The Masskara Festival dancers are heading to New York!
Sa kauna-unahang pagkakataon, magpe-perform ang Masskara Festival dancers ng Bacolod City sa 125th Philippine Independence Anniversary Commemoration Parade na gaganapin sa New York City sa June 4, 2023.
Ang grupo ay bubuuin ng 22 dancers mula sa multi-awarded Barangay Granada, na nanalo sa MassKara Street Dance and Arena competition noong October 2022, at nag-uwi ng one-million-peso cash prize.

Read also: Paano ang tamang paggamit ng electric fan?
Sa pangunguna ni Mayor Albee Benitez, bumiyahe na ang grupo patungong United States noong May 29, 2023.
Ayon kay Benitez, ang presensiya ng Masskara Festival dancers sa gaganaping cultural event ay isang oportunidad para mas makilala sa buong mundo ang kanilang lungsod.
Aniya, “When we promote Bacolod City, awareness about the city will increase. It will bring in tourism, it will bring in investments, and will redound to development and benefit for all of us.
“New York is a different market. It’s a different audience. Let’s show them what we have.”
Read also: May stress at kamalasan sa buhay? I-try ang malachite gemstone
Itatampok sa event ang mga kultural na pagtatanghal, mga sayaw, at iba pang paraan ng pagsasaya na nagpapakita ng mayamang tradisyong Pilipino.
Gaganapin sa Madison Avenue ang event na inorganisa ng Philippine Independence Day Council Inc. katuwang ang Philippine Consulate General sa New York.

Read also: May stress at kamalasan sa buhay? I-try ang malachite gemstone
Binanggit naman ni Bacolod City Councilor Jason Villarosa, chair ng committee on tourism ng lungsod, na habang nasa New York City ay magpe-perform din ang Masskara dancers sa iba’t ibang events doon bago ang Philippine Independence Day parade.
Kabilang sa kanilang itinerary ang performance sa State Capitol sa Albany sa June 1.
Mapapanood din sila sa Good Morning America sa June 2.
Read also: Mushroom coffin, patok ngayon; may urn para sa mga gusto ng cremation
Napag-alaman ding limang Masskara dancers ang magpe-perform sa 3rd Masskara Festival para naman sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day sa June 11 sa Long Beach, California.
Ang Long Beach ay sister city ng Bacolod simula pa noong 1994.
Read also: Surgeon nagpatulong sa janitor na putulin ang hinlalaki sa paa ng pasyente
