Marami ang pumuri at nagagandahan sa bagong look ni Xyriel Manabat pagkatapos sumailalim sa rhinoplasty procedure o pagpapaayos ng ilong.
Read: Here's how much it costs to achieve Xyriel Manabat's beauty transformation
Nag-iba rin ang dating ng ganda ni Xyriel matapos niyang patabasan ang kanyang ilong.


Pero may mga tao talagang magaling pumuna sa iba. Sinagot ni Xyriel ang ilan sa mga ito.
Komento ng isang netizen, “Eyelids, rhino?, lip fillers. Jaw reduction? Ang ganda ng gawa”
Tugon ni Xyriel, “nose lang po”

May isa namang nagkomento na binura rin agad ang post. Pero mababasa pa rin dito ang sagot ni Xyriel.
Ayon sa Kapamilya actress, hindi niya itinatagong may ipinagawa siya sa kanyang mukha.
Aniya, “hi whats the point of denying po? Its something to be proud of... im being honest and transparent. Ofc whole po magbabago kasi nasa center po ng face ang nose and may madadamay at maapektuhan po talga na part ng face kaya magbabago po talaga whole face... cmmnsnse come on”

Sabi naman ng isang netizen, “masabi lang na honest nose lang daw. takpan mo ung nose. iba na ung mata. iba na din ung labi. pati mukha naging manipis. tapos nose lang daw. [laughing emojis]”
Ipinaliwanag ni Xyriel kung bakit tila naninibago sila sa kanyang mukha.
Aniya, “hi po im trying to improve how i apply my makeup so its possible po na manibago talaga kayo sa face ko but thats just how cosmetic/makeups work also im learning my facial features so i can apply the right type of makeup but im still experimenting po soooo in short make up ho yan kaya ho nagbago HAHAHAHHAHA but thanks for making this much time to notice my before and after pics and facial features”

Sinabi rin ni Xyriel na maglalabas siya ng kanyang “rhino journey” sa mga susunod na araw.

