Naglabas na ng official statement ang pamilya ni Patrick Guzman ukol sa biglaang pagpanaw ng Filipino-Canadian actor nitong nakaraang June 15, 2023 (petsa sa Ontario, Canada).
Siya ay binawian ng buhay dahil sa atake sa puso sa edad na 56.
Read: '90s heartthrob Patrick Guzman dies
Sa Instagram ngayong Lunes, June 19, 2023, ibinahagi ng aktres, acting coach, at direktor na si Beverly Vergel ang post ng asawa ni Patrick na si Liezle Guzman ukol sa kanilang nararamdaman sa pagpanaw ng dating aktor.
Kalakip din dito ang mga detalye sa burol at cremation ng mga labi ni Patrick.
Nakasaad sa statement: “It is with great sadness that we announce the sudden and unexpected passing of Patrick Guzman on June 15, 2023 in his 56th year.
“Deeply missed by his devoted wife Liezle, and his loving children Aiden, Aerielle, and JAM.
“Patrick is survived by his mother Jesusa, siblings Theresa (Dave), Beuna, Christine (Scott), and Michael. Predeceased by his father Carlos Guzman (1999).
“Patrick will be dearly missed by his many nieces and nephews: Carlos (Jackie), AJ (Emma), Matthew, Taryn, and Lauren; and will be missed by his in-laws, cousins, extended family and friends.”
Sa Huwebes ay tatanggap ang pamilya ni Patrick ng mga kamag-anak at kaibigan na nais makiramay sa Ontario, Canada.
Sa Canada na nakatira si Patrick.
Iki-cremate ang kanyang mga labi sa darating na Sabado, June 24, 2023.
Dagdag pa sa pahayag, "The family will receive family and friends on Thursday, June 22, 2023 and Friday, June 23, 2023 from 2:00pm-4:00pm and 6:00pm-9:00pm.
“A Funeral Mass will be held at Ward Funeral Home, 52 Main Street South, Brampton, at 10:30am on Saturday, June 24, 2023. Cremation to take place.
“Forever in our hearts.”

View this post on Instagram
Nag-umpisa ang showbiz career ni Parick nang mapansin siya sa Swatch television commercial. Mula noon, nagkasunud-sunod na ang TV at movie appearances ni Patrick.
Gumawa siya ng maraming pelikula noong dekada '90 hanggang early 2000, bago siya nagpasyang bumalik at manirahan nang permanente sa Canada para bumuo ng sariling pamilya.
Read: Dale Villar recalls the time he and Patrick Guzman were "bulol Tagalog boys"
