Pumanaw na ang '90s heartthrob na si Patrick Guzman.
Inaasahang maglalabas ng opisyal na pahayag at mga detalye tungkol sa funeral arrangements para sa aktor ang kanyang naulilang pamilya, ayon kay Tess Cusipag, ang editor at publisher ng Balita Media Inc. sa Toronto, Ontario, Canada.
Sa Canada na nakatira ang Filipino-Canadian na si Patrick.
Read: Canada's Papa P--Patrick Guzman, may career pa sa Canada
Sa pakikipag-usap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Tess, sinabi niyang atake sa puso ang ikinamatay ni Patrick noong Huwebes, June 15, 2023 (Toronto time).
“Wala pa so far,” sagot ni Tess nang tanungin tungkol sa opisyal na pahayag ng pamilya ni Patrick.
“I found out his wife was on vacation and just arrived so maybe tomorrow, magkakaroon ng funeral arrangements.
“Patrick’s wife name is Liezel and they have a 15-year-old son. They had their house renovated and they’re supposed to have a house warming on the June 23.”
Si Tess ang isa sa mga unang nakiramay sa pagpanaw ni Patrick sa pamamagitan ng kanyang Facebook post.
Mensahe niya para sa pumanaw na aktor, “Another beautiful soul has gone beyond. A dear friend, a former famous actor in the Philippines, Patrick Guzman.
“You are now at peace and may it comfort the family and relatives that others care and deeply sympathized.”
Nagpahatid na rin ng pakikiramay sa pamilya na naiwanan ni Patrick ang singer-actor na si Ogie Alcasid.
Nagkasama sina Patrick at Ogie noon sa mga pelikula ng OctoArts Films gaya ng Mama’s Boys 2: Let’s Go Na at Manolo en Michelle: Hapi Together.
Kalakip ang black-and-white photo nila nina Patrick, Michael V., at Anjo Yllana, ito ang caption ni Ogie sa kanyang Instagram post ngayong June 17: “So shocked and sad that you have gone to heaven so suddenly.
"Rest now brother. I will always remember the wonderful times we had while filming so many movies together. Be with Jesus."
Pagkabigla rin ang naramdaman ng aktres, acting coach, at direktor na si Beverly Vergel sa paglisan ni Patrick na kapwa niya naninirahan sa Canada.
“Patrick is a fellow Canadian and was my actor in the 3rd movie that I directed here in Canada. It’s titled 'BROmance The Movie' (2019) led by Patrick Guzman.
“It’s 100 percent made by Filipino-Canadians, shot in Canada. The film was the first Filipino film subtitled in English, that enjoyed a double-premiere at Cineplex, Yorkdale Mall. It’s a high-end mall in Canada,” ang kuwento ni Beverly sa PEP.ph tungkol sa pagsasama nila ni Patrick sa isang proyekto noong 2019.

Patrick Guzman and Beverly Vergel
Noong March 2019, sinorpresa ni Beverly si Sharon Cuneta sa concert nito sa Toronto dahil isinama niya si Patrick, na nakasama ng Megastar sa mga pelikulang Una Kang Naging Akin (1991), Ikaw (1993), at Kung Ako Na Lang Sana (2003).

Patrick Guzman and Sharon Cuneta
Pagbinigay-pugay pa ni Beverly kay Patrick, “To a brother, fellow actor and friend. You are one of the kindest, most sincere, gentlest of souls of a gentleman.
“You deserve all the superlatives and more. You were an angel walking on earth. I’m sure all who know you will be so sad that you’re back in heaven joining your league of angels because a man like you is so rare.”
Nag-umpisa ang showbiz career ni Parick nang mapansin siya sa Swatch television commercial. Mula noon, nagkasunud-sunod na ang TV at movie appearances ni Patrick.
Naging guest co-host siya ni Vilma Santos sa musical variety show na VIP at gumawa ng maraming pelikula noong dekada '90 hanggang early 2000, bago siya nagpasyang bumalik at manirahan nang permanente sa Canada para bumuo ng sariling pamilya.
Ang BroMance The Movie ang huling pelikulang ginawa ni Patrick.
