PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricci Rivero and Ex Andrea Brillantes Together

Ricci Rivero admits he did not try to win Andrea Brillantes back.
by Jojo Gabinete
Published Jun 27, 2023
ricci rivero fast talk
Ricci Rivero on speaking up about breakup with Andrea Brillantes: “Maayos kaming nag-uusap, maayos kong sinasabi sa kanya na parang, 'Wait lang, bugbog na ako. Ikaw hindi ka nagsasalita kasi lahat ng sympathy, nasa iyo...' Parang darating din siguro ako sa time na if hindi man umabot sa time na to speak up for what really happened, siguro magsasalita din ako.”
PHOTO/S: GMA Network

"There are times that we do sleep together,” sagot ni Ricci Rivero nang tanungin tungkol sa balitang nag-live-in sila ni Andrea Brillantes.

Inamin ito ni Ricci sa ikalawang bahagi ng panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes ng hapon, June 27, 2023.

Diretsahang tanong ni Boy: "Nag-live-in ba kayo ni Andrea Brillantes?"

Saad pa ng 25-year-old actor-basketball player, “From time to time we do, pero ang gusto ni Tita [Andrea's mother] is for her to go home din.

"At yun din naman ang sinasabi ko na ayoko rin na at this early age… 'Gusto ko mag-focus ka din sa industry mo, sa work mo, sa goals mo. Ako, kailangan ko rin mag-focus dun sa akin.'

"Pero there are times that we do sleep together."

Inamin ni Ricci na may oras na umuuwi siya sa bahay ni Andrea, at may panahong umuuwi ang 20-year-old actress sa tahanan ni Ricci.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasahan ni Ricci na malulungkot si Andrea dahil sa desisyon niyang sabihin ang katotohanan tungkol sa tunay na dahilan ng pagwawakas ng kanilang pagmamahalan.

Nangyari ang kanilang paghihiwalay noong unang linggo ng May 2023

Pahayag niya, “Knowing her, malulungkot. I am hoping na hindi siya magalit.

"Kasi, I am just stating naman yung side ko. Yung totoong nangyari sa side ko.

"Kasi ang naririnig lately sa ibang shows or whatsoever, yung side niya.

"Yung akin, tina-try ko talaga na hindi magsalita dahil yun naman ang usapan namin.

"I am trying talaga, pero sobra na talaga siguro para sa family ko."

Tanong ni Boy, "Did you try to win her back?"

Sagot ni Ricci, “Aaahhh… no.

"For the longest time, I was trying not to give up on the relationship, and sabi ko, for me to give up, siguro sobrang puno na."

Itinanggi ni Ricci ang social media post na sinusuyo niya si Andrea para magkabalikan sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations

RICCI SAYS SORRY TO HIS PARENTS

Labis daw nasaktan si Ricci dahil nadamay pati ang kanyang mga magulang at kapatid na nakakatanggap ng mga batikos mula sa mga taong nakikisimpatiya sa ex-girlfriend niya.

Read: Mga magulang ni Ricci Rivero, sinabihan ng "Ang anak ninyo, cheater" sa mall

Humingi rin ng paumanhin si Ricci sa kanyang pamilya at mga kaibigang nadawit sa kontrobersiya.

Mensahe niya, “Mom, Dad, my brothers, my close friends na alam niyo naman na pati kayo nadadamay.

"Ako, sobrang thankful ko for you guys kasi kayo yung nagiging matatag para sa akin, para sa ating lahat. Na puwedeng tayong pumatol. Puwede tayong magsalita if you want.

"Pero dahil sinabi ko na hindi, may usapan tayong ganito, gusto kong i-honor yung usapan natin na hindi ako magsasalita.

“Pero para sa akin, kailangan ko na rin siguro kayong protektahan. Kailangan ko nang magsalita for all of us kasi lumalaki na yung... ang dami nang nadadamay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kahit yung mga walang kasalanan, nadadamay."

Pakiusap pa ni Ricci, "So, sana naman, yung ganitong issues, especially if you guys don’t know the whole story, especially both sides, palagi kasing masama yung isang side sa story.

“So, if hindi niyo naman alam yung buong story, huwag na lang kayong magdamay ng mga labas sa isyu.”

Tanggap daw ni Ricci na marami rin siyang mga pagkukulang at pagkakamali sa kinahinatnan ng relasyon nila matapos ang isang taong relasyon.

Read: Andrea Brillantes on breakup with Ricci Rivero: "Nagmahal ako nang totoo, hindi ko yon male-let go agad-agad."

MESSAGE FOR ANDREA

Hiningan din ni Boy ng mensahe si Ricci para kay Andrea,

Ayon sa actor-basketball player, “She knows why I am speaking right now. Matagal ko nang sinasabi sa kanya.

“Maayos kaming nag-uusap, maayos kong sinasabi sa kanya na parang, 'Wait lang, bugbog na ako. Ikaw hindi ka nagsasalita kasi lahat ng sympathy, nasa iyo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okay lang, naiintindihan ko. Hindi ganoon kahirap.

"Pero sa akin, bugbog na ako, tapos tuwing makikita tayo ng tao na ganito, parang walang problema, maayos na nag-uusap. Parang darating din siguro ako sa time na if hindi man umabot sa time na to speak up for what really happened, siguro magsasalita din ako.”

Nanindigan si Ricci na wala siyang pinagsisisihan sa naging relasyon nila ni Andrea.

“Is this relationship over?” tanong sa kanya ni Boy.

“For now, yes," may katiyakang sagot ni Ricci, na isang pahiwatig na malabo nang makipagbalikan siya kay Andrea.

Samantala, in-unfollow na ni Andrea ang Instagram account ni Ricci kahapon, pagkatapos ng paglabs at pagsasalita ng actor-basktball player sa Fast Talk with Boy Abunda.

Read: Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricci Rivero on speaking up about breakup with Andrea Brillantes: “Maayos kaming nag-uusap, maayos kong sinasabi sa kanya na parang, 'Wait lang, bugbog na ako. Ikaw hindi ka nagsasalita kasi lahat ng sympathy, nasa iyo...' Parang darating din siguro ako sa time na if hindi man umabot sa time na to speak up for what really happened, siguro magsasalita din ako.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results