PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cesar Montano's Daughters' Father's Day Wishes

It's a Happy Father's Day indeed for the award-winning actor.
by Bong Godinez
Published Jun 18, 2023
Cesar Montano
Actor Cesar Montano's three lovely daughters (Angelina Isabelle, Samantha Angeline, and Angel Francheska) with Sunshine Cruz posted their Father's Day greetings on their respective social media pages.
PHOTO/S: Cesar Montano (Instagram)

Tila tuluy-tuloy na talaga ang pagbuti ng relasyon ng aktor na si Cesar Montano sa kanyang mga anak sa dating misis na si Sunshine Cruz.

Sa okasyon ng Father's Day ngayong araw, June 18, 2023, pinadaan sa social media nina Angelina Isabele, Samantha Angeline, at Angel Francheska ang kanilang pagbati sa ama.

"Happy Father's Day to this No. 1 prankster! We love you," post ni Angelina Isabele.

Kaakibat ng kanyang post ang mga lumang larawan nung sila ay maliliit pa ng kanyang mga kapatid at kasama si Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman nagpahuli si Samantha Angeline na nag-post din ng mga pictures na nagpapakita ng kulitan nilang magkakapatid at ng ama.

Pagbati ni Samantha Angeline, "Happy Father's Day to our goofy dad! We love you so much daddy @cesarbuboymontano. Enjoy this collection of throwbacks."

Nag-post din ang bunso sa magkakapatid na si Angel Francheska, at may caption ito na, "Happy Fathers Day twin. I love you so much! See you later alligator."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GOING STRONG

Maraming nagulat at natuwa nang mabalitaan na naging maayos na ang pakikitungo nina Sunshine at Cesar sa isa't isa matapos ang mapait nilang hiwalayan.

Ikinasal sina Sunshine at Cesar nung 2000 at naghiwalay nung 2013 matapos magpasa sa korte ng petisyon ang una para mapawalang bisa ang kanilang kasal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inakusahan ni Sunshine si Cesar ng pambababae at "emotional abuse."

September 18, 2018, nang ibaba ng korte ang desisyon na ipawalang-bisa ang kasal ng dalawa.

Sa pagsisimula ng 2023 ay masayang ibinahagi ni Sunshine sa social media na naging maayos na ang relasyon nila ni Cesar at ng kanilang mga anak.

Tinapos nila ang taong 2022 na magkakasama sa Bohol, ang hometown ni Cesar.

“Cesar and Kath, thanks for hosting tonight’s dinner. The girls and I had a wonderful time chatting and catching up with all of you," saad ni Sunshine sa post niya sa Instagram.

Ang Kath na tinutukoy ni Sunshine ay si Kath Angeles, ang kasalukuyang karelasyon ni Cesar.

“We’ve missed bohol and masaya kami na nakasama namin kayo dito sa New Year celebration. Happy to see my dive instructor Holger Horn too! Once again, Happy New Year everyone from our family to yours. #newyear2023."

Bago pa nangyari yun ay nagpahiwatig na rin si Sunshine sa magandang takbo ng relasyon nilang mag-iina kay Cesar at sa pamilya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung September 2022 ay nag-post si Sunshine ng larawan na kuha sa ika-21 kaaraawan ni Angelina kung saan ay bakas ang saya sa kanilang mga mukha.

Read: Sunshine Cruz thanks everyone for appreciating her “blended” family: “Oras na kalimutan ang past.”

Umani ng positibong reaksyon at komento ang larawan, dahilan para magpasalamat si Sunshine sa mga netizens.

“Masayang masaya especially ang mga bata and their happiness is my happiness. Dumating na sa amin ang oras na kalimutan ang past, move forward and to have a better relationship," sambit ng aktres.

“We are family afterall. Sabi ko nga ‘in God’s perfect time’. I prayed and I believed that this will eventually happen and it was given to me and my family."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Cesar Montano's three lovely daughters (Angelina Isabelle, Samantha Angeline, and Angel Francheska) with Sunshine Cruz posted their Father's Day greetings on their respective social media pages.
PHOTO/S: Cesar Montano (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results