Kapansin-pansin ang payat na pangangatawan o pagiging slim ngayon ni Billy Crawford.
Napangiti pa ang singer-performer nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang physique dahil tila ilang beses na niyang naririnig o nababasa ang mga ganitong komento.
Si Billy na rin mismo ang nagbukas ng negatibong komento sa kanyang kapayatan, "Ang daming nagsasabi na ‘adik’ or whatever."
Mariin niyang pinabulaanan ang haka-hakang ito.
"Una sa lahat, it’s unfair para sabihin sa isang tao kung sino sila. Una sa lahat, I don’t do drugs.
"Pangalawa, I stopped alcohol for the past six years," paliwanag ni Billy.
Ang pag-inom ng alak ang aminado siyang bisyo niya noon.
Pagsisiwalat niya, "Alcoholic po ako noon, and yes, kaya ho ako nag-230 pounds. Hindi ho healthy yon.
"So I started to lose weight from that time. Tumigil talaga akong mag-alchohol at tuluy-tuloy lang siya, hindi na ako bumalik sa alcohol. As in, zero alcohol.
"Hindi na ako nagyoyosi [sigarilyo], wala akong bisyo."
Read: Billy Crawford recalls battle with alcoholism: “I was going to Showtime drunk.”
Hindi rin naman nagda-diet sa pagkain si Billy, pero dati raw ay sinubukan niya ang intermittent fasting at keto diet.
Pero sa patuloy niyang pagpayat, ito ba ay personal o intensiyonal na kagustuhan niya?
"Actually, simula nong nag-Dancing With The Stars...
"And alam niyo, actually, paulit-ulit. Paulit-ulit akong nagpapaliwanag kasi sobrang dami ng nagsasalita on my behalf..."
Ang Dancing With The Stars o Danse avec les stars ang dancing competition sa France kunsaan nagwagi si Billy noong November 2022.
Read: Billy Crawford wins French edition of Dancing With The Stars
Mula raw noon ay naging consistent na siya sa kanyang healthy lifestyle.
"Ngayon, I’m super, super healthy. I couldn’t ask for more.
"Siguro kung alcoholic pa ako, baka patay na ako," sabi pa ni Billy tungkol sa paghinto niya ng kanyang bisyo noon.
Masaya si Billy sa kanyang pangangatawan sa kabila ng maling haka-haka ng iba.
"So ngayon, I’m 41 years old and I’m 148 pounds, I’m healthy. I feel good.
"I don’t necessarily exercise tremendously, pero kumakain ako nang tama, umiinom ako ng tubig."
Sabay napangiting hirit niya, "And siguro, mabigat na lang talaga ang anak ko. Nakakapagod din paminsan-minsan. Kasi, saluhan kaming mag-asawa."
Mula sa Dancing With The Stars sa France, nag-host si Billy ng defunct game show The Wall Philippines at TV5 noontime show na Tropang LOL.
Malapit na rin siyang mapanood sa upcoming franchise reality search ng GMA-7 na The Voice Generations kasama sina Chito Miranda, Julie Anne San Jose, at Stell ng SB19.
Hindi naman daw niya siguro magagawa ang mga trabahong ito kung hindi siya healthy o kung may bisyo siya.
Komento ni Billy, "Kung addict ako, sa totoo lang, e, di sana, nasa kulungan ako. Honestly…"
Read: Coleen Garcia, muntik nang sumuko sa kasal nila ni Billy Crawford
BILLY CRAWFORD ON ESCAPING FROM TEMPTATIONS
Nasubukan niya bang mag-drugs?
"No, never," mabilis niyang sagot.
"Kaya nga aminado akong alcoholic ako. Pumapasok ako sa trabaho before na lasing ako. It was alarming before."
Nagpapasalamat si Billy dahil naiiwas siya sa mga pagkakataong dumadating ang temptasyon na sumama sa mga taong gumamit ng ilegal na droga.
"And I have an addictive personality and laging nandiyan ang Panginoon para sagipin ako.
"Because every time that there’s an opportunity to try drugs, in a snap of a finger, palaging meron na, 'Halika nga dito, Billy, Punta nga tayo dito. Alis tayo dito.'
"May nare-raid, may nakukulong. So, nililihis ako ng Panginoon sa masasamang bisyo, and I’m thankful for that.”
Read: Billy Crawford, hindi sumuko sa Dancing With The Stars dahil sa misis na si Coleen Garcia
UNBOTHERED BY INTRIGUES
Kung anuman ang espekulasyon ng iba dahil sa pagpayat niya, hindi raw naaapektuhan dito si Billy.
Saad niya, "Alam naman ng asawa ko kung sino ko at ano ako. So, yun ang pinakaimportante.
"I don’t necessarily listen kung anu-anong sinasabi at nakakarating sa akin.”
Kinumusta rin ng PEP.ph kay Billy si Coleen at kung ano ang reaksiyon nitong dahil sa pangangatawan niya ay naiintriga siya.
Aniya, “She’s happy. Wala naman siyang sinasabi.
“You know, we are a happy family. So, kung ano man ang gusto nilang sirain para mapag-usapan lang, hindi totoo yon.”
Unbothered lang siya?
“Super unbothered,” sagot niya.
“And it’s annoying from time to time, di ba? Pero, hindi naman natin maiiwasan yon."
Read more PEP.ph hot stories:
- 7 Controversies of 'Eat Bulaga!' over the years
- Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
- Review: First day of 'E.A.T.' on TV5: a warm mix of old and new tricks, laughs, tears, and hugs
- Review: 'Eat Bulaga!' relaxed amid battle of noontime shows
- 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere
