PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juan Carlos Galano hones his acting skills in Virgin Labfest play 'O'

Juan Carlos: "Doon ko nakikita kung ano yung mga pagkukulang ko pa as an actor."
by Jerry Olea
Published Jun 19, 2023
juan carlos galano virgin labfest
Juan Carlos Galano on challenges of doing a straight play: “Doon ko nakikita kung ano yung mga pagkukulang ko pa as an actor. And what I need to improve on in terms of stage reading and how I can service the audience... yung stage presence ko, andun na, e. Yung charismatic presence ko daw. Pero in terms of yung technicalities of the stage, andami ko pa palang dapat i-improve as an actor.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Virgin Labfest

Humihiyaw sa paghalinghing sina Oliver (Juan Carlos Galano) at Astrid (Aryn Cristoba) sa pag-uumpisa ng dulang O, na kabilang sa tatlong palabas na nasa Set A: Adulting 101 ng Virgin Lab Fest 18: Hitik.

Sa eksena ay nagniniig sina Oliver at Astrid, at paiba-iba sila ng posisyon. Umabot sa sukdulan si Oliver, pero si Astrid ay bitin. Nagpasya si Astrid na makipag-break sa fiance. Himutok ni Astrid kay Oliver, “Never akong nagka-orgasm na yo!”

Almost sold out ang 8:00 p.m. show ng Set A ng VLF18 noong Hunyo 17, Sabado, sa Tanghalang Ignacio Gimenez (TIG), o CCP Black Box Theatre. Ang O ay idinirek ni Missy Maramara, mula sa panulat ni Raymund Barcelon.

Kasama ng O sa Set A ang mga dulang 10 To Midnight at Regine: The Fairy Gaymother. Matutunghayan pa ang Set A ng VLF18 sa Hunyo 22, Huwebes ng 8:00 pm, at sa Hunyo 23, Biyernes ng 2:00 p.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

o virgin labfest

CHARISMATIC PRESENCE

Musmos pa si Juan Carlos nang unang lumabas sa isang dula sa Saipan. Sa pagkakatanda niya ay walong taong gulang siya noon.

Isa siya sa tatlong gumanap na Dodong sa ZsaZsa Zaturnah The Musical Yun Lang! na itinanghal noong Marso 17-Abril 2 sa Arete, Ateneo de Manila University, Quezon City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong Hunyo ay heto naman siya sa Virgin Labfest ng CCP. Kumusta ang experience niya rito?

“Liberating saka challenging for sure,” tugon ni Juan Carlos sa parking area ng TIG bago ang pagtatanghal nila noong Sabado night.

“Kasi siyempre, in terms of sa text, sa script, ang difference kasi dito sa straight play, siyempre bilang linya lahat, linyahan lahat from straight to finish…

“So, very text-heavy and we always have to go back to the script and break it down kung ano yung objectives kada scene, kada line.

“So, anong objective ko for my scene partner? How do I want to make her feel in terms of my lines.”

One-act play ang O, at silang dalawa lang ni Astrid ang gumanap. Sa ZsaZsa Zaturnah musical ay marami ang cast members. Kaya sadyang mapaghamon ang O para kay Juan Carlos.

“Doon ko nakikita kung ano yung mga pagkukulang ko pa as an actor,” pagtatapat ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And what I need to improve on in terms of stage reading and how I can service the audience.

“In terms of exploring the space also, commanding the stage. Yun, kailangan kong makuha talaga.

“And for this run, kumbaga yung stage presence ko, andun na, e. Yung charismatic presence ko daw.

“Pero in terms of yung technicalities of the stage, andami ko pa palang dapat i-improve as an actor.”

Read: Virgin Labfest King & Queen Chrome Cosio and Skyzx Labastilla featured in 'Mga Halimaw Rin Kami'

SHORT AND SWEET

Katatapos lang niya ng ZsaZsa Zaturnah musical noong Abril. Bakit lumahok siya sa panibagong dula?

Napangiti si Juan Carlos, “Well siyempre yung nauna kasi, musical. Ito namang O, ang run namin, six shows lang. So, parang ZsaZsa Zaturnah lang din naman.

“So very short and sweet lang naman din yung play. Kaya hindi naman siya ganun kalaking commitment as compared to ZsaZsa before.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Juan Carlos Galano grateful for opportunity to play lead in Zsazsa Zaturnnah musical

Naka-attract din ba sa kanya na ang VLF ay pang-CCP?

Mabilis na sagot ni Juan Carlos, “Yeah, of course, definitely! Kasi nung run ng ZsaZsa, nag-Theater Circuit ako nun.

“Nanood ako ng different plays na puwede kong mapagkunan ng input. And ayun, para ma-hone ko yung craft ko as an actor siyempre.

“So I watched Uncle Jane. So it’s an English straight play. And then another would be Ang Pag-uusig dito sa CCP, Tanghalang Ignacio Gimenez.

“So nung napanood ko nga yung Pag-uusig, na-inspire ako. Sabi ko sa sarili ko, ‘Makakapag-perform din kaya ako dito?’

“Hindi ko pa nga alam noon na dito ang performance ng VLF, e.

“Nung narinig ko yung VLF, grinab ko na talaga ang chance. Kasi, once in a lifetime din lang naman halos ito. For me, I think.

“Kumbaga, sino ba naman ako, di ba? Na kukunin nila as an actor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong Uncle Jane ay adaptation ng Russian classic play ni Anton Chekhov na Uncle Vanya (1898), samantalang iyong Ang Pag-uusig ay Filipino translation ng dula ni Arthur Miller na The Crucible (1953).

Read: Joel Saracho delivers top-notch performance in Virgin Labfest's 'Dominador Gonzales: National Artist'

FREE EDUCATION

Na-enjoy ni Juan Carlos ang Virgin Labfest, kahit maliit ang talent fee niya rito.

“Honestly, kaya kinuha ko rin itong play na ito, because andun na yung mga mentors, e. Makakasalamuha ko rin,” pagmamatuwid ni Juan Carlos.

“And madami silang mabibigay na inputs, for sure. Sina Sir Rody Vera, Sir Marco Viaña, and si Miss Tess Jamias ng Tanghalang Pilipino.

“Sila nga yung nag-critique ng plays namin. Andaming mga inputs na makukuha talaga from them.

“And sabi ko, sayang ang libreng education. Siyempre bilang hindi naman ako galing dito. Kumbaga ang background ko, hindi naman theater arts.

“Ang background ko, medical field. So, ang laki ng disadvantage ko, and kailangang maghabol ako talaga ng skill, and yung knowledge din talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So I really had to do my due diligence for this.”

Nag-audition ba siya para sa O? O handpicked siya for the role?

“Ahhmm, well, nag-read kami for the part. May iba pang nag-read for the part. And then ang nangyari, yung pairing namin ni Aryn…” salaysay ni Juan Carlos.

“Kumbaga, nagkaroon ng schedule conflict yung ibang actors. And nagustuhan din kaming kunin for that material.

“So ayun, kami na ang napili. And then, ang ano pa dito, kasi ang Virgin Labfest is laboratory, di ba?

“New plays and everything. So kumbaga, it makes sense to get some new actors also para makita mo rin talaga kung ano yung mga kailangang i-improve on the text, and siyempre sa actor-wise.

“Kumbaga kasi, sabi ng direktor ko nga, pag magaling na aktor ang ipapalapat mo sa let’s say hilaw na materyal, hilaw na text… kaya nilang pagandahin yan, e.

“Magugulat ka na lang, gaganda talaga yung play. Eto, as in laboratory talaga na everyone’s a virgin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Juan Carlos Galano ready to "flesh out" for the right movie

SEXUAL TENSION

Naramdaman niya iyong sensual chemistry, or sexual tension sa pagitan nila ni Aryn?

Napatango si Juan Carlos, “Yeah, andun naman. Pero given that this is a sex comedy ang genre. So talagang nag-commit na rin kami with the genre na sex comedy ito.

“So, yun. Actually kaya rin ako nag-theater, para makuha ko rin yung comedic timing. Kasi, personally from my end, for my part, kulang ako sa comedic timing, e.

“Parang mas comfortable akong gumawa ng mga dramatic materials, as in yung mga mabibigat. Kasi seryoso akong tao personally.

“So, kumbaga instinctual ko na, na yun yung maibibigay ko talaga.”

First lead role niya — sa play man, TV, o pelikula — itong O sa VLF. Naramdaman niya iyong pressure?

“Sobra, sobrang pressure din. Under CCP pa, under Tanghalang Pilipino. So, nakaka-pressure talaga!”

Bench Body model si Juan Carlos, na ang unang pelikula ay ang MMFF 2021 official entry na Nelia starring Winwyn Marquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama si Juan Carlos sa cast ng pelikulang Will You Be My Ex?, na ipapalabas sa mga sinehan umpisa Hunyo 21, Miyerkules.

May dalawa pang natapos na pelikula si Juan Carlos — ang After All na bida sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, at ang Cheat Day na bida sina Alexa Miro at Derrick Monasterio.

Read: Newbie actor-model Juan Carlos Galano sends Instagram followers into panic with split-second exposure

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juan Carlos Galano on challenges of doing a straight play: “Doon ko nakikita kung ano yung mga pagkukulang ko pa as an actor. And what I need to improve on in terms of stage reading and how I can service the audience... yung stage presence ko, andun na, e. Yung charismatic presence ko daw. Pero in terms of yung technicalities of the stage, andami ko pa palang dapat i-improve as an actor.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Virgin Labfest
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results