Sa story conference ng Forgetting Canseco na naganap sa Viva Entertainment office sa Pasig City, Martes ng gabi, July 4, 2023, nabigyan ng pagkakataon ang entertainment press na tanungin si Aga Muhlach tungkol sa pagpasok sa showbiz ng kanyang anak na si Atasha Muhlach.
Read: Atasha Muhlach, tinapos muna ang pag-aaral bago sumabak sa showbiz
Ang Forgetting Canseco ang pelikulang pagtatambalan nina Aga at Julia Barretto na mula sa panulat at direksiyon ni Denise O’Hara.
May sagot si Aga sa lahat ng mga tanong tungkol sa proyektong gagawin nila ni Julia, pero nahirapan siyang magsalita nang mapag-usapan ang anak na babae nila ni Charlene Gonzalez na ipinakilala bilang contract artist ng Viva Artists Agency kahapon, July 3.
“Mahirap ito ah… Paano ba yan? Uhmm… hindi ko alam sagutin yan, a. Hindi ko alam sagutin yan. Hindi ko kaya.
“Parang hayaan ko lang siya. Basta as her dad, she knows that. I’m right there behind her, but ayokong makialam talaga.
“I am happy she’s gonna be working soon. She started already, di ba, nag-presscon na siya?” sagot ni Aga.
Read: Charlene Gonzalez on daughter Atasha Muhlach joining showbiz: “You can now fully chase your dreams.”
Mauunawaan ang sitwasyon ng aktor dahil normal na normal lamang ang pamumuhay nila ng kanyang pamilya sa kanilang tahanan. Pero nagbahagi si Aga ng nakakaaliw na kuwento tungkol kay Atasha na tuwang-tuwa nang makita nito ang sariling pangalan sa parking lot.
Lahad ni Aga, “As a matter of fact, first photo, she showed me, and then she texted me and she goes, ‘Hey, Dad, guess what? I have my name sa parking lot. I have my name!’
“Parang tuwang-tuwa siya sa name, may picture siya sa parking niya. May 'Atasha Muhlach…' so yun lang. Maliliit na bagay sa family namin."
Dagdag niya, “I wish her well and she’s of age to work. Sabi nga niya, ‘Slay!’"
Malapit na ang graduation day ni Atasha sa isang eskuwelahan sa United Kingdom na kinumpirma ni Aga, na lumitaw ang pagiging mapagkumbaba dahil ibang tao pa ang nagbanggit na with honors na magtatapos ang kanyang anak.
“She’s graduating this year sa U.K. Basta masaya siya, magtatrabaho siya. Nasa Viva siya,” sabi ni Aga.
Wala raw nararamdamang pressure si Aga sa pagpasok ni Atasha sa showbiz.
“No…no... no. Sa bahay namin kasi... gusto niya yan, e. Eskuwela niya, siya ang namimili kung saan niya gustong mag-aral. Kung anong gusto niyang gawin, like when she wanted to work already, then go. Sa akin, sige. Para maramdaman mo, makita mo, di ba?”
WHAT ABOUT ANDRES?
Sa pagpasok ni Atasha sa showbiz, hindi naiwasang tanungin si Aga kung susunod na rin sa kanilang yapak si Andres Muhlach, ang kakambal ng anak na babae nila ni Charlene.
“Tingnan natin kung anong gusto nila. Bahala sila. Talagang hindi namin napag-uusapan talaga sa bahay. Parang iba ang takbo sa bahay talaga.
“It’s really more... very normal. Parang it’s just normal.
"Parang paggising mo, naka-pajama ako. Kung hindi ako lalabas ng bahay, maghapon, naka-pajama lang ako. Ganoon lang kaya nahihiya ako to talk about them now."
Sbi pa ni Aga tungkol kay Atasha, “Like, she’s entering [showbiz], parang I really don’t know how to answer. Hindi ko alam… basta natutuwa ako.
“Siyempre, di ba? Kasi kilala ko yan, e. Anak ko yan, e. Kapag pumo-pose yan, 'Owww.' Sabi ko, 'Meron ka ha?'
“Parang, 'Baaa...' but I saw it in her talaga. When we did our commercials before, growing up, madami kaming ginawa.
“So, nakikita sa mukha niya talaga, kapag tumitingin siya talaga, kapag sinabi ng direktor, ‘Atasha look to your left,’ she knows, e. Meron, e.”
Sa ginanap na press conference para kay Atasha, nagsalita ito tungkol sa posibilidad na pagsali sa mga beauty pageant dahil dating beauty queen si Charlene, ang Bb. Pilipinas-Universe titleholder noong 1994.
Muli, sinabi ni Aga na hindi nito alam ang kanyang magiging reaksiyon.
“Hindi ko alam, e. Hindi ko talaga mag-react talaga sa ganyan. Kung anong gusto, kung anong gagawin nila, kasi parang hindi ako puwedeng manghimasok sa buhay nila. If they really wanna make it on their own, hindi ako dapat manghimasok talaga.
“But nandiyan lang ako sa likod nila. Kung anong gawin nila, dumapa sila, masugatan sila, sige lang. Kaya niyo yan.”