Engaged na ang dating child actress na si Angeli Gonzales sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Sa Instagram kahapon, June 26, 2023, ibinahagi ni Angeli ang larawan kasama ang fiancé habang ipinapakita ang suot niyang engagement ring.
Mababasa sa kanyang post (published as is), "Still on a high. This almost didn't happen because I got grumpy (post toxic duty - hence the eyebags) and didn't want to leave my bed [laugh in tears emoji].
"Thank you for all the congratulatory greetings!"
Sa comments section ng post ni Angeli ay bumuhos ang pagbati ng ilan sa mga kaibigan, fans, at dating kasamahan sa showbiz.
Kabilang sa mga nagpabatid ng congratulatory messages ay sina Kristel Fulgar at Sue Ramirez.
Komento ni Kristel, "So happy for you angel!! Congrats huhu."
“Congrats po, Dra!!!" sabi naman ni Sue.
Sabi naman ng isang fan, “Parang hindi tumatanda yung childhood idol ko. CONGRATULATIONS!”
Dagdag pa ng isa, “Congratulations, my girl crush!!!! So happy for you.”
Si Angeli ay gumanap bilang April Muñoz sa dating ABS-CBN comedy series na Luv U, kung saan nakasama niya sina Miles Ocampo, Kiray Celis, CJ Navato, Igi Boy Flores, at Marco Gumabao. Umere ito sa ABS-CBN noong 2012 hanggang 2016.
Read: LUV U partners Angeli Gonzales and CJ Navato gain more fans
Bukod sa Luv U, ilan pa sa mga naging proyekto ni Angeli sa Kapamilya network ay ang Home Along Da Riles, Palos, at Got To Believe.
Read: Angeli Gonzales recalls lessons she learned from the late Comedy King Dolphy
Iniwan ni Angeli ang mundo ng showbiz nang mag-aral siya ng medisina.
Noong 2020, masaya niyang ibinalita sa kanyang mga tagahanga na siya'y isa nang lisensyadong doktor matapos makapasa sa Physician Licensure Examination.
