PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricci Rivero and Andrea Brillantes Split

Ricci Rivero accused of cheating on Andrea Brillantes.
by Erwin Santiago
Published Jun 9, 2023
ricci rivero andrea brillantes breakup
Ricci Rivero on breakup with Andrea Brillantes: "I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship."
PHOTO/S: Deneb Villanueva

Kinumpirma ng basketball player-actor na si Ricci Rivero, 25, na break na sila ng Kapamilya actress-influencer na si Andrea Brillantes, 20.

Ilang linggo nang usap-usapan sa social media na tinapos na nina Ricci at Andrea ang kanilang relasyon pagkatapos lamang ng isang taon.

Ngayong Biyernes ng madaling-araw, June 9, 2023, binasag na ni Ricci ang kanyang katahimikan tungkol sa estado ng relasyon nila ni Andrea sa pamamagitan ng isang statement na ibinahagi niya sa Twitter.

Bagamat wala siyang binanggit na pangalan o hindi niya direktang tinukoy ang isyu, malinaw na ito ay patungkol sa breakup nila ng aktres.

Inaako raw ni Ricci ang pagkakamaling huwag isapubliko ang estado ng kanyang relasyon dahil naramdaman niyang hindi na kailangang dagdagan pa kung ano ang pinagdadaanan nila.

Nakiusap ang basketball star na irespeto ang kanilang desisyong manahimik upang ipreserba kung anuman ang natitira sa kanilang "friendship."

READ Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Ricci (published as is), "I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship."

Hihiling din ni Ricci sa publiko na huwag gumawa ng istorya at mandamay pa ng ibang tao sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Andrea.

"I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations."

Sa huli, sabi ni Ricci, "I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you - for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain"

ricci rivero tweet

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CHEATING ALLEGATIONS

Sa comments section ng tweet ni Riccy ay inulan siya ng batikos mula sa netizens. Kapansin-pansin ding karamihan sa mga nagkomento ay binanggit ang pagiging "cheater" umano niya.

May mga netizen pang nagbanggit sa isang "konsehala" na dahilan umano ng breakup nila ni Andrea.

ricci rivero comments

ricci rivero comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ricci rivero comments

Tila may patama rin kay Ricci ang matalik na kaibigan ni Andrea na si Awra Briguela sa tweet nito ilang minuto lamang pagkatapos mag-post ng basketball player:

awra briguela post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, wala pang pahayag si Andrea kaugnay ng isyung ito.

RICCI-ANDREA LOVE STORY

Tila eksena sa teleserye at pelikula ang pagsisimula ng relasyon nina Andrea at Ricci.

Noong April 9, 2022, pagkatapos ng UAAP basketball game sa pagitan ng UP Maroons at FEU Tamaraws sa Mall of Asia Arena, ay tinanong ni Ricci si Andrea kung maaari niya itong maging girlfriend.

“Thank you for coming today. I just want to ask Blythe [Andrea’s nickname] to be my girlfriend?” tanong ni Ricci, habang may dalawang lalaki sa likod ni Andrea sa audience gallery na may hawak na T-shirts na may tatak na "YES" at "No."

Dumagundong ang malakas na hiyawan sa loob ng MOA Arena nang piliin at yakapin ni Andrea ang T-shirt na may tatak na "YES"—kumpirmasyon na tinatanggap niya ang alok ni Ricci na maging opisyal na ang kanilang relasyon.

Read: Ricci Rivero, pinag-"YES" si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay makailang beses nakita ng publiko na magkasama ang dalawa.

Sa vlog ni Andrea na lumabas noong October 4, 2022 ay ibinahagi nila ni Ricci ang kanilang love story.

Dito ay inamin ng aktres na siya ng gumawa ng "first move" sa pamamagitan ng pag-follow at pagmi-message sa social media account ng basketball player.

Inamin ni Andrea na hindi niya inakalang magiging boyfriend niya si Ricci dahil, "Lahat po ng red flags na nakikita ko sa isang lalaki, nasa kanya. Kasi, di ba, galing ako sa heartbreak, kailangan ko protektahan ang sarili ko.”

Pero sinagot din niya sa huli ang binata.

Read: Andrea Brillantes, Ricci Rivero open up about their love story

Noong March 26, 2023 ay "gumanti" si Andrea nang siya naman ang nag-"promposal" kay Ricci para sa Star Magical Prom.

Ginawa ito ng aktres sa tulong ng K-pop group na BLACPINK sa concert ng mga ito sa Philippine Arena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BLACKPINK helps Andrea Brillantes with her "promposal" to Ricci Rivero

Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay nauwi rin sa hiwalayan ang pag-iibigan nina Ricci at Andrea.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricci Rivero on breakup with Andrea Brillantes: "I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship."
PHOTO/S: Deneb Villanueva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results