Selos ang dahilan ng paghihiwalay nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes, ayon sa isang malapit na kaibigan ng 20-year-old actress.
READ Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
Normal sa mga taong nagmamahal ang magselos kaya hindi masisisi si Andrea.
Bukod sa bata pa ito, tila nakakundisyon na ang kanyang isip na basta basketball player, manloloko, gaya nang inilahad niya sa isang vlog na muling lumitaw matapos na isapubliko ni Ricci ang pagwawakas ng kanilang relasyon.
READ Andrea Brillantes, Ricci Rivero open up about their love story
Bahagi umano ng pagiging selosa ni Andrea na ayaw nitong may ibang babaeng sinusubaybayan si Ricci sa social media.
Diumano, si Andrea ang unang nakipaghiwalay at ikinagulat niyang tinanggap ni Ricci ang kanyang hamon. Pero siya umano ang may gustong huwag ipaalam sa mga taong hiwalay na sila.
Hindi pa nagsasalita si Andrea tungkol sa naganap na hiwalayan, pero may mga naniniwala na mahal na mahal pa rin niya ang kanyang 25-year-old ex-boyfriend kaya may posibilidad na makipagbalikan siya.
Hanggang ngayon, hindi pa binubura ni Andrea ang mga video at larawan ng maliligayang araw nila ni Ricci sa kanyang Instagram account.
READ Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline
Sinusubaybayan pa rin ni Andrea ang Instagram page ni Ricci.
Ganito rin ang kanyang ex-boyfriend na hindi pa nagbubura ng kanilang mga larawan at patuloy na sinusubaybayan ang Instagram account ng dating girlfriend.
Sa kanyang pahayag ay may pahiwatig si Ricci na handa siyang maging kaibigan si Andrea kahit tapos na ang kanilang romantic relationship, na puwedeng manumbalik kung talagang mangingibabaw ang kanilang pagmamahalan at bibigyan nila ng pangalawang pagkakataon ang isa’t isa.