PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ana Jalandoni seeks counseling for "overthinking" past trauma

Ana Jalandoni shares experience seeing ghosts in her house.
by Rommel Gonzales
Published Jun 16, 2023
Ana Jalandoni
Ana Jalandoni on her current state of mind: "Kasi hindi naman ako perfect. So, sometimes na nag-o-overthink ako, sa mga past na nangyari sa akin, so iyon."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Sa usapang mental health, nag-update si Ana Jalandoni na "okay naman" siya ngayon. Pero inamin niyang nagpapa-counseling pa rin siya once in a while.

Hindi kaila ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Ana nang saklolohan siya ng awtoridad matapos ng pananakit sa kanya ng nobyo niyang si Kit Thompson noong March 2022

"Sa health ko naman po, okay naman po pati mental health ko," sabi ni Ana.

"Sa pag-iisip ko, okay naman lahat. And then continue pa din, sometimes nakikipag-usap ako sa mga counselor ko pagka…

"Kasi hindi naman ako perfect. So, sometimes na nag-o-overthink ako, sa mga past na nangyari sa akin, so iyon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ana noong June 10, 2023, Sabado, sa mediacon ng The Revelation sa Rafael’s Tapas Bar sa Newport World Resorts sa Pasay City.

Nang diretsahang tanungin sa lumabas na balitang nagkabalikan sila ni Kit Thompson, itinanggi ito ni Ana.

"Hindi po," maiksing sagot ni Ana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Ana Jalandoni, may malalim na dahilan sa pagtangging nagkabalikan sila ni Kit Thompson

In love ba siya ngayon?

Sagot uli niya, "Hindi po."

Single raw siya.

Sabay sabi niya, "Opo! Opo, masaya po ako."

Masaya ba ang puso niya? Ano ang kulay ng puso niya ngayon?

“White!” ang tumatawang sagot ni Ana. "White… meaning peace!"

Abala raw siya sa trabaho at dito raw nakatutok ang kanyang atensiyon.

Paliwanag niya, "Especially nga po ngayon, nagko-continue yung sitcom ko sa GMA, which is kasama ko doon sina John Lloyd, sina Arra San Agustin. So, work po muna ako ngayon and then business din.”

Regular cast member si Ana sa Happy ToGetHer, ang blocktimer sitcom na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at umeere sa GMA-7.

Bukod sa pag-aartista ay nagpo-produce rin ng mga pelikula si Ana.

"Ayun, kung walang work nagbabakasyon ako."

ANA'S GHOST EXPERIENCE

Tungkol sa multo at "multo ng nakaraan" ang pelikulang The Revelation na tinatampukan ni Ana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ng PEP.ph kung nakakita na ba siya ng multo sa tunay na buhay.

"Opo! Sa bahay ko mismo, sa Cavite. Meron, guy," sagot ng 32-year-old sexy star.

Maraming beses daw nagpakita kay Ana ang lalaking multo.

Aniya, "Umalis lang siya noong… Nawala lang siya nung nagpa-bless ako [ng bahay] ng tatlong beses.

"Meron pang bata, nakikita kapag madaling-araw. Second floor na may bata naglalaro sa hagdanan. Nawala na rin."

Hindi na raw inalam ni Ana kung sino o ano ang background ng mga multong nakita niya sa kanyang bahay.

Hanggang ngayon ay doon pa rin nakatira si Ana, pero wala na raw nagpaparamdam uli sa kanyang multo.

Patuloy niya, "Dati kasi bungalow siya. Pinagiba ko, nilagyan ng second floor, so hindi ko masasabi kung anong nangyari doon.”

ON HER NEW MOVIE

May twist sa kuwento ng The Revelation kung totong multo nga ba ang nakikita ng karakter ni Ana o bunga lamang ang lahat ng mental anxiety at depression ng mga karakter sa pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kate Javier, Vin Abrenica, Ana Jalandoni, and Ray An Dulay

Bukod kay Ana, na gaganap bilang si Gwen, bida sa The Revelation sina Aljur Abrenica (bilang Lance), Vin Abrenica (bilang Vincent), at Jelai Andres (bilang Alex).

Ang The Revelation ay mula sa panulat ni Joyzel Dulay at sa direksiyon ni Ray An Dulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula ito sa House of Prime Films at Hand Held Entertainment Productions ni Kate Javier at ipapalabas sa mga sinehan ngayong June 21.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Jalandoni on her current state of mind: "Kasi hindi naman ako perfect. So, sometimes na nag-o-overthink ako, sa mga past na nangyari sa akin, so iyon."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results