PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bobby Ray Parks Jr.: "ZEINAB NEVER CHEATED ON ME"

Bobby Ray: "NEVER NAGING KABIT yung taong mahal ko..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 6, 2023
Bobby Ray Parks Jr. defends Zeinab Harake from cheating allegations
Bobby Ray Parks Jr. (center) defends YouTube vlogger Zeinab Harake (left) against Erst Kimberly (right): "Less than two months lang tayo ng usap. NEVER NAGING KABIT yung taong mahal ko."
PHOTO/S: Bobby Ray Parks Jr. IG/Zeinab Harake/Erst Kimberly Facebook

Dinepensahan ng dating PBA player na si Bobby Ray Parks Jr. ang kasintahan niyang si Zeinab Harake.

Ito'y matapos mag-viral sa social media ang Facebook post ng isang female netizen na nagngangalang Erst Kimberly.

Inakusahan niyang "kabit" ang kilalang YouTube vlogger.

Sa post ni Erst nitong Lunes, June 5, 2023, kini-claim niyang nagkaroon sila ng "something" ng basketball player bago pa isapubliko nina Bobby Ray at Zeinab ang espesyal nilang relasyon.

Ayon kay Erst, ayaw sana niyang gumawa ng gulo ngunit hindi niya matiis na hindi magsalita at maglabas ng sama ng loob sa panlolokong ginawa umano sa kanya noon ni Bobby Ray.

Mababasa sa kanyang post (published as is), "I'm trying to keep my silence and i want peace, But i need to protect my self this time.

"Sa totoo lang ayoko gawin to kaso everywhere na kayo sa social media yun pag flex ng kakupalan nyo kahit iniiwasan ko pero di kona kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayun kayo na? Bobby Ray Parks Jr. Sabi mo mgkaibigan kayo? Napaka disrespecful at sinungaling nyo."

Sinubukan din daw ni Erst na kausapin noon si Zeinab at ipaalam ang ginawa sa kanya ni Bobby Ray. Pero sinabi raw sa kanya ni Zeinab na walang namamagitan sa kanila ng basketball player.

Ngunit salungat ito sa nangyayari ngayon, dahil unti-unti nang nagiging bukas sina Zeinab at Bobby Ray tungkol sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Erst, "Total d kana ng reply sakin Zeinab Harake. Asan yun salita mo d mo kaya makasakit ng tao? Kala ko maayos ka kausap kaplastikan pala yun?

"Ang bilis nyo kasi mag walk out, Ikwento nyo true love story nyo niloloko nyo mga tao e.

"Bago nyo iflex ang lahat, Sana inisip nyo pag nangyare sainyo to..Actually nangyare na sayo yan zeinab dba bat ganun?

"Sabi mo walang anything sainyo at out kana pero in na in ka pala at tinuloy mo pa rin kahit nalaman mo mgka sabay tayo niloko ni ray?

"Di ako bitter para ipost to, d rin fame ang hanap ko la ko paki dun, i want justice lng.

"Apaka nyo ang tao dahil sa sarili nyong kaligayahan, ang fake ng faith nyo & loyalty.

"Grabe, nkka anxiety yun gnawa nyo sakin. Lalo kana ray pakitang tao ka, pavictim kapa.

"Bagay kayo, godbless yall."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BOBBY RAY DEFENDS ZEINAB

Agad nag-viral ang post ni Erst at kumalap ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizen.

Sa dami ng mga nagkomento, isa sa kapansin-pansin ang comment ni Bobby Ray.

Sa mismong post ni Erst ay nag-reply si Bobby Ray.

Idiniin ng basketbolista na wala silang relasyon ni Erst at lalong hindi kabit si Zeinab.

Kalakip din ng reply ni Bobby Ray ang screenshot kung saan makikita ang usapan nina Erst at Zeinab.

Bobby Ray Parks Jr. defends Zeinab Harake from cheating allegations

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Bobby Ray kay Erst (published as is): "Seryoso ka ba? Malinaw sa message mo kay Zeinab na HINDI tayo.

"Less than two months lang tayo ng usap. NEVER NAGING KABIT yung taong mahal ko.

"You want silence and peace? eh siya pa mismo ang nagpa message sakin sayo dahil gusto mo pa gumawa ng issue nung magkaibigan palang kami.

"Nag sorry ako mismo kahit wala na ako dapat i-explain kasi sinabi ni Zeb na nasasaktan ka daw at mas ikaw ang iniisip niya kesa samin at that time hindi naman na sya dapat damay sa 'thing' na meron satin noon tama?

"To be clear, malabo na tayo bago pa ako umuwu ng pinas at bago ko pa siya nakilala. Hindi din naman kita naging girlfriend so ano panloloko don?"

Naguguluhan din daw si Bobby Ray kung ano ang tunay na motibo ni Erst dahil sa tagal na raw nilang nagkakamabutihan ni Zeinab ay ngayon lang ito nagsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, wala raw siya ibang hiling kundi ang katahimikan ni Erst at ang relasyon nila ni Zeinab.

"Ilan months na kami ngliligawan PUBLICLY tapos ngayon mo lang naisipan mag gaganyan? medyo weird ng timing.

"Anyway, we'll continue to love geniunely and be at peace knowing our hearts (Zeb and I) are in the right place.

"Stay blessed and wishing you find your peace."

Dagdag pa niya, "Ps. Sorry Bel, for this unpleasant and uncessary issue. Knowing that i love you and that i will always value you."

ERST RESPONDS TO BOBBY RAY'S DEFENSE

Makalipas ang ilang sandali matapos mag-post ng comment ni Bobby Ray, agad ding bumuwelta si Erst.

Muli siyang nag-post sa Facebook ng tila sagot sa reply sa kanya ni Bobby Ray.

Dito ay sinabi niyang hindi lang siya umano ang niloko ng basketball player. Wala rin daw siyang hangad kundi isalba si Zeinab na maging biktima ni Bobby Ray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Erst sa caption ng kanyang post (published as is), "Malabo yarn? Sinamahan pa kita mag parlor pra mg braids ganda ng ngiti mo oh hinatid pa kita sa airport sinungaling nnman ba?

"Nging malabo tayo dahil sabi ng assistant mo sa basket ball sakin 'C ray, mraming babae yan' kaya tinignan ko moves mo dahil my trust issue ako una palang cnabi kona sayo yan. Tas ngayun ganito na. Tama yun mga sign.

"Sayo zeinab totoong concern lang ako sayo kaya nga kita minessage at ng warning, kinwento ko buong story samin ni ray dhil pareho kame single mom at alam ko nangyare sa past nya.

"Sabi nya out na sya pero tinuloy nya so na shock ako, sana kinausap mo ako ng maayos sana nireplayan mo ako. tignan mo zeinab hindi lang ako ang naloko dito my ng message din sakin ibang babae halos kaparehas natin.

"Gumising ka my anak tayo wag ka sa wrong place. Sikat ka isipin mo bat sya lumapit sayo peace godbless you all."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ZEINAB-BOBBY RAY ROMANCE

Noong May 8, 2023 isinapubliko nina Zeinab at Bobby Ray ang espesyal nilang relasyon.

Ito'y matapos mag-post ni Bobby Ray sa Instagram ng video tampok ang sweetness nila ni Zeinab.

Makikita sa video na maingat niyang inaayos at sinusuklay ang buhok ni Zeinab habang ito ay nakayuko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito rin niya ibinuking na nililigawan niya ang kilalang YouTuber.

Aniya sa video, "Buti na lang ako yung nanliligaw no? Ikaw yung walang patience. e."

Kinilig at natawa naman si Zeinab sa sinabi ni Bobby Ray.

Kapansin-pansin din sa huling parte ng video ang nagbabadyang paghahalikan ng dalawa ngunit hindi ito natuloy.

Maging si Zeinab ay proud ding flinex si Bobby Ray sa kanyang Instagram Stories.

Sa parehong araw, ipinost niya ang silhouette picture ni Ray habang nasa basketball court.

Read: Zeinab Harake, former PBA player Bobby Ray Parks Jr. flex each other on Instagram

May 11, 2023, muling pinakilig ni Bobby Ray ang netizens nang magkomento siya sa Instagram post ni Zeinab.

Sa IG post ng YouTuber, makikita ang sexy-photo niya kuha sa dalampasigan ng isang beach.

Kapansin-pansin na ni-like ito ni Bobby Ray at nag-iwan siya ng komento.

Aniya, "Sheeesssshhh sagutin mo na po ako soon please."

Read: Bobby Ray Parks Jr. tells Zeinab Harake: "Sagutin mo na ako soon please."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling nakarelasyon ni Zeinab ay ang rapper na si Skusta Clee. May isa silang anak si Bia, 2.

Read: Zeinab Harake recalls darkest moment after breakup with Skusta Clee

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bobby Ray Parks Jr. (center) defends YouTube vlogger Zeinab Harake (left) against Erst Kimberly (right): "Less than two months lang tayo ng usap. NEVER NAGING KABIT yung taong mahal ko."
PHOTO/S: Bobby Ray Parks Jr. IG/Zeinab Harake/Erst Kimberly Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results