Nadadamay na umano ang kanyang mga magulang at kapatid sa isyu ng paghihiwalay nila ni Andrea Brillantes.
Ito ang dahilan kaya nagdesisyon ang aktor at basketball player na si Ricci Rivero na magsalita na sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 ngayong Lunes ng hapon, June 26.
Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
"Umabot na po sa point na yung parents ko po, nasisigawan na sa mall o sa public areas, 'Yung anak niyo, cheater!'" umpisang paliwanag ni Ricci tungkol sa pasya niyang basagin ang kanyang pananahimik.
“Kung ako kaya kong tanggapin kasi alam ko naman na hindi totoo.
"Pero kapag sa family ko, siguro it’s time to step up, and kailangan ko silang protektahan sa mga issues na meron. Ako, okay lang, pero huwag yung pamilya ko."
Ayon kay Ricci, April 2023 nang mapagkasunduan nila ni Andrea na mag-cool off, at unang linggo ng Mayo nang humantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Lahad niya, “April 2023 we took a break off from each other, tapos yung breakup was first week of May talaga.
“Marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema.
“Ang cause ng breakup, yung speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl dun sa place ko.
"Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses.
“Sinabi ko sa kanya with all the evidences I have na hindi sa akin yung girl. May papuntang friend akong midnight, tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Yun ang inabutan niya [Andrea].”
"Her" ang sagot ni Ricci nang itanong ni Boy Abunda kung sino ang kumuha ng video ng unidentified girl na pinagselosan ni Andrea at diumano’y nag-leak sa social media.
READ Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline
Naayos daw ang problema sa pagitan nina Ricci at Andrea dahil napagtanto ng actress-influencer na mali ang kanyang hinala. Kahit hiwalay na, nagkikita at nag-uusap pa rin daw sila ni Ricci.
Saad ng actor-basketball player, “Nagkikita pa rin kasi maayos talaga yung breakup namin. Naiintindihan niya. Alam niya na hindi ko ginawa yung sa breakup lamang.”
Sinagot din ni Ricci ang akusasyong ginamit lamang niya si Andrea.
“Sa akin po, kung ginamit ko po siya, marami naman pong offers yung ABS-CBN, interviews with her, shows with her. And simula po noong naging kami, never akong nag-yes.
"Kasi ayoko naman po na parang i-connect yung trabaho sa personal relationship. Sa akin, sobrang genuine lang ang lahat.
“Wala sa isip ko yung mga ganyan kasi parang minsan lang akong mag-girlfriend, bakit sa ganyang paraan ko gagawin?” sabi ni Ricci.
Muli ring pinabulaanan ni Ricci ang pag-uugnay sa kanila ni Laguna Councilor Leren Bautista. Wala raw siyang gusto rito at hindi niya ito nililigawan.