PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea spills on Ricci's girl

"Lasing sila."
by Bernie V. Franco
Published Jul 2, 2023
andrea brillantes and ricci rivero
Andrea Brillantes contradicts ex-boyfriend Ricci Rivero's statement claiming that he knew nothing of the girl that Andrea saw at his pad, and that Andrea's allegations are mere "speculation."
PHOTO/S: @blythe on Instagram / YouTube (GMA Network)

Kinontra ni Andrea Brillantes ang mga naging pahayag ng dating boyfriend na si Ricci Rivero kaugnay ng kanilang paghihiwalay.

Katuwiran ni Andrea, may mga detalyeng hindi sinabi ni Ricci ukol sa dahilan ng kanilang breakup nang mag-guest ang huli sa Fast Talk with Boy Abunda noong June 26, 2023.

Nag-viral ang isang video ng babaeng nakatapis ng tuwalya sa condo unit umano ni Ricci.

Si Andrea umano ang kumuha at nagpakalat ng video.

Ang babae rin daw na ito ang naging dahilan ng pag-aaway nina Ricci at Andrea.

Sa interview ni Boy, sinabi ni Ricci na ang “speculation” na may nakitang babae sa kanyang pad ang cause ng breakup nila ni Andrea.

"Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses. Sinabi ko sa kanya, with all the evidences I have, na hindi sa akin yung girl,” sabi ni Ricci.

Read: Kampo ni Ricci Rivero, may hinala kung sino ang nag-leak ng video ng babaeng nasa condo unit ng basketball player

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Ricci, may kaibigan siyang pupunta sa kanyang lugar at hindi niya alam na may kasama palang babae ang kaibigan niyang ito, at iyon daw ang naabutan ni Andrea.

Pero iba naman ang ikinuwento ng disc jockey na si DJ Jhai Ho ukol sa panig ni Andrea.

Sa online show na Marites University, sinabi ni DJ Jhai Ho na inusisa niya ang malapit na kaibigang si Andrea kung totoo ba ang mga pahayag ni Ricci sa interview ni Boy.

Sagot daw ni Andre via message: “LOL. Nakalimutan niya atang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl.”

Message pa raw ni Andrea: “Hubad sa kwarto niya.

“Tulog siya, di daw nila alam ang nanyari. Lasing sila.

“Hindi niya [Ricci] minention. Madami pa siyang hindi minention.”

Ayon kay DJ Jhai Ho, naging malapit sila ni Andrea nang magkatrabaho sila sa ABS-CBN teleserye na Pangako Sa ‘Yo noong 2015-2016.

June 12, 2023 nang iulat sa Cabinet Files na nakipaghiwalay si Andrea kay Ricci dahil sa selos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrea Brillantes, nakipag-break kay Ricci Rivero dahil sa selos

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes contradicts ex-boyfriend Ricci Rivero's statement claiming that he knew nothing of the girl that Andrea saw at his pad, and that Andrea's allegations are mere "speculation."
PHOTO/S: @blythe on Instagram / YouTube (GMA Network)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results