Inilantad na ni John Lloyd Cruz ang litrato nila ng nobyang si Isabel Santos.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-post sa Instagram si John Lloyd ng litrato nila ni Isabel kasama ang anak ng aktor na si Elias.
Ngayong Martes, July 27, 2023, ang ikalimang kaarawan ni Elias.
Si Elias ay anak ni John Lloyd sa ex-girlfriend na si Ellen Adarna.
Tila wacky shot ang hitsura ng aktor sa kanyang Instagram post dahil naka-super close up ang mukha niya sa litrato.

Pero kitang-kita naman sa kanyang likuran si Isabel na nakayakap kay Elias.
"Happy Birthday Anak," saad ni John Lloyd sa caption.
Sa iba pang litrato, makikita ang birthday cake at cupcakes na Sonic The Hedgehog.

May kuha rin si Elias na tumalon sa infinity swimming pool sa may tabi ng bahay.

Tila nasa rest house sila ni John Lloyd sa Batangas dahil tugma ang interior design ng bahay sa bahay ni John Lloyd sa lugar.
Read: Katrina Halili seen at John Lloyd Cruz's Batangas rest house; netizens ask: are they an item?
Noon lamang June 13, namataan namang kasama si John Lloyd sa family celebration ni Isabel ng kaarawan ng girlfriend. Naroon din noon ang anak ni John Lloyd na si Elias.
Read: John Lloyd Cruz seen with girlfriend Isabel Santos's family
