PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Adrian Alandy on joining politics

"Gusto kong makatulong..pero not in a sense na sumali pa sa pulitika."
by Rommel Gonzales
Published Jun 24, 2023
Adrian Alandy, Magandang Dilag
Adrian Alandy admits he got an offer to run for office before, but he declined. "Gusto kong makatulong sa community, lalo na lumaki ako sa Rizal...pero not in a sense na sumali pa sa pulitika,”
PHOTO/S: adrian_alandy on Instagram

Si Adrian Alandy ay gaganap bilang si Magnus, ang salbaheng mayor sa Magandang Dilag, na bagong serye ng GMA-7.

Sa mediacon ng Magandang Dilag na ginanap sa Studio 6 ng GMA Network nitong Sabado, June 17, 2023, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Adrian kung sa tunay na buhay ba ay inambisyon niyang maging isang pulitiko.

“Naku, hindi!" bulalas ng aktor.

"Marami nang nagtanong sa akin before kung…na sumama sa pulitika, pero, well, politely, sinabi ko naman na in a way, gusto kong makatulong sa community, lalo na lumaki ako sa Rizal.

"So gusto kong makatulong sa community, pero not in a sense na sumali pa sa pulitika,” umpisang pahayag sa amin ni Adrian.

Inamin ng aktor na nagkaroon ng panahon na "very enticing" na sumali sa pulitika, pero hindi niya ito tinuloy dahil na rin sa naging advice ng kanyang mga magulang.

Paglalahad niya, “Unang-una, in-advise ng magulang ko noon na nagtanong ako sa kanila, kasi siyempre very enticing, e, lalo na nung medyo sabihin na nating matunog yung pangalan ko noon, yung mga leading roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang dun nag-start, naiimbitahan ka kung gusto mong sumali sa mga… una sa barangay, mga SK, tapos konsehal, ganun.

“Sabi ko hindi. Tinanong ko sa parents ko.

"Sa amin kasi nung nagsimula yung mga kamag-anak ko sa Rizal sa pulitika, medyo nagkakaroon ng gap pag sinong nananalo, sinong natatalo. So ayaw kong magkaroon ng ganun. Saka naguguluhan ako sa buhay ng politics, e.”

Kahit ayaw ni Adrian na sumabak sa buhay-pulitika, mayroon namang siyang mga kaibigang pulitiko, tulad nina Ejay Falcon at Jason Abalos.

“Oo, sumali na din sila sa ano, si Jason matagal niyang pinag-isipan iyan, e. Si Ejay, hindi ko ine-expect na sasali siya,” at natawa si Adrian.

Wala naman siyang inggit na nadama sa kanila, tulad kay Ejay na vice-governor na ngayon ng Oriental Mindoro.

“Wala naman. Iyon nga, pinag-uusapan namin ng asawa ko, kahit recently may mga nagyayaya pa din. Sabi ko nakakatulong naman tayo sa community, may mga charitable ano kami sa Rizal.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumasama si Adrian sa mga outreach programs sa kanilang lugar.

“Itong pandemic, hindi, pero before, nagbibigay na lang kami ng ano, yung blessing namin na natatanggap na extra. In a way, iyon ang naging pledge namin ng asawa ko, na ganun ang magiging ano namin, puwede kaming tumulong in that way.

“Lalo na ngayon nilalapitan ko yung mayor ng Taytay, sabi ko, kung merong mga community services na maaaring makasama, yung mga ganun.

“Pero not in a political… ayoko yung parang, ‘O, tatakbo iyan’, hindi, wala talaga sa ano, gusto ko lang talagang tumulong.”

Kaya hanggang sa Magandang Dilag lamang ang pagiging mayor ni Adrian.

“Oo,” ang tumatawa itong reaksiyon.

extremist role

Inilarawan naman ni Adrian bilang "extremist" ang karakter niyang si Magnus, ang salbaheng mayor sa Magandang Dilag.

“Oo, extremist ako dito. Actually, nung pinresent sa akin yung story, sobrang extremist nung character.

“Yung pagiging masama niya, sa trailer medyo light pa yun, yung pinagawa sa akin sa… pumapatay, nagpapapatay, nagpapa-torture, yung mga misdealings ng mga business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero wala namang… nakalatag lahat dun, e, yung role na pinag-aralan ko dito is yung mga ano pa, mga 1900s, mga ganun.”

Wala bang fear si Adrian na baka kamuhian siya ng mga tao dahil sa role niya? O baka may mag-react na pulitiko sa kanyang karakter?

“Hindi naman siguro. Di ba mas effective?” at tumawa ang aktor. “At least alam naman nila na ano lang ito.”

Wala siyang fear na ganoon?

“Wala naman, kasi extremist, e, hindi naman siya… parang hindi na nga tao talaga yung ginagawa ko, e. May human side siya, in a way, nung na-in love siya.”

Kapareha niya sa serye si Bianca Manalo, na gaganap bilang si Riley, asawa ng karakter ni Adrian.

“Pero meron dun sa grupo ng mga babae na ma-i-in love ako, at dun lang siya nagkaroon ng human side.”

Umiwas magbigay ng spoiiler ang aktor at sinabing “secret pa” kung sino ang babaeng ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WORKING WITH HERLENE BUDOL

Samantala, tinanong din si Adrian kung kumusta katrabaho si Herlene Budol, na siyang bida sa Magandang Dilag bilang si Gigi.

Sa mediacon kasi ng serye ay all praises ang veteran actresses na sina Sandy Andolong at Chanda Romero sa baguhang aktres.

Sabi naman ni Adrian, “Nakakatuwa, yun nga yung sinasabi kanina, hindi lang namin na-expound kasi we’re just given time para ano, pero yung sinabi ni Ms. Sandy saka ni Ms. Chanda, very authentic siya, e.

"Ano siya, hindi siya mahirap kasama dahil what you see is what you [get]...ano e, pinag-uusapan nga namin, parang si Rufa Mae [Quinto] dati, alam mo yun?

“Very open siya, kung siya yun, siya yun, wala siyang tinatago.”

Dagdag pa ng aktor, “So masarap siyang kasama! Actually kahit… nagkakabiruan kami, parehas kaming laking-Rizal, Angono siya, Taytay ako.

"So dun kami nagkaroon ng bonding, na mga Rizaleño.”

Bukod kay Herlene, bida rin sa Magandang Dilag sina Benjamin Alves at Rob Gomez bilang kanyang mga leading men na sina Eric at Jared, respectively.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast rin sina Maxine Medina bilang Blaire, Angela Alarcon bilang Allison, Muriel Lomadilla bilang Donna, Prince Clemente bilang Cyrus at Jade Tecson bilang Jadah.

Kasama nila ang mga batikang artista na sina Al Tantay bilang Joaquin, Chanda Romero bilang Sofia, at Sandy Andolong bilang Luisa.

Sa direksiyon ni Don Michael Perez, mapapanood ang Magandang Dilag simula June 26, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits.

Ang mga Global Pinoys naman ay maaaring panoorin ang programa via GMA Pinoy TV.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Adrian Alandy admits he got an offer to run for office before, but he declined. "Gusto kong makatulong sa community, lalo na lumaki ako sa Rizal...pero not in a sense na sumali pa sa pulitika,”
PHOTO/S: adrian_alandy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results