Hindi nakikita ni Carla Abellana, 37, ang sariling magpakasal muli sa oras na ma-annul ang kasal nila ng estranged husband na si Tom Rodriguez, 35.
"Ayoko nang mag-asawa, nabanggit ko na yan. Ayoko na, sa totoo lang," pahayag ni Carla sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters.
Walang halong bitterness sa boses ni Carla, at ganado pa sa pakikipagkuwentuhan sa press.
Pero hindi naman daw niya pipigilan ang sariling magmahal muli kung dumating ang panahong mangyari iyon.
Paliwanag niya, "Pero sa buhay, tingnan ninyo na lang, nothing is certain. Sinasabi nating ayaw o gusto natin, pero may mga bagay na nangyayari na hindi natin inaasahan.
"Di ko siya pipilitin, di ko siya hahanapin, pero kung dumating, welcome siya sa akin
"Ayoko din namang magmatigas, ayoko din naman nun."
Sabay sabi ulit ni Carla, "Pero sa ngayon, sarado na siya, pati pinto, pati windows, pati bakod sarado."
Hindi rin daw siya nakikipag-date ngayon.
"Oh my god! Hindi! Kasi I have a lot on my plate, yung aking bahay...
"Of course, yung career ko, parang gusto kong ibuhos lahat ng attention ko and time ko dun. Parang gusto kong buhayin, bigyan ng buhay para sa career ko.
"Sa dami ng responsibilities, parang mahirap siya in terms sa time, attention."
Pero tinanong pa rin si Carla kung anu-ano ang mga katangiang hahanapin niya sa susunod na taong mamahalin niya.
"Basta mabait, basta totoo, honest, maalaga at may takot sa Diyos."
Nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa press conference ng PAWS para sa launch ng Administrative Circular No. 5 o guidelines laban sa animal cruelty. Ginanap ang event noong June 22, 2023 sa isang restaurant sa Cubao, Quezon City.
January 2022 nang maghiwalay sina Tom at Carla matapos lamang ang tatlong buwang pagsasama bilang mag-asawa.
Sa tindi ng pinagdaanan ni Carla, marami raw siyang natutunan pagdating sa pakikipagrelasyon.
"Unang-una, huwag pababayaan ang sarili. Okay lang na maging selfless ka, giving, or generous sa partner mo, pero huwag mo namang iiwan ang sarili mo or huwag mong pababayaan ang sarili mo.
"Look afer yourself, lalo na kung alam na ng katawan mo, ng puso mo, parang di na tama.
"Ang pagtitiis, di yan 24/7 na ginagawa, kailangan talaga magkaroon ng boundaries para maprotektahan mo ang sarili mo."
Mahalaga raw talaga ang pagkakaroon ng boundaries.
"From time to time mag-reflect sila, tanungin nila ang mga sarili nila kung masaya ba talaga sila, kung labag ba sa loob nila ang mga bagay-bagay.
"Sobra-sobra na ba ang pagbibigay? Kung nakakapag-reciprocate ba ang partner nila? Basta lagi lang sila magre-reflect lang."
Read: Carla Abellana experiences being "housewife"; realizes "hirap" of kasambahay
ON FORGIVING TOM
Masakit man ang naging ending nila ni Tom, siniguro ni Carla na nakapagpatawad na siya at nagmu-move forward na siya sa ngayon.
"Oo naman, important yun. Pangit ang nagbibitbit ka ng anger, resentment, bitterness kasi ikaw pa rin ang talo pag dala-dala mo yun.
"Okay lang naman na di siya madaliin. It takes time, di siya agad naa-acquire. Yang forgiveness, medyo matagal na proseso, di pinipilit.
"Forgiveness is for you or for yourself, not for whoever should be given your forgiveness."
Nang tanungin namin kung bukas ba siyang makasama sa isang trabaho si Tom, naging matapat ang aktres.
"Sa ngayon hindi pa," mabilis na saad ni Carla.
"Pero kung dumating ang pagkakataon na maging ready ako, magkaroon ng opportunity, we'll see.
"Di ko sinasabing never, pero sa ngayon hindi."
Wala raw silang anumang komunikasyon.
"Bumati? Ay, hindi, wala namang ganun," saad ni Carla nang tanungin kung bumati sa kanya si Tom noong birthday niya noong June 12.
"No communication pa rin ever since. Sa ngayon, better na ganun.
"Kabi-birthday ko lang nung June 12, masaya ako kasama ko ang family ko. Nakapag-dinner kami, nag-sleep over ang mga pamangkin ko sa bahay, nakapag-stay pa ako sa bahay ko sa Tagaytay, so happy.
"Malaya na? Parang papunta na," nakangiting dagdag ni Carla.
Read: Carla Abellana asked if she regrets getting married: “Yes… nagsisisi ako.”
ON CARLA'S HEALTH ISSUES
Nang kamustahin ang estado ng kanyang puso, ibinahagi ni Carla na nalaman niyang mayroon siyang heart condition.
"I have tachycardia or irregular heartbeat, and neuro cardiogenic syncope, basically, pag-supply siya ng blood sa brain.
"Kasi, di ba, umaakyat ang blood sa brain, nahihirapan siyang bumalik, so madali akong himatayin, mapagod.
"Ang hirap, may mga adjustments sa diet, may sinusuot na parang compression socks, and then, of course, medications."
Ano ang nag-trigger ng kanyang health condition?
Sagot ni Carla, "Wala naman kasi yung tachycardia acquired siya because of my career, sa pagpupuyat, stress. Yung cardiogenic syncope, di ko sure."
May iba pa siyang health issues.
Ibinahagi ng Kapuso actress na hindi pa nalulunasan ang thyroid problem na ipinagamot niya noon.
"Nag-switch ako ng doctors. Mayroon akong pinupuntahan ngayon, endocronologist din siya, specialist.
"Two, three months na akong on maintenance medication. Ginagamot ko ang aking thyroid, pero magulo, erratic.
"I don't know kung dahil sa ibang health conditions na ang aking hormones ay irregular.
"Ang aking hypothyrodism ay nandun pa rin. Ang dami kong gamot para i-normalize ang ibang levels ng hormones."
Ano kaya ang sanhi ng kanyang health issues na ito?
"Problems? I have no idea. Pero, I guess, hindi naman magiging ganun ang body mo kung walang external factor.
"Kumbaga, sanay naman ako sa stress—sa trabaho ko, stress, puyat, pagod. Di naman nawawala yan, lalo na pag dire-diretso ang trabaho.
"I guess, it comes with age na rin na mas nagiging harder to manage siya, mas nagiging apparent o lumalala."
Kaya mas inaalagaan daw ni Carla ang kalusugan ngayon.
"Ngayon mas na-value ko yung to have some rest and tulog. Sanay kasi tayo ng dire-diretso, walang pahinga, puyat talaga, raket.
"Pero yung importance ng pahinga, ngayon ko siya mas na-realize, yung value ng sleep.
"Take lang the advice of the doctor, yung cardiologist and endocronologist .
"Ang daming gastos, ang daming tests, pero okay lang for my health."
Read: Direk Mark Reyes on Voltes V: Legacy mega trailer bashers: "I don't do the show for them."
ON HER NEW HOUSE
Sa huli, ibinalita ni Carla na malapit na siyang lumipat sa bago niyang bahay.
"Masakit sa bulsa, grabe yung stress and, of course, financially, pero hopefully next week lilipat na ako dun so more on paint na lang sila.
"Parang retouch na lang ng paint, kaunting plumbing and electrical. Okay na siya, mga gamit ko nailipat na."
Sino ang kasama ni Carla sa bago niyang bahay?
"Mga pets ko, ang aking personal assistant, driver, kasambahay.
"Pero siyempre may mga kuwarto naman ako dun pag mag-i-sleepover ang aking family. Madalas naman na nangyayari na nagi-sleep over sila."
