Maraming netizens ang naintriga sa Instagram post ni Maureen Wroblewitz noong June 21, 2023.
Kuha niya ito at ng isang lalaking hindi kita ang mukha. Magkalapit ang kanilang mga mukha at tila hahalikan siya ng lalaki.
Sa caption, binati ni Maureen ang lalaki para sa kaarawan nito.
Sinabi rin ni Maureen na siya ang “luckiest girl in the world” dahil nakatagpo siya ng isang mabuting lalaki.
Read: Is this JK Labajo’s reaction to Maureen Wroblewitz's sweet photo with rumored new boyfriend?
Naintriga ang netizens kung sino ang espesyal na lalaking ito sa buhay ni Maureen.
Kabilang ang mga kaibigang beauty queens ni Maureen sa mga nagkomento at sinabing masaya sila para kay Maureen.
Pero dahil sa pag-uusisa ng netizens at sa mga clues na napansin sa IG account ni Maureen, natukoy ang lalaki na isa ring modelo.
Si Noah Steinbuch nga ba ang kasintahan ngayon ng former Asia’s Next Top Model winner?
Lumalabas na si Noah ay isang Filipino-American model sa U.S.
Sa recent Instagram post ni Maureen, makikita ang compilation ng photos niya nitong nakaraang June.
Sa ika-siyam na slide ay larawan ng polaroid pictures ni Maureen kasama ang isang lalaki—si Noah—para sa isang “birthday dinner.”
Lumalabas na birthday month nina Maureen at Noah ang June.
May kuhang solo pictures ang dalawa at mayroon din silang kuhang magkasama at magkadikit ang mukha.
Isang smiley emoji lang ang sagot ni Noah sa post na ito ni Maureen.
Ang isa pang nakitang clue ng netizens ay may hikaw ang hindi kitang mukha ng lalaki sa previous post ni Maureen.
May hikaw si Noah sa kanyang parehong tenga kung titingnan ang kanyang pictures sa kanyang IG account.
Sa isang Instagram post na ginawa ni Noah noong June, nagkomento si Maureen.
“Proud of you,” comment ni Maureen.
“Proud of you too bb,” sagot ni Noah.
May palitan din ng komento ang dalawa sa iba pang posts ni Noah na mga emojis gaya ng heart, o kaya ay smileys with three hearts.


