Matapos lamang ang apat na buwan mula nang ikasal sila ng mister na si Jason Abalos, nagdadalantao na ngayon si Vickie Rushton.
Sa Facebook kagabi, May 9, 2023, ibinahagi ni Vickie ang larawan ng isang pregnancy test kit at sonogram ng kanilang magiging supling.
Ayon sa dating beauty queen, sa kaarawan ni Jason noon pang January 2023 nila nalamang buntis siya.
Pero ipinaalam lamang nila sa publiko ang magandang balita sa ikaanim na buwang pagbubuntis ni Vickie.
Kasabay na rin ito ng pagdiriwang ng beauty queen ng kanyang ika-31 kaarawan nitong nakaraang May 8.
Buong caption ni Vickie, “’For this child we have prayed and the Lord has granted the desires of our hearts. 1 Samuel 1:27’
“It was your Dad’s birthday (01.14.23) when we first saw you, our little love. Time flies so fast and you’re exactly 6 months on my birthday. We can’t wait to meet you and shower you with love! [face with three hearts emoji] Jason [hearts emojis]”
Ikinasal sina Jason at Vickie sa San Antonio de Padua Parish Church sa Nasugbu, Batangas, noong September 1, 2022.
Read: Jason Abalos and Vickie Rushton are now married
Na-engage sila noong 2021 matapos ang sampung taong relasyon bilang magkasintahan.
Read: Jason Abalos reveals he has been engaged to Vickie Rushton since September 2021
