akin kahit yung tinatawag na mechanical royalty.
“Tapos co-composer na sya ng song just by tweaking a few lines. Kung gusto nya ako magshine or kung gusto nya ako tulungan, she could have given me proper credits. That it was my music and my lyrics at additional lyrics lang ang kanya. Sobrang dami ko pa po ipopost na resibo.
“I gave you a chance sa private message para sana ihold back ko na. Pero ayaw nyo po ako sagutin. Nung nagmakaawa rin ako sa kanya dahil nakaratay ang tatay ko, kahit piso di sya nagbigay. Hanggang sa namatay ang tatay ko, kahit pisong abuloy wala. Marami raw kasi syang gastos. Pero lakas ng loob nyang tawagin akong friend, kakampi.”
WILLING TO FACE COMPLAINTS IN COURT
Sa huling bahagi ng komento ni Lolito, sinabi niyang hindi siya natatakot kahit umabot pa sa demandahan ang kanyang mga alegasyon.
Naglabas din niya ng hinaing ukol sa kantang ginawa niya para kay Moira noong 2022 presidential campaign.
Litanya ni Lolito: “Kahit umabot po tayo sa demandahan, mapaninindigan ko ang laban na to. Nung kasagsagan ng campaign, nagpagawa sya ng song sa akin for Leni. Parang umorder lang ng pansit.
“She tweaked a few lines tas 50-50 na kami. Akin ang words at music! Sa mga stage binanggit nya na it is an original song, pero walang banggit sa akin. She posted it twice sa official fan page nya, nakalagay pangalan nya lang. Tinatamad sya ilagay name ko?
“I gave her the benefit of a doubt. Palagi! Pinagtatanggol ko pa yan sa asawa ko. 'Wag kang jugmental kay Moi!' (Libertine will speak up soon.)
“When the song was finally uploaded in Spotify, nagulat ako dahil wala pa rin ang name ko. Then she said, OMG KUYA THAT'S NOT WHAT I SUBMITTED
“Di na bumenta sa akin yun. What is the chance na magkamali sya about that? May songs nga na isang dosena ang composers pero ilalagay lahat. Eh kami, dadalawa lang makakaligtaan pa.”
Inakusahan din ni Lolito si Moira na may "pattern of lying."
Aniya, “May pattern of lyring po ang anak nyo, sorry. At alam kong bilang magulang alam nyo rin yan. I gave you a chance na manahimik na lang sana ako. I was asking you to call me na lang. Sorry po. Alam ng asawa ko na iniiyakan ko yung thought na masasaktan ko kayo ni Tito John. Kasi napakabuti nyo pong mga tao. I swear to God umiiyak ako ngayon.”

Nag-ugat ang kontrobersiyang ito dahil sa isinambulat ng songwriter na mga alegasyon laban kay Moira noong Linggo, May 28, 2023.
Sa mahaba niyang post sa Facebook, ipinagtanggol din niya ang estranged husband ni Moira na si Jason Hernandez.
Read: Songwriter Lolito Go posts string of grievances vs Moira dela Torre; defends Jason Hernandez
