PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto to marry in U.S.

Is Angeline Quinto ready to give up her career for her family?
by Jojo Gabinete
Published Jun 10, 2023
angeline quinto family
Angeline Quinto on having a family of her own: “Yung mga naririnig ko dati na, 'Naku, magbabago talaga ang buhay mo, mas magiging masaya ka,' lahat ‘yon, talagang nararanasan ko ngayon. Yung pagbabago, masasabi ko na parang mas natuto akong ingatan ang sarili ko kasi, halimbawa, magkakasakit ako, ang hirap, hindi ko malapitan yung anak ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @loveangelinequinto on Instagram

Ibinahagi ni Angeline Quinto na may plano sila noon ng kanyang fiancé na si Nonrev Daquino na magpakasal sa Amerika dahil ito ang kagustuhan ng magiging biyenan niya, pero hindi natuloy dahil maliit pa ang kanilang anak na si Sylvio.

Read: Angeline Quinto asked if she secretly married Nonrev Daquina

“Medyo nagkaproblema. Hindi natuloy kasi hindi ko pa puwedeng isama si Sylvio sa U.S.,” sabi ni Angeline nang makapanayam siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa grand opening ng jewelry store na LVNA by Drake Dustin sa Shangri-La Mall, Huwebes ng gabi, June 8, 2023.

Handang-handa na raw si Angeline magpakasal sa ama ng kanyang anak.

“Oo naman. Opo, gusto ko [nang magpakasal], kahit sinong babae, di ba?

"E, ako naman, nakikita ko na yung next na mangyayari sa buhay ko. Pero lagi naming pinag-uusapan ni Nonrev na ayaw naming madaliin kasi ang dami ko rin po talagang trabaho ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi kong sinasabi before na ayokong sayangin yung pagkakataon kasi napakatagal kong inantay yung ganito na dreams ko.

"Hanggang nangyayari siya sa buhay ko, gusto kong i-enjoy lang para rin sa anak namin.”

Read: Angeline Quinto admits saying "I love you" first to Nonrev Daquina

WILL ANGELINE GIVE UP HER CAREER FOR HER FAMILY?

Bahagyang napaisip si Angeline nang itanong ng PEP.ph kung magagawa ba niyang talikuran ang showbiz career, alang-alang sa kanyang pamilya?

“Ahhhh… hindi ko alam. Siguro hindi pa ngayon. Siguro kapag talagang settled na po.

“Saka nakikita ko ngayon na hindi ko kayang talikuran ang singing. Alam naman na, unang-unang, mahal ko ito at yan ang nagbigay ng magandang buhay sa amin ng pamilya ko.

"So, hanggang kaya kong kumanta, kakanta ako,” sagot ni Angeline.

Dahil mga nagkikislapang alahas ng LVNA ang nasa paligid niya habang kinakausap siya ng entertg ainment press, tinanong si Angeline kung mahalaga ba sa kanyang mamahaling singsing ang matatanggap niya mula kay Nonrev.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya, “Hindi kasi importante sa akin yung laki ng bato. Ang importante sa akin, nag-propose siya.

“Ibig sabihin, talagang mahal niya ako. Bonus na lang kung malaki yung bato.

"Pero for me po, as long as lumuhod sa harap mo, hiningi yung matamis mong oo, yun na yon.”

CHANGES IN ANGELINE'S LIFE

Nagugulat si Angeline sa maraming pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay mula nang isilang niya ang anak na si Sylvio noong April 27, 2022.

Pero napatunayan ng 33-year-old singer-actress na totoo ang sinasabi ng ibang mga tao na mas lalong magiging masaya siya.

“Yung mga naririnig ko dati na, 'Naku, magbabago talaga ang buhay mo, mas magiging masaya ka,' lahat ‘yon, talagang nararanasan ko ngayon.

“Yung pagbabago, masasabi ko na parang mas natuto akong ingatan ang sarili ko kasi, halimbawa, magkakasakit ako, ang hirap, hindi ko malapitan yung anak ko.

"E, ayoko nang ganoon kasi sa totoo lang po, ako yung pinaka-hands on sa kanya saka malapit siya sa akin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“For me, ang laking bagay na nagkaroon ako ng baby. Ang dami kong na-realize para sa sarili ko po.

“Saka yung paglabas-labas, barkada, medyo natigil na talaga. Naiisip ko nga minsan yung mga kaibigan ko, nakikita ko sa labas, sa mga bar.

“Hindi naman ako naiinggit pero iba na yung priority ko ngayon. Mas naging mahalaga sa akin ang oras,” sabi ni Angeline.

Read: Angeline Quinto, gustong kasama ang anak at partner kahit sa trabaho

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto on having a family of her own: “Yung mga naririnig ko dati na, 'Naku, magbabago talaga ang buhay mo, mas magiging masaya ka,' lahat ‘yon, talagang nararanasan ko ngayon. Yung pagbabago, masasabi ko na parang mas natuto akong ingatan ang sarili ko kasi, halimbawa, magkakasakit ako, ang hirap, hindi ko malapitan yung anak ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @loveangelinequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results