PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xyriel Manabat on having big breasts

Xyriel on detractors: "I'm so much more than my appearance..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 23, 2023
Xyriel Manabat shares struggles having big breast
Xyriel Manabat on people either making lewd comments or criticizing her physique: "Hindi ko naman deserve ito. Gusto ko lang namang mag-express ng suot ko, bakit ako yung mag-a-adjust, e, wala naman akong mali?"
PHOTO/S: Screengrab @Ogie Diaz YouTube

Aminado ang Kapamilya actress na si Xyriel Manabat na may kaakibat na pasakit ang pagkakaroon niya ng malaking dibdib.

Bukod daw kasi sa paghahanap ng damit ay problema rin niya ang sakit na dulot nito sa kanyang katawan.

Ito ang ibinahagi ni Xyriel nang makapanayam siya ni Ogie Diaz sa YouTube channel ng huli noong June 20, 2023.

Sabi niya, “Sa totoong buhay po, masakit sa likod.

"Totoo po yung back pain, tapos nakukuba ka po talaga, tapos ang hirap pong humanap ng matinong posisyon.

"Mahirap po talaga siya."

Pagbabahagi ng dating child actress, hindi niya masisisi ang iba kung nais nilang magkaroon ng malaking hinaharap.

"Naiintindihan ko naman po yung iba na dream nila ang ganito. Pero kasi ako po personally, sobrang attracted ko po sa mga babaeng flat-chested kasi ang ganda nila damitan."

"Kumbaga, kahit malaki, masikip kapag isinuot sa kanila ang ganda. Well, ewan ko po, yun lang po yung perspective ko."

Hindi naman daw sa inaayawan ni Xyriel ang ibinigay sa kanyang pangangatawan.

Ngunit kung pag-uusapan ang pagiging praktikal ay pipiliin niyang maging flat-chested na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Mas less wardrobe malfunction. Hindi po dahil sa attention or sa pagiging sexy ibabase, yung practicality.

"Wardrobe malfunction, body pains. Struggle po siya, e.

"Hindi ko naman po siya ikinakahiya o inaayawan, kasi yung iba talaga pinapalagay pa."

Isa rin sa nakikitang rason ni Xyriel ang kakulangan niya sa tangkad kung kaya't patuloy na napapansin ang kanyang dibdib.

Saad niya, "Feeling ko po kung mas matangkad ako, magiging proportioned po siya.

"Hindi po siya magmumukhang sobrang laki.

"Feeling ko kaya siya nagmumukhang super laki, e, super liit ko rin po kaya yun yung na-e-emphasize. Tapos ang liit din po ng iba kong features."

Sundot na tanong sa kanya ni Ogie, "Kadalasan ang nangyayari, kapag nagsimula sa pinaka child star, parang nauudlot yung height nila. Ito ba yung nangyari sa yo?"

Mabilis na sagot ng Dirty Linen star, "Feeling ko po may factor po. Feeling ko rin po genetics.

"Feeling ko rin sa lifestyle ko. Kasi hindi po ako palakain ng mga masu-sustansya na nakakatangkad, hindi po ako palatulog na nakakatangakad din po.

"Wala rin po akong exercises o sports na nakakabanat ng buto. Yung work po kasi natin grabe po ang talagang pagod.

"Pero tingin ko po genetics talaga, kasi wala po akong panghuhugutan. Both sides po ng parents ko [hindi rin mga katangkaran]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Xyriel Manabat on her showbiz hiatus: "I made sure na wala po akong ma-miss sa youth ko."

XYRIEL ON HOW SHE HANDLEs BASHERS

Simula't sapul, hindi raw naging hadlang kay Xyriel ang kakulangan niya ng height at ang pagkakaroon niya ng malaking dibdib para gawin niya ang mga gusto niya.

Lahad niya, “Para po kasi sa akin, I'm so much more than my appearance. Hindi lang ako yung silhouette or body type ko."

Read: Xyriel Manabat finally introduces non-showbiz boyfriend on Instagram

Sa katunayan, mas naaapektuhan daw siya sa hindi makatarungang trato sa kanya ng iba dahil lamang sa kanyang katawan.

"Hindi ko po iniyakan yung height at dibdib ko. Pero siguro po yung pagiging unfair ng tao sa akin just because of my body type."

Ito rin daw ang rason kung bakit hindi siya napapagod na sumagot sa mga taong kumukutya at bumabastos sa kanya.

Paliwanag si Xyriel, "Ayoko ho kasi na pinapatahimik ako kapag tama ako. Ayoko po na hindi ko napaglalaban yung sarili ko kapag alam ko na hindi ako mali.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kapag alam ko po na may karapatan akong masalita, ilalaban ko.

“Ayoko po yung iba na dyina-justify, nino-normalize, pinagtatanggol nila yung maling utak ng pagiging bastos, pagbo-body shame, ayoko po nun.

"Yun po ang kinaiiyakan ko."

Dagdag pa niya, “Kasi iniisip ko, ‘Matino naman akong tao, bakit ganun sila?’

"Hindi ko naman deserve ito, gusto ko lang namang mag-express ng suot ko, bakit ako yung mag-a-adjust, e, wala naman akong mali?

“Hindi naman po aksidente yung pagmamanyak o pangbabastos nila kasi nakokontrol yung utak.

"Yung body type ko, yung katawan ko, normal po siya.”

ON DISRESPECTFUL COMMENTS FROM NETIZENS

Noong 2020 nang simulang atakihin si Xyriel ng mga bashers dahil sa pagbabago ng kanyang katawan.

Malalaswa at below the belt ang comments ng ibang netizens, tulad ng “bold star, sobrang laki ng boobs, kamanyak-manyak.”

Read: Xyriel Manabat responds to "may hair yung armpit" comment from basher

Hindi rin ikinaila ni Xyriel na ang isyung ito ay nakaapekto sa kanyang mental state at umabot pa sa usaping legal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Maaapektuhan at maaapektuhan po ako kasi hindi lang po iyon pagko-comment o pagba-bash.

“Binabastos po nila ako and ino-objectify. Sine-sexual assault nila ako in a way. Hindi po yon dapat pinapalagpas."

Read: Xyriel Manabat opens up about going to therapy after "sexual assault" on her photos

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xyriel Manabat on people either making lewd comments or criticizing her physique: "Hindi ko naman deserve ito. Gusto ko lang namang mag-express ng suot ko, bakit ako yung mag-a-adjust, e, wala naman akong mali?"
PHOTO/S: Screengrab @Ogie Diaz YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results